"Anak ng! Lumayo ka nga! Upakan kita e!" Pagtataboy ko sa lalaking hinawakan ang likod ko. Mabuti na lang kung hawak lang. E yung hawak niya may kasamang pambabastos. Nakakadiri pa naman,parang sinapian ng demonyo yung pagmumuka.
"Arte mo-"
"Wow ah. Nahiya naman ako sa mukha mong parang kakaahon lang sa kanal." Pagpuputol ko sa sasabihin niya nakakarindi sa tenga.
I hate it when someone called me maarte e hindi naman.
"Ikaw-"
"Oh ano?! Suntukan tayo oh!" Paghahamon ko.
Nilagay ko ang hawak kong bote ng beer at hinarap siya tsaka handa na siyang banatan ng may humawak sa braso ko at may sumapak dun sa hinamon kong lalaki.
"Next time,wag basta-bastang manghahamon. Dibdib mo lang panlaban mo e. Kaya natatalo yung mga hinahamon mo." Nagpintig ang tenga ko sa sinabi nung hindi ko kilalang lalaki na nakahawak sa kamay ko.
At dahil madilim at puro sumasayaw na mga ilaw ang nagsisilbing ilaw ay hindi ko makita ang mukha ng lalaking nakatalikod sakin na siyang nagsabi nung mga salitang yun.
Pero bago pa ako makapagsalita,umalis na yung demonyo at hindi ko na malaman kung saan nagpunta.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ano namang problema sa dibdib ko? Tsaka,bwesit siya ah! Pinagtitripan niya ba ang mga kayamanan ko?
"Hayyy! Magkikita din tayo. At sa pagkikita natin yun,masasapak kitang anak ka ng aso!" Inis na sigaw ko bago ako umalis sa nagkukumpulan na mga tao na halos nakatingin sakin.
"Miss! Isang beer-"
"Nandiyan na po! Ibuhos ko sayo to e." Hininaan ko na ang huling mga salita na binitawan ko tsaka na ako naglalakad papunta dun sa nag krder tsaka bumalik din uli sa counter.
"Ang init ng ulo mo. Pakalmahin mo nga yan." Napatingin ako sa may-ari nitong pinagtatrabahuan kong bar ng kausapin niya ako.
"Pa'no ako kakalma kung sa bawat galaw ko. Dibdib ko ang pinagtitripan. Nakakainis." Inis na sabi ko.
Sa limang buwan ko ng nagtatrabaho dito,unti-unti kong nakakasundo ang may-ari nitong bar. Mabuti naman at nasanay na siya sa mga inaasta kong ugali. Minsan kasi maarte ako,minsan naman nagiging siga bigla na parang gustong pumatay ng tao kapag may nambastos sakin.
"Bakit kasi ang laki niyan." Natatawa niyang sabi.
"Luh. Kasalanan ko ba namang pinagpala akong magkaroon ng ganito."
"Gaga. Umalis ka na nga,bago ka pa makasapak ng mga tao dito." Sabi niya na pinapaalis nako kahit hindi pa naman oras para umalis na'ko dito.
"Sigurado na?" Paninigurado ko.
"Ayaw mo? Di wag-"
"Naku! Salamat! Hoo!" Pasasalamat ko dahil may oras pa ako para maglakwatsa. Maglalakwatsa ako ng alas onse ng gabi. May balak akong magpakidnap.
"Alis. Sho!"
"Ang bait mo talaga Boss Ell!" Sabi ko dito tsaka na ako umalis at nagpunta na'ko sa locker para magpalit ng damit.
At ng makalabas na ako sa bwesit na lugar na kung saan ako nagtatrabaho ay nakahinga ako ng maluwang.
Sa wakas,maaga akong magpapahinga. Ipagpabukas ko na lang ang paglalakwatsa ko.
Nasa gilid na'ko ng kalye at naghihintay na lamang ng masasakayan para makauwi na at makapagpahinga.
Pumara ako ng may makita akong jeep na siyang huminto dahil pumara. Dahil kapag di to pumara,magpapagitna ako at papababain ko yung nagmamaneho tsaka ko sasapakin.
YOU ARE READING
Remembering You (Lunaiah Boys Series 3)
RomanceNagkasakit siya at madaming naghihintay sa kanya para malaman ang katotohanan... Posible pa kayang magamot ang puso niyang wasak-ayy este ang sakit niya? Yes,he is a doctor. Pero paano kung ang taong maggagamot sa kanya ay ang taong sasaktan niya?