CHAPTER SIX

24 3 2
                                    

*The letter in the small brown envelope*

November 19, 1995

Ito yung araw kung saan napagdesisyonan kong umalis sa bahay ni mama Mershy. The same day na nakalimutan ko ring ibigay yung letter na sinulat ko para sa kanya bago umalis. Sobrang nadisappoint ako noong nangyari 'yon, isang malaking pagkakamali na nagawa ko bago maging isang independent na bente-unyos na babae.

Ngayon, nandito ako sa bahay ng taong nakilala ko lang kanina, isang lalaki. Oo, as in, hindi ko inakala na aalukin niya akong manatili muna dito sa tinitirahan niyang bahay, pero mabait naman, kaya pumayag ako na sumama sa kanya at hindi naman ako nagkamali ng desisyon.

Sakto, lumabas siya para bumili ng pagkain, kaya't ako lang mag-isa rito. At buti na lang may papel akong nakita sa gilid ng lamesa niya. Kinuha ko ito at balak na magsulat ng letter. Isusulat ko yung mga nangyari ngayong araw, I love writing, so I will be doing this now. Ito ang magsisilbing ala-ala, na baka sa pagtanda ko ay mabalikan ko pang basahin. Sisimulan ko nang magsulat ngayon, sana hindi pa siya dumating.

So, nasa taxi ako no'n, naghihintay na makarating sa waiting shed dito sa lungsod ng Parañaque. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta sa momentong 'yon, sadyang gusto ko lang humiwalay sa pamilya ni mama Mershy. Ni hindi ako pamilyar sa ibang lugar dito, ang naisip ko lang that time ay kung saan ako makakarating. Kung nakababa man ako sa waiting shed, saan na ako pupunta? I don't know what to do.

30 more minutes passed. Huminto na rin yung taxi sa waiting shed kung saan ako bababa. Oras na para bumaba at mamroblema sa susunod kong gagawin. Dala-dala ko ang maleta na ibinigay ni mama Mershy sa akin at diretso na agad papunta sa waiting shed. Umupo ako at nagmasid-masid muna sa paligid. Ang tanging nakikita ko lang no'n ay mga sasakyang dumadaan at mga taong naghahanap ng masasakyan. Kung mapapansin, may mga ilang tao rin na nakaupo at naghihintay rito sa waiting shed na binabaan ko.

Habang naghihintay, sinubukan ko munang i-check sa aking bulsa ang letter na sinulat ko para kay mama Mershy. And by just seeing it, it is really making me cry and feel sad. Why would I forget the most important thing to give? I'm such an idiot for doing that. Puro pagsisisi ang naiisip ko sa momentong 'yon, hindi ko na alam ang gagawin, halo halo na ang nangyayari. Ngunit sinubukan ko na lang na intindihin, kasi wala akong mapapala kung lagi kong iisipin yung mga nangyari, 'di ba? Pinakalma ko na lang yung sarili ko no'n.

Sa iisang line na upuan ng waiting shed, may mga nagsitayuan at nagsialisan na para sumakay at umalis. Then I am there, still sitting and trying to think what should I do before the night falls. Hindi ko na kasi napansin yung oras, mag aalas-dose na pala. Problema ko na naman kung saan at ano ang kakainin ko. Kapag minamalas talaga sa buhay e 'no.

Mabuti na lang at may dumaan na nagbebenta ng mga naka-styro na ulam o pagkain. Tumayo agad ako at sinubukang tumingin ng mga binibenta nila.

There, I saw palabok, one of my favorites. Pinili ko 'yon at binili. Hanggang sa kumain na ako, by the way, dalawa ang binili ko. Gutom ako e, bakit ba. Sakto, may dala-dala rin akong bag. Doon, may tubig na inilagay si mama Mershy sa gilid na bulsa nito. Sa pagkakaalam ko, yung nandito sa bag ay gamit pang-kain, pang-ligo, o kung anu-ano pa. Based sa tunog ng bag, yes, parang 'yon nga ang naririnig ko.

After kong kumain ay uminom agad ako ng tubig. Ubos na ubos yung palabok no'n, talagang wala akong tinira, baka nga pati yung styro kainin ko rin.

Nagdaan na nga ang ilang oras ay paunti nang paunti ang mga taong nakaupo at naghihintay sa waiting shed. I worried again, hindi pa rin ako sure kung saan ako pupunta. At ano pa ang ginawa ko? Hindi ko alam kung anong elemento ang sumapi sa akin that time pero umidlip ang ginawa ko. Oo, umidlip ako. Sa oras na dapat ko sanang pag-isipan kung saan ako pupunta ay inuna ko pang umidlip.

Love-Passion Series #1: Strictly Falling in Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon