CHAPTER TEN

16 1 0
                                    

Pagbukas na pagbukas ko nitong pulang sobre ay inilabas ko na ang letter na nasa loob nito.

December 21, 1995

Hindi ako makapaniwala! Nagkita kaming muli!

Gosh, kung kailan hindi maganda ang itsura ko kanina, tsaka naman kami nagkita't nag-usap. Nakakainis.

Mabuti na lang at mabait siya. He doesn't seem to base on looks; I think.

And yes, kinikilig na naman ako habang sinusulat 'tong letter na 'to.

Anyway, dito ko na iku-kwento yung mga nangyari kanina.

Na dahil doon, naging masaya ulit ako. Hindi ko alam, pero iba talaga ang appeal niya sa akin. Tagos na tagos ang puso ko eh.

Dahil din sa kanya, nakapagsulat na naman ako ng letter.

Ikaw ulit, Almandro.



• • • • • • • • • •



Nasa palengke ako no'n, naghahanap ng gulay na pang sahog sa iuulam namin ni Manuelo. Naubusan na kasi kami ng iluluto't kakainin.

At oo, if you are wondering, parang isang buwan at ilang araw na akong nakikitira sa tahanan niya. Oh, sabi ko baka ilang araw lang ako na mananatili sa bahay niya, kumbaga ay pag-iisipan ko kung ano na ang mga plano't gagawin ko sa mga susunod na araw, pero ito na nga. . . biglang na-extend.

Wala na rin kasi talaga akong maisipan na pagtutuluyan, kaya wala akong choice kundi manatili rito. Mabait at maunawain naman si Manuelo, kaya hindi big deal sa kanya na makitira muna ako. Kaso, nahihiya nga lang talaga ako.

Hindi bale, sinabi ko naman na ako na ang bahala sa ibang gastusin, like sa uulamin, gano'n. Kaya nando'n ako sa palengke kanina para bumili ng mga iluluto na pang-ulam namin mamaya. Ako na rin kasi minsan ang nagluluto.

At doon ko na nga nakita si Almandro—sa Palengke.

Nasa malayo siya, habang ako naman ay bumibili ng gulay.

"Ate!" Pagtawag sa akin ng tindera at tinusok ang gamit niyang pamaypay na gawa sa manipis na kahoy at dinikitan lang ng nagupit na plastic.

Nabigla ako, tusukin ka ba naman, 'di ba?

"Ano, bibili ka ba o hindi?" Tanong ng tindera.

Humingi ako ng pasensya at sumagot na, "Opo, bibili po ako."

"Ba't ka ba kasi nakatulala, iha?"

Napatingin muli ako sa direksyon kung saan ko nakita si Almandro na ngayo'y wala na ro'n.

"Oh, ayan na naman siya. Hilig mo sigurong tumulala sa bahay niyo." Pagsingit na sabi ng tindera.

"Ay, pasensya na po. May nakita lang ako kanina na parang pamilyar sa akin," sagot ko at napasulyap na naman sa direksyong kinaroonan niya kanina.

"Naku, iha. Mas may mapapala ka pa kung bibilhin mo 'tong benta ko. Sinasabi ko sayo."

Ayon, nabiro pa tuloy ako ni ate dahil don. At para hindi nakakahiya, binili ko na yung isang plastic ng pechay na benta niya at iba pang pang-sarsa.

Pagkatapos no'n ay agad ko nang tinanong kung magkakano lahat. Sakto na rin kasing may susunod ata na bibili na nasa gilid ko.

Habang kinukuha ko ang aking pitaka ay sinabi ng tindera na "120 pesos" lahat ng nabili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love-Passion Series #1: Strictly Falling in Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon