Chapter 10.3

69 2 0
                                    

Chapter 10.3

Nagising ako dahil ang sakit ng buong katawan ko. Madudungis na mukha ang numalatan kong nakatunghay sa akin, dahilan upang napabalikwas ako ng bangon para lang mapingiwi nang sumugid ang ang kirot sa katawan ko dahil sa biglang paggalaw.

"huh! Nasa'n ako? Sino kayo?"sunod -sunod kong tanong sa tatlong batang namulatan ko kanina. Nagkatingginan na man ang tatlo. Na tila nagkahiyaan pa kung sino ang sasagot sa tanong ko.

"ah ate ganda ako po si makoy"sagot nung pinakamatanda sa kanila, na sa tingin ko nasa syam o sampung taong gulang."ito naman po si mimi"tukoy nito sa batang babaeng nasa pitong taong marahil."at ito naman po si buboy bunso namin!"sabi nito sabay akbay sa batang lalaking maliit.

"nandito po kayo sa aming munting tahanan."patuloy ni makoy di ko alam pero sa kabila ng pagtataka at sakit ng katawan napangiti ako sa sinabi ng bata. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Kung hindi ako nagkakamali nasa ilalim nang tulay ang bahay na'to, kung bahay nga itong matatawag. Na obviously ang ginawa nilang bubong ay ang ibabang bahagi ng tulay. Ang ang sementong nagsisilbing haligi ng tulay ang ginawa nilang dingding. Yong ibang parte nang lugar na di natatakpan. Nilagyan lang nila nang pinagtagpi-tagping mga sako, tarpulin. Ang sahig nila lupa lang sya Nanilalagyan lang nila nang karton kapag matutulog sila upang maging silbing banig nila.

"pano ako napunta dito!?"tanong ko ulet sa mga bata.

"dinala ka po dito ni kuya jay-r, matapos ka po niyang iligtas dun sa lalaking gusto ka sanang gawan ng masama. Ang galing nga ni kuya idol eh. Tinalo nya yong malaking mama."masayang paliwanag ni makoy. Na para bang ang galing galing nung kuyang sinasabi niya.

Hindi ko alam na sa kung anong dahilan parang piniga ang puso ko. Maselan ako sa maraming bagay ayaw kong may batang manlilimos na lumalapit sa akin, dahil nalalansahan ako sa kanila, pero yong mga bata palang ayaw kong palapitin sa akin ang syang magliligtas ng buhay ko. Hindi ko napigilang mapaluha. Naalarma naman ang mga bata ng makita akong umiiyak.

"ate! Bakit po kayo umiiyak? Me masakit po ba sa inyo? Gutom na po ba kayo?"nagaalalang tanong ni makoy, si mimi naman nakatayo sa tabi ko, samantalang si buboy tahimik sa isang tabi.

Mas lalo naman akong napaiyak dahil sa pagmamalasakit na nagmumula sa mga walang muwang na bata.

"tahan na po ate! Parating na po siguro si kuya jay-r bumili lang po sya ng pagkain."pagpapatahan sa akin ng mga bata. Nakakatawa kasi kadalasan mga matatanda ang nagpapatahan sa mga bata. Pero sa sitwasyon ko ngayon yong mga bata pa ang nagpapatahan sa akin.

Ngumiti ako sa kanila at pinahid ang luha ko.

Napalingon ako sa lalaking pumasok sa loob, may dala syang mga supot supot. Tantya ko kaedad ko lamang tong binatilyo. Matangkad at yong katawan nya halatang batak na sa trabaho. Medyo sunog na din sa araw ang balat nito, pero di maikakaila ang me itsura ito.makakapal na kilay, itim at malulungkot na mga mata. Matangos nitong ilong at manipis na mga labi.

"gising ka na pala!"napakurap ako ng marinig ko ang boses nya."may mga dala akong tinapay dito. Pagpasensyahan mo na ito lang nakaya ng pera ko."nakayukong sabi ni jay-r na di ako tinitingnan.

