CHAPTER FOUR

29 3 0
                                    

It is so sweet seeing a person who'll voluntarily come when you needed help. It is not the danger they smell, it's when they fall-off the moment to give love and care to others.

Aleng Rizza is so pure. Kahit na makita mo ang pagiging seryoso sa kanyang mukha, hindi pa rin maikakait na sa kaloob-looban niya. . . may pagmamahal na nakatakip at handang ipadama sa iba.

Nginitian ko talaga siya noong palabas na siya sa pinto namin. Mahahagilap mo pa rin ang concern sa mukha niya, such a good heart she has. Hanggang sa tuluyan na nga silang naka alis. Ang pag iyak naman ni mama ang naririnig ko ngayon. Habang nakikita ko siya, nasasaktan din ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang connected kasi yung feelings naming dalawa.

Ngunit ngayon, kailangan ko munang hugasan 'tong mga pinagkainan namin. Dalawang plato't kutsara lang pero sobrang daming emosyon ang kaakibat. Pangmadaliang saya, at kasunurang lungkot.

Nang oras na para hugasan ko ang mga ito ay naaapektuhan ang emosyon ko habang patuloy kong naririnig ang iyak ni mama. At dahil hindi ko na rin mapigilan. . . umiyak na lang din ako.

Tumulo na lang talag yung luha.

Tumagos na yung sakit.

Pumahid na sa katawan yung hirap.

Bigla akong napanghinaan ng loob.

At habang naghuhugas ay sinubukan kong pigilan yung iyak ko, kasi baka marinig nga ni mama. Mamaya ko na siya dadamayan, tapusin ko muna 'tong hugasin ko.

• • • • • • • • • •

Matapos ang apat na minutong paghuhugas ng plato ay sunod akong naghilamos ng mukha. Para hindi halatang umiyak din ako, hindi na siguro mapapansin ni mama 'to.

Nagpunas na ako gamit ang aking tuwalya at oras na para kausapin at patahaning muli si mama.

Pagdating na pagdating ko ay nakita ko siyang patuloy na umiiyak. Just the view of seeing her right now is making me really sad. Hindi ko kayang nakikita siya nang ganito. I never saw her crying like this before, kasi lagi niyang pinapakita't pinaparamdam na matatag siya. Pero ngayon, nadurog nang husto ang puso niya. Naiiyak ako, to the point na naiintindihan ko yung dahilan kung bakit siya ganiyan ngayon.

Seeing your parent by themselves—crying, alone, and sad. . . it is tough, so tough.

Kung kayo, kaya niyong tignan ang magulang niyo na nahihirapan o nasasaktan, ako hindi. Gagawin ko ang lahat para lang sa kanya. Siya ang nagsisilbing mundo ko, siya rin ang aking pahinga sa oras na napapagod ako. Siya ang buhay ko. Sobrang mahal ko siya, wala siyang katulad.

In this time. Nilapitan ko na siya at tinabihan sa higaan.

Nang maramdaman niya ang pag-upo ko ay bumangon siya, at sa oras na nakita niya ako ay tumabi siya palapit sa akin at agad niya akong niyakap.

Kung ito man yung paraan niya para magpakalma, ayos lang. Kahit yakapin niya ako hanggang sa pagtulog, gugustuhin ko talaga. Just for her, I'll manage.

"Ma. . ." I say first.

I'm patting her head. "It's okay. Everything's going to be alright. It's part of our life, ma. Wala tayong ibang magagawa kundi tanggapin kung ano man ang nangyari. I know it is hard, maski ako ay nabigla at nasaktan. Kaya. . . kung ayaw mong magsalita about sa nangyari, maiintindihan ko."

Hanggang agad siyang umayos ng upo at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Then she exhaled.

"Anak, Juliana." Nahihirapang pagbanggit niya dahil sa pag-iyak.

I fix her hair. "Yes, mama?" I ask.

"Sorry ha, hindi ko napigilan yung emosyon ko," she apologized.

I raised my eyebrows.

Love-Passion Series #1: Strictly Falling in Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon