Chapter 3: Stranger
Isang linggo akong nasa loob ng bahay. Hanggat maari ay hindi raw muna ako pwede lumabas sabi ni Tita Viena para hindi ito maka agaw ng atensyon mula sa labas. Syempre kaagad akong pumayag. Ayaw ko rin namang lumabas dahil hindi ko pa kabisado ang lugar.
Nakaupo lamang ako sa aking higaan habang hawak hawak ang nag-iisang litrato ng aking ina. Malungkot akong ngumit.
"I miss you mom." tumingala ako upang iwasan ang nagbabadyang pagtulo ng aking luha.
Tumayo ako at ipinatong sa lamesa ang litrato bago binuksan ang bintana. I really need some fresh air right now.
Everything is still a blur to me. Tungkol sa lugar na ito, tungkol sa mga bampira. Unti unti ko nang tinatanggap na talagang totoo sila. They really do exist, in a different world.
Aunt Viena explained everything to me. Hindi raw basta basta ang mga taong nakakapasok sa mundong ito. Iyong bracelet na ibinigay ng aking ina ang naging daan kung papaano ako nakapasok sa mundong ito. Ang kulay pulang brilyante na nakalagay sa bracelet ang siya raw nagsisilbing gatepass. Kung wala ka nito ngunit nakapasok ka sa mundong ito ay kaagad na ikukumprimang intruder.
Habang nakatanaw sa tanawin ay hindi ko maiwasang tignan ang napakalaking palasyo na nasa taas ng isang bundok. Noong unang araw ko palang dito ay iyon ang kaagad kong napansin. Mukha siyang iyong mga pangsinaunang kastilyo na makikita mo lamang sa mga palabas. I can't believe they really do exist here.
I wonder who lives there. A King and a Queen maybe? O baka naman si Dracula? I mean this is a vampire world. Napailing na lamang ako sa aking iniisip. Whoever lives there must be powerful.
"Celestia, it's time for lunch!" rinig kong tawag sa akin ni Tita Viena mula sa ibaba.
"Coming!" panandalian akong tumingin sa salamin at inayos ang sarili bago bumaba. I don't want her to know that I just cried.
Pagkapasok ko sa kusina ay naabutan ko si Tita Viena na nilalapag na ang ulam na hindi ko alam kung anong tawag. Nang makita niya ako ay sinenyasan niya akong umupo na. Kaagad naman akong sumunod pagkatapos ay tumabi siya sa akin bago niya nilagyan ng kanin ang aking plato.
"Naku, ako na riyan Tita!" saad ko bago inagaw ang sandok sa kaniya.
Mahina lamang siyang tumawa at hinayaan na lamang ako. Tahimik lamang kaming kumakain at tanging tunog lamang ng kubyertos ang naririnig sa buong kusina. Natanggal ang katahimikan ng tumikhim siya.
"By the way Celestia, school will start next week. Wala ka pang mga gamit. Gusto mong samahan kita mamaya bumili?" tanong niya.
Napahinto ako sa pagkain dahil sa kaniyang sinabi. Mariin kong iniling ang aking ulo.
"Sorry Tita but I have no intention of continuing my education. Sapat na po kahit hanggang 1st year college lang ako. I just want to help you and get a job." sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman ang mabilis niyang pag-iling sa aking isinagot.
"No, Celestia. I will not allow you to stop pursuing your dreams. You will start going back to school next week." mariin niyang saad at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi hinintay ang aking isasagot.
"But Tita I don't wanna be a burden to you. Don't worry I will find a job as quick as possible. I just want to help you in exchange of letting me live in your house." dugtong ko. Lumingon siya sa akin.
"Our house, Celestia. This is also yours now. And no, I still don't agree on that. If you really want to help me then do it by attending the school and finish your studies." aniya.
"But Tita--" pinutol niya ang aking sasabihin. "No more buts!"
Wala akong nagawa kundi ang pumayag sa kaniyang hiling. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa nauna ng natapos si Tita Viena at nagpaalam ng umakyat sa taas dahil may kailangan pa raw siyang gagawin.
YOU ARE READING
Silent Sinister ✔
VampireAfter her mom died, Celestia Sinclair had no choice but to leave their home and move to her mother's younger sister's house, Aunt Viena's. In a secluded town, Casta Haema is something Celestia didn't expect. It doesn't even look like a town at all...