Chapter 9
Mitch
Pagkasundo ko kay ella dumiretso na kami sa bar..
"anong meron?"tanong ni ella sa akin pagkadating namin sa paborito naming pwesto.
"huh?"
"sabi ko anong meron? May kawawang lalaki ka na naman bang ebinrake?"
"ansama nito?"sagot ko sa sinabi nya
"totoo naman ah!nagpapa inom ka lang naman pagkatapos mong makipagbreak sa mga hot mong boyfriend."
"ganun!?"sabi ko nang nakataas ang kilay.
"bakit may iba pa bang dahilan? Alangan namang dahil birthday mo..eh nxt week pa yun...!? imposible na mang dahil in......love ka...oh my god! Oh my god dont tell me oh my god!!!"sabi ni ella na nanlalaki ang mata.
ngmiti lang ako sa kanya
"ohh my god!Inlove ka nga!"sabi pa nyang parang di makapaniwala at nakatakip pa sa bibig ang kamay
"para kang baliw!di ba talaga kapani-paniwala na mainlove ako!"
"mali! Ang hindi kapani-paniwala ay ang may makapasa sa standard mong hindi ko alam ang basihan!"
"shungek wala talaga akong standard!kelan ba ako nag karoon ng ideal guy!"sagot ko sa sinabi niya.
"kaya nga nakakapagtaka! Anong meron itong boylet na ito at nasungkit nya ang ang kontrabida mong puso?"
"kontrabida?!"
"oo! Kontrabida ka..kontrbida ka sa sarili mong storya!"
"ano naman tingin mo sa akin si ruby!?bidang kontrabida?"sabi ko at pareho kaming natawa..
"pero di nga! Inlove ka talaga?"tanong ulet ni ella
"tingin ko friend oo eh...alam mo yong nagising na lang ako isang araw.. parang di ko mapakali pag di ko sya nakikita.yung lahat ng paraan gagawin ko makasama ko lang sya..kahit.. Kahit sandali lang. Yong parang sasabog yong puso ko kapag titingin sya sakin."sabi ko pero dun sa baso ng maragarita ako nakatingin..
"ay friend... Walang duda inlab ka nga! Pero bakit sa lahat ng inlab ikaw lang yong mukhang namatayan...?bakit anong problema?di ka ba gusto nung guy?aba! Ang kapal nya face nya kung aayawan ka nya?"mahabang sabi ni ella
"hindi ano ka ba?"sabi ko.
"Kung ganun ano?panget ba sya...?hindi ba sya bagay sayo?ahhmmmnn taken na ba?"napatingin ako bigla sa kanya pagkasabi nya nung huli...
"ano? Married na? Me jowa??"
"hindi! Wala?"tanggi ko sa tanong niya. Parang hindi pa kasi ako handang sabihin sa kanya yong tungkol kay mike..
"kung ganun ano nga?"kulet nya sa akin
"eh kasi!"
"kasi????"sya habang nakataas ang kilay at naghihintay sa sasabihin ko.
"kasi uhmn umalis sya...oo tama... Nag out of town..eh namimiss ko na sya!"sabi ko which is partly true.. Ilang days na kaming di nagkikita ni mike kasi ina.asikaso nila paunti-unti yong kasal nila.. Pag iniisip kong ikakasal na sya parang sinusuntok ng sampung beses yong puso ko...
"naku! Naku gumaganyan ka na ngayon ha! Inlababo la na nga."sabi pa ni ella na umiiling iling pa.
"and oh by the way.... May sasabihin pa pala ako sayo...!"sabi ko na iniiba ang usapan
"hindi pa ba yon yung sasabihin mo?"
"no! Definitly not... Actually i want to ask you if you want to manage the restaurant in my resort?"
"oh my god! You mean dun sa bagong tayo mong resort yung pinagsosoyohan nyo ni mr. Hot guy before..?"naikwento ko na kasi si mike about dun sa incedent sa bar tsaka yong pagiging unexpectedly bussiness partners namin... but not the real score between me and mike...
"yep!"
"waaaaah ofcourse yes! Heller matatanggihan ba naman kita! and besides gusto kung palaging makita si mr. Hot guy!"kumunot ang noo ko doon sa huling sinabi niya..
"he's getting married already so back off!"sabi ko na medyo inis
"kung makareact ka naman parang ikaw ang fiancee...!"nagdudud-ang sabi ni ella
"tigilan mo nga ako?"
"bat ang pikon mo...ikaw nga magtapat sa akin! Me gusto ka ba kay hot guy?"
"ofcourse not! I said tigilan mo nga ako..kung ayaw mong bawiin ko yong alok ko sayo?"banta ko sa kanya
"eto naman..! Tenetesting ka lang eh..wag ka namang ganyan..tinanggap ko na eh..babawiin mo pa"nakangusong sabi ni ella
"whatever!"
"hoy! Wala nang bawian ha!"
"oo na nga!"
"promise?"kulet niya sa akin na kinakalabit kalabit pa ako sa balikat
"ang kulet mo promise!..isa pa babawiin ko na talaga!"sabi ko at pinalakihan sya ng mata
"naniniguro lang! So its a sealed deal, wala nang bawian..!"ang lapad ng ngiti ng bruha..
Nagkibit lang ako ng balikat at ngumiti
Pagkatapos noon nagusap ulet kami nang kung anu-ano lang.. Then uminom.. And of course pwede ba namang hindi namin puntahan ang dance floor..
Nang mapagod hinatid ko na sya.. At umuwi sa bahay namin..
~~
Nxt tym ulet
Ciao
Kwenz