"its okay..i mean okay lang! Ako nga dapat humingi nang pasensya dahil sa purwesyo dulot ko.. Atsaka salamat nga pala! Sabi ni makoy ikaw daw ang nagligtas sa akin."mahina kong sabi

"wala yon.!nagkataon lang na pauwi pa lang ako nang makita ko kayo. Buti na lang naiisipan kong umuwi galing sa pagtitinda ng balot. Kundi ewan ko lang kung saan ka pupulutin!"baliwalang sabi ni jay-r at tiningnan ang suot ko. Ngayon q lang napansin isang kupas na tshirt ang suot ko, na kung hindi ako nagkamali pagmamay-ari ni jay-r. Napunit nga pala ang damit ko kagabi dahil sa kagagawan ni carl. Nakasuot pa rin sa akin ang pantalon ko.pati ang sapatos.

"kaya nga salamat pa rin.. Utang ko sayo ang buhay ko."nakayuko kong sabi.

"wala yon!, tska di ko kasi alam kung saan kita ihahatid. Kaya dito na lang kita dinala sa barong namin."sabi ni jay-r na bahagya lang akong tiningnan at umiwas nang tingin nang tumingin din ako sa kanya.

Ngumiti na lang ako sa mga bata. Nginitian din nila ako. Sumulyap naman samin si jay-r. At napansin kong medyo me pasa sya sa ibaba ng kaliwang bahagi ng labi niya.

"me pasa ka?"nahihiya kong tanong.

Napahawak naman sya sa parte ng pasa nyang tinutukoy ko."wala lang to! Kumpara dun sa bugbog na inabot niya sa akin. Baka nga naghiram na nang mukha sa aso yong tarantadong yon.!"pabarumbadong sabi nya at hina-hain ang tinapay dun sa lamesa nilang pinabaligtad lang na lumang cooler.

"kumain ka na! Para mahatid kita sa presento o kung saan man! Di bagay sa isang katulad mo ang ang manatili sa ganitong lugar., aantayin na lang kita sa labas!"sabi nito at lumabas na nag barong barong nila.

Pagkalabas ni jay-r nagsilapitan naman ang tatlong bata papunta sa lamesa para kumuha ng tinapay."ate kain ka! Alok sa akin ni mimi."tumango lang ako at kumuha ng isang tinapay.

"ano nga pala pangalan nyo ate ganda?" tanong nung bibong si makoy

"michelle! Tawagin nyo na lang akong ate mitch" nakaniti kong sagot sa kanya.

"ate mitch ang ganda ganda nyo po. Tsaka pasensyahan nyo na si kuya jay-r ganun lang talaga yon. Mukhang suplado pero napakbait nya kasi kinupkop nya kami kahit di naman nya kami ka.anu-ano." sabi ni makoy na sigeng papak ng tinapAy.

Ngumiti lang ako sa kanya.ngiting mapait.. Hindi dahil napipilitan akong ngitian sya kundi dahil naawa ako sa kanila, at naiinis sa sarili.

First time sa buong buhay ko. Kumain ng malamig na pandesal. Sa bahay namin pag kagising ko sa umaga lahat ng mamasasarap na breakfast nakahain na mesa. Fresh juice. Gatas, prutas pero lahat yon di ko naapreciate. Not until this day habang tinitingana ko yong mga bata ng kuntentong kinakain ang malamig na pandesal na para bang ito yong pinakamasarap na tinapay sa boung mundo. Di ko maiwasang manliit sa sarili ko.

Ako lahat ng gusto ko nakukuha ko. Pero pakiramdam ko kulang pa rin ako. Hindi ako kuntento sa mga bagay na meron ako. Pero tong mga batang to kinain nila yong tinapay nang hindi ko man sila narinig ng kahit anong reklamo, na kuya bakit walang palaman,? Kuya wala bang pantulak?"

And thats what really wakes me up from the reality. Na hindi lahat ng tao natatamasa ang buhay nang katulad sa akin.

--->

di kasama ang EDIT sa option ng cellphone ko.

Ciao

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IM THE THIRD PARTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon