"Magpahinga na po kayo nay..."Tango lang ang naging sagot niya sakin at isang pilit na ngiti.
Tumalikod na ako at sa pagtalikod kong yun,ramdam ko ang kabigatan ng puso ko dahil sa nararamdaman ko. Alam kong nag-aalala siya sa kanyang anak at sa tinatago niyang sakit. Ramdam ko kung paano kahirap ang sitwasyon ngayon ni nanay.
Alam kung malaking kasalanan itong gagawin kong pagsisinungaling. Pero hindi ko kayang makitang si nanay na mismo ang kikitil ng kanyang buhay.
Oo,blinackmail ako ni nanay. Hindi siya magdadalawang isip na patayin ang sarili niya kapag nalaman ni Este na ganun ang kondisyon ng nanay. Dahil alam niyang kapag nalaman ito ni Este,sigurado siyang ngayon at ngayon din ay ipapagamot siya kahit ilang pera pa ang magamit,walang pakealam si Este. Papatayin na lang daw ni nanay ang sarili kaysa na mahirapan si Este sa paghahanap ng pera at mag alala.
Lumabas ako at umupo sa labas ngunit yun pa lang ang pagkakaupo ko ng may lumapit saking nurse.
"Ma'am? Pinapapunta po kayo ni doc at may sasabihin po siya sa inyo-"
"Sinong doc?" Mataray na pagkakasabi ko dito sa nurse na ito na kung saan saan na lang sumusulpot.
"Si Doc Guerrero-"
"Yun bang gwapo?"
"Opo-"
"Sabihin mong hindi ako pupunta dun,ano siya? Sinuswerte? Ayoko."
Iniwas ko kaagad ang tingin dun sa nurse tsaka siya umalis matapos kong masiguro kung ang tinutukoy nga ba niyang doktor ay ang pesteng lecheng tinapa na yun.
Pero bakit naman ako nagagalit dun sa kumag na yun? Dapat nga siya ang magalit sakin dahil baka hindi na siya makabuntis.
Ahh basta! May pakiramdam akong kumukulo ang dugo ko sakanya. Yun bang parang... Parang... Nararamdam ko na-
"To the girl na naka puti at naka jeans, I need you here in my office now. You know who you are. Come to me,now."
Natigil ako sa pagmumuni-muni ko ng lumaganap sa buong ospital ang boses na yun. At kilala ko kung kanino yun.
Pag hindi ba pupunta kailangan bang e announce talaga? Kailangan bang malakas ang tunog ng speaker? Kailangan bang maganda yung boses na ang astig pakinggan? Kailangan bang gwapo ang magsalita nun? Kailangan bang hot ang magsalita nun? Kailangan bang masarap-
"Shit."
Nabaling ang tingin ko sa babaeng naka lab gown na aakalain mong miss universe kung makarampa. Hindi siya nakatingin sakin dahil nginingitian niya ang mga taong bumabati sakanya.
Napapikit ako sandali ng sumakit ang ulo ko pero nawala din naman agad tsaka ko dinilat ang mga mata ko at tumama iyon sa babaeng doktora na nakatingin na din pala sakin. At imbes na ako ang magulat sa ganda niya,siya ang natigilan ng magtama ang tingin namin.
Tumikhim siya at iniwas ang tingin sakin tsaka siya nagsalita.
"D-doc. Guerrero needs you in his office,now. Wag m-mo na daw hinatyin na siya pa ang pumunta dito baka-"
YOU ARE READING
Remembering You (Lunaiah Boys Series 3)
RomanceNagkasakit siya at madaming naghihintay sa kanya para malaman ang katotohanan... Posible pa kayang magamot ang puso niyang wasak-ayy este ang sakit niya? Yes,he is a doctor. Pero paano kung ang taong maggagamot sa kanya ay ang taong sasaktan niya?