Gosh! Bakit hindi nabanggit sa akin ni mama na may istorya pala siyang naisulat tungkol sa nakaraan niya? All this time, iniisip ko kung ano ba ang mga nangyari sa kanya noong panahong nakilala niya si papa, pero ayaw niya talagang pag-usapan 'yon eh, she really hates him.
But how? Like, in the letter, she wrote and explained how good my father is. Na isa siya sa mga mala-anghel na tipong lalaki na nakilala niya. Then how did they end up fighting? Bakit nabalitaang nambababae si papa? At bakit nahantong sa hiwalayan?
I guess this letter answers all of it. Na kung saan, dito niya nakilala si papa, si Manuelo, at nakatuluyan. Nagkahulugan ng nararamdaman, at heto, nagkaroon sila ng anak—ako.
Itong letter na 'to, parang hindi na nadugtungan, and maybe that's where their life story started—as being together. Siguro ito yung kung saan naging totoo na ang mga bagay na pinapantasya niya pa lang, like gano'n ba? O baka hindi lang nasundan dahil nawalan siya ng pokus sa pagsusulat ng kadugtong nito? Ano ba 'yan, parang nawalan lang din ng sanhi 'tong letter na ginawa niya kung gano'n nga ang dahilan.
But it feels real. While reading this letter, I imagined how happy my mom is. That it made me wonder, how can I make that happen again? 'Di ba? Gusto kong makita siyang kiligin, tumalon sa saya, at maramdaman na hindi siya nagpupumilit magpakahirap pa. Though, naikuwento niyang ilang beses siyang na-bully ng mga anak ni lola Mershy. Pero doon ko lang narealize na sobra palang imposible ng mga pangyayari sa buhay niya, at nagawa niya pa ring solusyonan lahat. I salute you na talaga, ma. The best ka!
Nang bilangin ko kung ilang coupon ang nagamit ni mama sa pagsusulat nitong letter na galing sa brown envelope ay siyam, as in. All front pages lang. Ang sipag naman ni mama, siguro sa kanya ko namana ang hilig ko sa paggawa't pagsusulat ng istorya.
Either way, I was impressed. Thinking how she handled all of what happened to her life. But. . . there's one thing I am also getting curious about. Who is this Almandro guy na nakilala niya rin noon? Well, nabanggit niyang he's a nice person din. Pinahiram siya ng payong, at guwapo rin. Echosera ka, ma. But yeah, sino kaya siya? Like, have they ever met again?
I sigh. Kung sino man siya o kung ano man ang nangyari sa mga panahong kasunod no'n, wala na akong karapatang makialam pa. Depende na lang kay mama kung maibabahagi pa niya ang mga 'yon sa akin. I hope so.
Nang mapansin ko si mama ngayon ay tuluyan na nga siyang nakatulog. She really finds this letter boring and uninteresting, huh? At nang tumingin din ako sa orasan ay mag aalas-nuwebe na pala. Kaya't dahan-dahan akong tumayo at agad na iniligpit ang mga letter binasa ko. For sure, maaalala't maaalala niya ulit ang nangyari kay lola Mershy bukas, kaya dapat mas mauna akong magising sa kanya para i-assist, damayan, at pakalmahin siya.
Sakto, anong oras naman na, matutulog na rin ako.
At nang mailligpit ko na nga ang mga dapat iligpit ay tumabi na ako kay mama sa higaan at sabay na natulog.
Oh, Panginoon. Be easy to my mom.
Napalitan agad yung saya na naramdaman niya kanina noong pina alam ko sa kanyang gagraduate na ako. Hays, sa kung saan makakabawi na ako kay mama, tsaka rin sumabay yung pagkamatay ni lola Mershy. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Right now, all I am thinking is how am I going to make mama calm and control her emotion.
Still, Good night.
• • • • • • • • • •
Matapos ang siyam na oras na pagtulog ay nagising ako. 6 AM.
BINABASA MO ANG
Love-Passion Series #1: Strictly Falling in Love (On-Going)
RomanceA BA - Communication student named Juliana has a lot of courage to graduate in college, actually, she did graduated in college. And for the sake of her mother, she's going to do her best to find a job and get money to help and give back all of what...