Chapter 2

38 1 1
                                    


Ilang araw ang nagdaan,at heto ako. Naghihintay sa magiging tawag ni Esther para madala ko na si nanay sa ospital.

Nanay... Mama... Mommy... Ito yung mga salitang hindi ko alam kung meron ako.

Si Nanay Estella,sakanya ko naramdaman ang pagkakaroon ng ina kahit na minsan ay hindi ko siya nakikita. Sa totoo nga lang,naiinggit ako sakanilang mag-ina. Yung tipong malaya si Esther tapos kahit na hirap sa buhay ay hindi na niya hinayaang magtrabaho pa ang kanyang ina. Ganun niya kamahal ang kanyang ina,na darating sa puntong gagawin niya ang lahat,kung ano lang ang makapagpabuti sa kalagayan ng kanyang ina.

"Nay? Ayos lang po ba kayo-"

"Wala pang kalahating oras tayo dito,pang limang beses mo ng tinanong yan. Sabi ng ayos lang ako,wag na natin hintayin si Este,bumalik na tayo sa bahay-"

"Op! Op! Babalik ka sa bahay o sasapakin kita,nanay?" Pagbibiro ko sakanya na tinawnaan lamang niya. Nasasanay na siya sa paganito-ganito ko.

"Hayy. Pareho na kayo ni Este."

Yung ngiti ko,unti-unting naglaho ng marinig ko ang sinabi ni nanay.

Pareha kami ni Este... Sana nga,nay... Sana nga magkaparehas kami,pero hindi... May nanay siya,ako wala... Malaki ang kulang,para magkapareho kami ni Este...

Gusto kong sabihin yun,pero sa ganitong kalagayan ni nanay. Ayaw ko ng makadagdag pa sa mga nararamdaman niya. Mas mabuti pang isarili ko na muna 'to. Hindi na'ko pwedeng makapagsabi kay nanay ng mga nararamdaman ko,iba na ngayon kumpara ng dati. Ayaw ko ng makadagdag pa sa problema niya.

Sa loob ng limang buwan,siya ang tumayong nanay ko.... Sa loob din ng limang buwan na yun,may kulang pa din....

Ako ang sumama kay nanay ngayon,dahil naghahanap ng pera si Este.

"Este?" Sabi ko sa kabilang linya ng tumawag ito sa'kin.

"Pingkay-"

"What the hell? I want to punch your fucking face,Estherella Fernandez."

Naging tahimik ang kabilang linya ng madinig ang sinabi ko. Kahit din ako ay nagulat sa sinabi ko,hindi ko inaasahan na yun ang lalabas sa mga bibig ko. Nagugulat at kinakabahan na lang ako kapag nakakapagsalita ako ng mga english. Yung tipong sanay na sanay na'ko.

"Jusko. Nakakagulat ka." Sabi niya sa kabilang linya na ngayon lang nakapagsalita.

"Oh ano? Tutuloy ba kami?" Sabi ko na lamang para hindi naman awkward 'tong usapan namin.

"A-ano... Umuwi na muna kayo Pat. Wala akong mautangan,tsaka walang tumanggap sakin sa trabaho-"

"Ako na ang bahala dito. Babye. Mag ingat ka." Pinatayan ko na ang linya.

Ayokong madinig yung boses ng kaibigan kong alam kong nahihirapan.

Kinuha ko ang limang daan ko na pera sa bulsa ko. Pero alam kong kulang ito para sa pagpapa check up ni nanay...

"Nay? Umuwi na muna tayo,nauuhaw-"

"Tara na. Jusko,maraming salamat naman at nauhaw ka."

Ngumiti na lamang ako,ngiting nahihiya. Wala man lang akong magawa. Umalis na kami at inalalayan ko na lamang si nanay.

Nahihiya ako... I- i can't take this...

"Boss." Pagtatawag ko sa may-ari nitong bar na pinagtatrabahuan ko.

Remembering You (Lunaiah Boys Series 3)Where stories live. Discover now