CHAPTER SEVEN

29 3 0
                                    

November 20, 1995

Ito ang kontinwasyon ng pagsusulat ko sa letter tungkol sa nangyari kagabi at ngayong sumunod na araw.

Oo, hindi ko natuloy yung kwento kagabi dahil dumating na yung lalaking nag-alok sa akin na manatili muna dito sa bahay na tinitirahan niya.

His name is Manuelo.

Ngayon, umalis siyang muli at nagpaalam na magtatrabaho muna as Construction Worker. Hindi na niya sinabi kung saan, pero sinabihan niya akong kumain after niyang umalis. Nagluto na ata siya bago ako magising, ang aga niya.

Pero ngayon, tapos na akong kumain, kani-kanina lang. E wala naman akong ibang gagawin dito, kaya't ipagpapatuloy ko na 'tong letter na sinusulat ko about sa nangyari kagabi pagkatapos umalis nung guwapong lalaki na unang nakilala ko.

Si Almandro.




• • • • • • • • • •




Hindi pa rin matanggal yung kilig na naramdaman ko noong nakausap at nakilala ko si Almandro, at binigyan pa niya ako ng payong para gamitin sa hindi matigil-tigil na ulan.

"Ha? Ano 'to? Hindi ako 'to." Mga salitang pumasok sa isipan ko sa oras na 'yon. Kasi parang bago lang sa akin yung gano'ng pangyayari. Ngayon ko lang naramdaman. Ngayon ko lang nasaksihan.

Napahigpit ako ng hawak sa bag ko that time. It is like my hands just flattened on the cloth of my bag.

"Parang tanga naman kasi 'tong si Almandro, pabigay-bigay pa ng payong." Pabirong sambit ko habang kunwaring tumitingin sa direksyon kung saan umalis si Almandro kanina.

Then I rolled my eyes and covered my mouth. Actually, nakatakip 'tong kaliwang kamay ko sa bunganga ko ngayon habang nagsusulat dito sa letter.

Magdaan ang ilang minuto no'n, biglang may narinig akong paparating ulit sa kanang parte naman ng waiting shed, sa kaliwa kasi galing si Almandro eh.

Naku, sino na naman kaya 'to.

Hindi ko na maiwasang magsalita gamit ang isip sa oras na 'yon, speechless kasi ako sa nangyari kanina no'n. Hanggang sa. . .

"Miss?" Hindi ko inaakalang pagtawag sa akin ng isa pang lalaki.

Nandikit ang mga kilay ko at nagtaka.

Kasi sa iniisip ko no'n, baka dadaan lang.

Pero hindi, tinawag niya 'ko habang mas lumalapit siya sa akin. Umayos ako ng upo at dahan-dahan na tumingin sa kanya.

Right there, I saw him. The one who invited me and insisted to bring me to his house now just for me to stay and think about my decisions for a while.

He smiled right after he saw me facing him. "Hi, ako si Manuelo." Inabot niya ang kanyang kanang kamay sa akin at nakipag handshake naman ako. "Napa'no ka? Ano nang oras. . . at parang napalayas ka ata?" Tinuro niya ang maleta ko.

"A-ah. . . kasi ano, may problema lang. Kaya need kong, um. . . alam mo na, mag adjust adjust." Pagpapaliwanag ko. Medyo awkward pa ako magsalita niyan.

"Kita ko nga. So, ano'ng balak mo ngayon? May masasakyan ka ba? May mapupuntahan ka ba? Ahm. . . parang wala na kasing dumadaan na motor o sasakyan dito, delikado na. Mag-isa mo rin, e sakto nakita kita. Doon pala ako galing." He pointed the direction to the right side. "Nando'n yung motor ko, at kung sakali lang na gusto mong sumakay. . . ayos lang, kasi mas dumidilim na oh, tapos hindi pa tumitigil yung ulan. Hindi malakas, pero meron pa rin. Mas okay na yung sigurado. Pero, maaari ko bang malaman ang sitwasyon mo? Kung okay lang, ha? Parang. . . kailangan mo kasi ng karamay sa ngayon eh," mahabang pananalita niya.

Love-Passion Series #1: Strictly Falling in Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon