Chapter 5

40 0 0
                                    

Chapter 5

Isang buwan ang nakalipas halos araw-araw silang magkasama. Susunduin sya ni mike at sabay silang pupunta sa resort.... Noong isang linggo pa sinimulan ang construction at development sa lugar...

Architect pala tong mike kaya sya na ang nagdesign ng hotel... Kaya nakatipid kami... Binibiro nya nga ako eh, ang yaman-yaman ko daw tas ang kuripot ko... Dapat daw may bayad ang talent fee nya...tumawad pa ang loko...

At sa loob ng panahong yun, hindi ko mapigilangmahulog ang loob ko sa kanya......

Hindi ito katulad ng mga ex's nya na mga image conscious...

Kailangang palaging pogi...

Kailangang palaging mabango...

Pero iba si mike kahit nanglilimahid ito sa pawis, hindi ito nahihiyang dumikit sa kanya..

Minsan nga pawis na pawis ito..kasi nga masyado itong hands on sa lahat ng bagay,aagawan pa ng trabaho ang karpintero...

"lumayo ka nga sa akin amoy pawis ka,ambaho mo"sabi ko sa kanya pero syempre di totoo yun..kakaiba nga sya eh...kasi kahit pawisan na ang bango pa rin...

Ayaw ko lang talaga ng pakiramdam na masyado syang malapit sa akin....

"mabaho pala ha!halika dito" sabi ni mike na umaktong yayakapin sya..

"hoy! Hoy! Wag kang lalapit, uupakan kita!" banta ko sa kanya at tumakbo.

"humanda ka pagnahuli kita. Ipapaamoy ko sayo ang sinasabi mong mabaho" si mike na nasa likuran ko na...

"aaaaaaahhhhh" napasigaw ako ng bigla nya akong yakapin mula sa likod....

"bitawan mo ako!kadiri ka!" sabi ko at nagpupumiglas sa pagkakayakap nya...

Ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang yakap nya sa akin at kiniskis pa ang pawisang mukha sa pisngi ko....

Hindi ako makagalaw, hindi dahil nandidiri ako.....kundi dahil ramdam na ramdam ko ang mainit nyang didbdib sa likuran ko.

Tila ba may bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa ugat ko at di ako makagalaw.

"oh!ayan pareho na tayong mabaho" si mike na binitawan sya at tumatawa pang bumalik sa ginagawa nito kanina....

Naiwan naman akong parang tangang nakatyo pa rin doon...

"hoy!" nagising ako sa pagkatulala ng may pumitik sa harapan ko.

"ha!" nagtaka pa ako ng makita si mike na nakupo sa tabi ko.

"anong nangyari sayo? Kanina ka pa tulala." puna ni mike sa kanya......

"Hmmmn" sabi ko naman na naalala na andito pala kamo sa dalampasigan ngayon......

Nagyaya kasi mike magswimming. Sunday kasi maagang umalis ang mga manggagawa para umuwi sa kani-kanilang pamilya.

Pati nga ang mag-asawang katiwala nya sa resthouse umuwi muna sa bahay nila at babalik na lang kinabukasan.

Ayaw pang umuwi ng loko kaya napagkasunduan naming magovernight na lang dito. Bumili ng lang kami ng ready made na bbq at syempre pantulak...

kanina pa nga kami nagkukulitan sa dagat,, kaya ng mapagod umahon kami at nilantakan ang pagkain namin... At habang kumakain nakupo kaming magkatabi. As in magkatabing magkatabi. Kasi nasasagi na ng braso nya ang braso ko kapag gumagalaw sya.

"ang sabi ko anong nangyari sayo? Kanina ka pa tulala,." ulit ni mike sa tanong niya sa dalagang tila wala sa sarili.

"may problema ba? Dugtong pa nito..

"problema? Unfortunately meron.." sabi naman ni mitch na nakayuko...nilalaro ang buhangin ng kamay...

"what's your problem? Care to tell!"usisa ni mikesa kanya

"Haha!" pagak naman na tumawa si mitch at lumagok ng beer na hawak, na para bang doon kumukuha ng lakas ng loob sa sasabihin.

"problema ko? Ikaw!Ikaw ang problema ko" sabi ni mitch na hindi nililingon ang katabi.

"ha! Bakit anong ginawa ko? Masyado ng bang below the belt ang biro ko.? Masyado na ba akong magule?" naaalarmang sabi ni mike.

Umiling-iling naman si mitch

"yun na nga yun eh, wala ka naman ginagawa pero bakit di ko mapigilang mahalin ka? Si mitch

Naguguluhan namang tumungin si mike sa kanya......

" Kung bakit kasi ang bait mo?"

" Bakit kasi pinapasaya mo 'ko?"

"bakit kasi ang sweet mo?"

"kung Bakit kasi syo pa tumibok ang puso ko?"

"kung Bakit kasi ikakasal ka na?"

Malungkot na sabi ng dalaga.

" mitch!" ang tanging nasambit ni mike

"alam kong mali to...but....but...." sabi ni mitch na ngayon ay sinasalubong ang tingin ng binata.

"but can you love me too?"

"mitch!" sabi ng binata at bumuntong hininga..."gustuhin ko man pero hindi pwede" si mike na nahihirapan sa nakikitang ekspresyon ng kaharap.

"okay..okay wag mo na lang akong mahalin,pero hayaan mo lang akong mahalin ka!" pakiusap ni mitch na luhaan na.

"pero masasaktan ka lang! Hindi ako karapat-dapat sayo" sabi ni mike na pinapaliwanagan ang dalaga.

"pero Ikaw ang laman nito! At nito" sabi ni mitchna tinuturo ang dibdib at sentido." okay lang na masaktan ako, atleast napadama ko sayo kung gaano kita kamahal."

"mitch! Mitch! Makinig ka!" sabi ni mike at kinupkop ang mukha ng dalaga at pinunasan ngdaliri ang luha nito...

" no! Ikaw ang makinig sa akin!" si mitch na hinawakan din ang mukha ng Binata.

"promise hindi kita pipiliting mahalin din ako.,hindi ako hihiling ng kahit ano, basta hayaan mo lang akong mahalin ka,

Hindi kumibo si mike, nagtitigan lang sila.

"if you let me kiss you now, it means your lettingme to love you!" sabi ni mitch at dahan dahang inilapit ang mukha sa binata...

A/n

Tama na antuk nq

Magwawarning pala ako para sa nxt chapter ha...

Hindi po ako magrerestrict feeling q kc di namanxa ganun ka,intamate...actually nasa drafts na sya nagloloko kc opera mini ayaw mapublish..hehehe antay lang kau ha... Vote naman jan.

Ciao nxt tym ulet pls comment po kung meron kayong violent reaction.

IM THE THIRD PARTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon