Ang sulat niya ay maikukumpara mo sa sulat ko, may pagkapareho kahit papaano. Medyo pa-islanting lang yung way ng sulat niya, tapos maganda pa. Sa kanya ko namana yung kagandahan ng handwriting, at syempre. . . yung kagandahang biswal.
"Dear mama Mershy,
Apat na taon ako noong masilayan ko ang mabulaklakin mong mukha. Ngiti ang siyang bumungad noong ako'y iyong nakita. Walang hesitasyon, walang pagdududa. Pinili mo ako at ipinagmamalaki bilang iyong tunay na anak, iniharap at ipinakilala sa totoo mong pamilya.
Hindi ko mawari kung ano'ng meron bakit mo naisipang pumunta sa bahay-ampunan. Ang una lang na pumasok sa isip ko ay baka wala kang anak o hindi nagkaanak. Laking gulat ko na lang noong tinignan mo ako with your matching joyful eyes. Nilapitan, nagpakilala, kinausap, at nakipagkwentuhan ka sa akin. Sa puntong 'yon, nasiyahan din ako sa mga ganap mo sa buhay, siguro dahil first time ko na maramdaman yung ganito—ang kausapin ng ibang tao. Sa ampunan kasi na kinaroonan ko, wala masyadong pumapansin sa akin. Kaya't nabigla yung emotion na naramdaman ko noong nakilala kita. At sa interaction na nangyari sa atin, pinili mo ako para ampunin. Hinding-hindi ko makakalimutan yung momentong 'yon—yung saya, kaba, at excitement. Kung iisipin, hindi ko talaga inakala na gano'n ang mangyayari, kasi sa ilang magulang na pumunta sa bahay-ampunan namin ay halos hindi ako pinili, hindi ako nagustuhan.
Pero wala eh, ako ang siyang ikinasaya ng kalooban mo. I am so grateful on that day, as in, hindi ko maibahagi kung gaano ako kasaya. You made me smile, iyong ngiti na walang kupas, isang saya na walang katumbas. Binilihan mo pa talaga ako ng gamit bago tayo makapuntang bahay niyo, ang swerte swerte ko.
Hanggang sa muli ko na ring makilala ang pamilya mo. Sa totoo lang, mabait sila. Lalong-lalo na si papa Dante, ang asawa niyong mapang-asar. Pero, naging malungkot nga lang lahat noong namatay siya. Bagong ampon ako no'n, bagong parte ng pamilya, pero ayon agad ang nangyari. Hindi ko rin talaga inaakala. I feel sorry for what you've been through that time, ma. But after weeks of that, you showed me how important it is to be happy—even in the saddest way of it. Kailangan natin ng pagtanggap, ika mo rin no'n. Pero alam niyo ho ba kung ano ang pinaka naisip ko? Na siguro ako yung sinisisi ng dalawang anak mo sa pagkamatay ni papa Dante. Simula daw noong inampon ako, medyo ako yung napapansin, and I wondered. . . paano naging mali 'yon? Paanong ako ang dahilan ng pagkamatay ni Papa Dante? Hindi ko maintindihan, pero sinabi ko na lang sa isip ko na hayaan sila, na wala akong ginawang masama. Alam mo naman 'yun hindi ba, mama Mershy? Namatay si papa Dante dahil sa heart attack.
Pero dahil masama na ang tingin sa akin ng mga anak mo, hindi na nila ako tinigilan. Palagi nila akong binubully at sinasaktan, ma. Pasensya na kung nasulat ko rin 'to, pero gusto ko lang ipaalam sayo bago ako umalis na hindi ako naging masamang anak dito sa bahay mo. Mahal na mahal kita, sadyang hindi ko na kinaya ang pagtrato sa akin ng mga anak mo, lalo na si Dalia, ang babaeng palaging galit sa bawat salita at kilos ko. Tanggap ko siya bilang kapatid, sadyang hindi lang niya ako gusto simula noong nawala na si papa Dante. Naiintindihan ko kung bakit siya galit, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangang araw-araw niya akong pinahihirapan. Hindi mo lang nakikita ma, pero kawawa ako sa mga anak mo. Kaya't pagpasensyahan mo ako ngayon dahil napagdesisyonan ko nang umalis at hindi na magiging parte ng pamilya ninyo. Para sa ikabubuti ng lahat, kahit alam kong masakit para sa'yo.
Pero sa lahat lahat ng nangyaring 'yon. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita, ma. . .
Kitang-kita ko sa mga mata mo yung saya noong pinili mo akong maging parte ng buhay mo, ginawa mo ang lahat ng bagay para lang maging masaya ako. Inalagaan mo ako at tinulungan na magtiwala at maniwala sa sarili ko, pati na rin sa kakayahan ko. Ikaw ang rason kung sino at ano ako ngayon. Maraming salamat sa lahat ng maliit at malalaking bagay na ibinigay mo sa akin—mga bagay na hinding-hindi ko inaakalang matanggap, pero natanggap ko pa rin. Salamat, ma.
BINABASA MO ANG
Love-Passion Series #1: Strictly Falling in Love (On-Going)
RomanceA BA - Communication student named Juliana has a lot of courage to graduate in college, actually, she did graduated in college. And for the sake of her mother, she's going to do her best to find a job and get money to help and give back all of what...