"Mama, where are you~" Nakangiting pagbati ko.
"Ma~" Ulit na pagtawag ko at sinubukang tignan kung nasa higaan ba siya. Unfortunately, she's not there. Baka nasa kapitbahay nga siguro.
Dahan-dahan kong ipinatong ang dala-dala kong dalawang plastic ng adobo sa malapit nang masira na lamesa namin. Can't buy a new one, maybe someday.
Sunod kong tinanggal ang bag ko at inilagay sa nag-iisang higaan namin. Mamaya ko na lang ilalagay sa gilid, hanapin ko muna kung nasaan si mama. But also, kailangan ko rin magpalit. Jusko, medyo may amoy na rin 'tong lace ng ID ko.
Nang matapos akong magpalit ng pambahay ay agad ko na ulit tinawag si mama habang naglalakad papunta sa kapitbahay namin. Kung hindi siguro nagbebenta ang ginagawa niya, siguradong nakikipag-chikahan lang.
"Mama! Nasaan ka?"
Pagdating na pagdating ko sa open na daanan ng kapitbahay ay bumungad sa akin ang may hawak na pamaypay na si Aleng Rizza, ang may ari ng sari-sari store. Medyo may pagkasungit 'to.
"Ay. . . magandang hapon ho, Aleng Rizza. Nais ko lang po sanang tanungin kung nandiyadiyaan po ba si mama?" Mahinahon na pagtanong ko.
"Iha, nandito siya sa loob. Pumasok ka para makita mo," aniya at ginamit ang pamaypay pangturo.
"O-Opo, sige po. Salamat." Ngumiti ako.
Pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko agad si mama na gumagamit ng cutics. "Ma?"
Lumingon siya saakin at medyo nagulat. "Anak! Halika, halika dito dali, tignan mo 'tong ginawa ko. Oh, oha! Hindi mo kaya 'yan." Napakasayang sabi niya. Kitang-kita ko ang ngiti sa kanyang labi.
Hindi ako masyadong makapagsalita at magreact kasi nahihiya ako kay Aleng Rizza, jusko ma, anong mga pinaggagagawa mo.
"Ma, uwi na tayo. May dala akong ulam," I shortly said and looks at Aleng Rizza with a smiley face. "Pasensya na ho." Bulong ko sakanila.
Ngunit kumunot ang noo nila.
"What do you mean, pasensya na ho?"
Kinabahan agad ako.
"A-Ah, baka po kasi nakaabala si mama riyan sa mga gamit po ninyo nang walang permiso," I answer.
"Ha? Iha, ako ang nagpagamit sa kanya niyan. And also. . . there's no problem about all of that. Ikaw, hindi ka na nasanay na palaging nandito 'yang mama mo. Okay lang sa akin, siya nga lang nakakasama ko rito sa bahay kapag umaalis ang mga anak ko eh. Kaya don't invalidate your mother for doing those, um, cutics thing. It's fine, okay?" Seryosong sabi ni Aleng Rizza habang dilat na dilat ang mata.
Napalunok ako. "Noted po." Ngumiti.
Pero, ang point ko talaga is pauwiin na si mama dahil pagabi na rin. Mag aala-sais na kasi. Dapat ko na siyang dalhin sa bahay habang mainit pa yung adobo. Mas masarap 'yon kapag bagong luto.
"Aleng Rizza, salamat po sa pag-allow kay mama sa pag-stay lagi rito at hayaan siyang magbantay ng tindahan niyo," I say.
"Walang anuman, iha. Anytime, basta sa mama mo. Okay na okay lang."
Ngumiti ako at nagbow nang kaunti. Hindi naman pala talaga siya ganoon ka-sungit, strikto lang siya tignan.
"Salamat po. Pero okay lang din ho ba na pauwiin ko na si mama ngayon? Pagabi na rin po kasi at kakain na po kami."
Pinagaspas niya ang dala-dala niyang pamaypay. "Yes, kumain kayo nang maigi ha, lumapit lang kayo rito kapag kailangan niyo ng tulong." Kalmadong sabi ni Aleng Rizza.
BINABASA MO ANG
Love-Passion Series #1: Strictly Falling in Love (On-Going)
RomanceA BA - Communication student named Juliana has a lot of courage to graduate in college, actually, she did graduated in college. And for the sake of her mother, she's going to do her best to find a job and get money to help and give back all of what...