Being a hardworking student is not easy.
Being a patiently daughter is also not easy.
Mahirap ang buhay, ika nga nila.
Ako si Juliana, short for Yana. Kung tatanungin ako ng nakararami, mas pipiliin ko na lang talagang maging mayaman, kaso hanggang panaginip at imagine lang muna ako sa ngayon. Mahirap maging mahirap, oo, damang-dama ko ang pagkayod ni mama para lang maibigay ang mga pangangailangan ko sa pag-aaral.
Naaawa ako nang sobra sa kanya, kaya't nagdesisyon akong tulungan siyang maghanap-buhay, lalong-lalo na kapag may free time ako.
She has a very small business. Ang pagbebenta ng turon, ice candy, banana cue, suman, at willing maging labandera sa bahay ng mayayaman. Hindi lang 'yan, nagboboluntaryo rin siya na magbantay at magbenta kapag tinatamad na yung kapitbahay naming may sari-sari store. And after a long time of doing that, kapag magsasara na sila ay bibigyan nila si mama ng 100 pesos.
Tuwing gabi, bago siya umuwi ng bahay ay tinatapon niya ang mga basura ng ibang kapitbahay, at kung papalarin ay bibigyan siya ng sampung piso, minsan lima, at madalas ay wala.
Sabi niya, okay lang daw na gawin niya ang mga bagay na 'yon, basta makakuha lang ng pera at may maipangkain sa aming dalawa.
Ang hirap 'no?
Grabe yung efforts ni mama, in short, she is an example of a human robot.
Lagi niyang sinasabi na hindi siya napapagod kahit halatang-halata naman sa mukha at postura niya na pagod at nahihirapan siya.
Gustong-gusto niya kasi akong makapagtapos ng kolehiyo. Isn't it dearing to have a thought like that? At dapat makahanap din daw ako ng maayos na trabaho balang araw, e hindi rin naman madali 'yon. Pero susubukan ko talaga, para kahit papaano ay masuklian ko yung pagod at mga paghihirap niya.
Gusto kong makita yung totoong saya sa mukha niya na kung saan ay wala nang paghihirap, lungkot, at problema. Lagi kasi siyang nag-ooverthink about sa future ko eh, kaya determinado siyang magtrabaho.
Ito pa, isa sa pinaka ayaw niyang pangyayari ay kapag may malaman siyang lalaki na lumalandi, dumidikit, o kumakausap sa akin.
May allergy ata sa lalaki si mama, and maybe that's one of the reasons why she had to break up with my papa.
Sa pagkaka-alala ko, they had a big fight dati na kung saan ay naapektuhan karamihan ang lahat, lalo na ang pamumuhay namin. Isa kasi si papa as a source of income sa bahay, syempre, kanino pa ba kami aasa, edi sa kanya rin. Pero, isang araw ay may balita kaming natanggap na may kinikita raw siyang ibang babae aside from being and living with mama, at ayon talaga ang pinakaugat ng pagkawala at pagkasira ng lahat.
At si papa, pinili na lang din niyang umalis at hindi na kailanmang nagpakita sa amin. Irritating, right? Pero wala eh, ayon talaga ang nangyari.
But still, I am so proud of my mama for handling all the things back then and until from now.
She's my angel talaga, hulog siya ng langit.
She is my hero. Ang tapang-tapang niya.
To the rescue agad 'yan kapag may nang-aaway sa akin sa school, e wala naman akong ginagawang masama doon. Sadyang nabubully lang ako just for being poor, hays.
Only child lang ako, at alagang-alaga ng isang mapagmahal na ina.
Ang kurso ko sa kolehiyo ay Bachelor of Arts, Major in Communication.
Nag-aaral ako nang mabuti at binibigay ang best performance ko as an active student sa klase. Aral kung aral, that's why nagiging dean's lister ako every end ng semester.
Dahil doon ay nababawas-bawasan talaga ang gastusin namin ni mama when it comes sa pag-aaral ko, p.s. isa akong iskolar. Diba, napapasaya ko na siya sa ganoong paraan pa lang, paano pa kaya kapag nakita niya akong tumungtong na sa stage at grumaduate? I can't wait for that to happen.
Buti na lang talaga at matatapos na ang last semester ko as a 4th year college student ngayong taon. Lunes ngayon at next week na magaganap ang graduation and commencement day namin. At araw ng lunes na rin 'yon gaganapin.
Hayaan mo ma, kaunting kembot na lang at mabibigay ko rin ang maayos na kinabuksan para sa ating dalawa.
Hintayin mo lang akong makahanap ng trabaho at makapagsahod. I will give you a lot of surprises, magto-tour din tayo sa iba't ibang lugar, magsi-swimmimg, at ide-date kita sa Jollibee, Mcdo, o sa kahit saan pang kainan! You deserve to experience all of it, as a result of your hard work and perseverance.
Ilang taon akong magtiya-tiyaga at maghihirap para lang makamit ang tagumpay na matagal kong pinapangarap. I will make you proud, Mama.
Ikaw? Ano pang hinihintay mo? Maging isa ka na rin bilang inspirasyon ng lahat! Laban lang, kayang-kaya mo 'yan! Makakausad ka rin sa buhay!
-
Author: Hello, Klheo here. Gusto ko lang sabihin na mag-enjoy ka lang sa pagbabasa nito. Sobrang saya ko na nandito ka, you are the reason why I am doing this, thank you for existing! Ayon lang, Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
Love-Passion Series #1: Strictly Falling in Love (On-Going)
RomanceA BA - Communication student named Juliana has a lot of courage to graduate in college, actually, she did graduated in college. And for the sake of her mother, she's going to do her best to find a job and get money to help and give back all of what...