Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Bakit naman hindi magiging pamilyar kung ang hinihigaan ko ay ang kama ko.
Kinusot ko ang aking mga mata at kinuha ang muta. Jusko napakadumi ko. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil kumirot ito pero nawala din naman agad.
Bakit simula nung araw na iyon palagi na lang na sumasakit itong ulo ko?
Kinuha ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan at nagulat ako ng makita ko ang katawan ko na may saplot na damit. E natutulog akong walang damit kasi mainit dito. Siguro nakalimutan ko lang at nakayulog agad dulot ng pagod.
Ginalaw ko ang paa ko na siyang pinagsisisihan ko kung bakit ko ginawa at pinagtataka ko. Napahawak ako sa gitna ko ng kumirot iyon ng gumalaw ako.
"Shit. Anong nangyayari?" Naguguluhan kong saad sa sarili.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog iyon hudyat na may tumatawag. Dahan-dahan ang ginawa ko dahil hanggang ngayon ay masakit pa din ang gitna ko na hindi ko alam kung anong dahilan.
"He-"
"Bumangon ka na diyan at gawan mo'ko ng kape."
Totot
"What the hell?" Kunot noong sabi ko na nakatingin sa cellphone ko na kakapatay lamang ng tawag ng pamilyar na boses ng taong yun.
Ang kapal ng mukha niya. Sino ba siya para utusan ako?
Hawak ang gitna ng hita ko ay dahan-dahan akong tumayo.
"Ouch! S-shit!" Igik ko ng humapdi ito.
Ano ba kasi ang ginawa ko. Nakakainis na ah.
Pinilit ko ang sakit para lamang makapunta sa banyo at maglinis ng katawan dahil parang nanlalagkit ang katawan ko. Ano ba kasi ang ginawa ko kagabi.
Ng nasa pinto na ako ng banyo ay dinig ko ang cellphone kong tumunog na hindi ko na lamang pinansin at pumasok na ng tuluyan sa banyo.
Ng matapos kong maglinis ng katawan ay uminom ng kape at habang umiinom hindi ko mapigilan ang mapaisip.
Simula ng umapak ako sa lugar na ito ay hindi ko pa naranasan ang pumunta sa neurologist. Ang gamot na natitira na lamang sa akin ay kokonti na lamang.
Hindi na ata tama tong pagpapanggap kong wala akong sakit.
Napahawak ako sa pisnge ko ng may maramdaman akong tubig na tumulo mula sa mga mata ko.
Dahan-dahan ng nawawala ang mga ala-ala ko. Natatakot ako... Natatakot akong baka sa paggising ko,pangalan ko na naman ang hindi ko maalala. Sa tuwing nay naaalala ako sa nakaraan ko,nawawala naman ang mga ala-alang nangyayari sa buhay ko ngayon.
Bakit lahat may kapalit? Nakakapagod ng mag-isip kung may kasiguraduhan ba 'tong buhay ko. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari sa'kin.
Sa gitna ng pagmumuni-muni ko,biglang tumunog na naman ang telepono ko na nasa mesa. Tiningnan ko ang tumawag at sigurado akong siya na naman ito.
"Where are you? I need you here,right now."
Saka na naman niya pinutol agad na hindi ako hinahayaan na makapagsakita man lamang.
Sino ba siya para sundin ko?
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong naglalakad papasok ng ospital. Kakasabi ko lang kanina na sino ba siya para sundin ko. Tapos ngayon,malapit ng umabot sa malaking ospital na ito kung saan nandun si nanay. Syempre si nanay ang una kong pupuntahan.
Sino ba naman ang hindi mapapaalis sa bahay ko ng wala man lang akong magawa muntik ko na ngang maisip ang maglagay ng lubid tsaka ipasok ang ulo ko kaya bago ko pa yun magawa ay umalis na kaagad ako sa bahay na yun habang pinipilit ang sakit sa aking hita. Pero hindi pa naman ako baliw para gawin ang bagay na yun. Mahal ko pa ang buhay ko,gusto ko pang magkaroon ng pamilya at mabuhay ng matagal kasama ang mga taong mahal ko.
YOU ARE READING
Remembering You (Lunaiah Boys Series 3)
RomanceNagkasakit siya at madaming naghihintay sa kanya para malaman ang katotohanan... Posible pa kayang magamot ang puso niyang wasak-ayy este ang sakit niya? Yes,he is a doctor. Pero paano kung ang taong maggagamot sa kanya ay ang taong sasaktan niya?