Chapter 30: Preparation

132 2 0
                                    

Chapter 30: Preparation

Isang linggo na ang lumipas simula ng makauwi kami galing sa kamping. Wala naman masyadong kaganapan maliban nalang na naghahanda na ang eskwelahan sa dadating na intrams.

Ironic, right? I didn't expect that they also have intrams here. Halos lahat nga ng bagay ay makikita mo sa mundo ng mga tao. It doesn't even feels like you are in a different world. Ang naiiba lang ay imbes na tao ay mga bampira ang nakakasalamuha mo.

Kagagaling ko lang sa cafeteria dahil bumili ako ng milkshake. Wala si Lizette ngayon dahil lahat ng mga officers ay ipinatawag para sa meeting tungkol sa paghahanda para sa darating na intrams.

Wala rin kaming maayos na klase ngayong week na ito. Kaya marami ang mga estudyanteng nakapaligid sa buong eskwelahan para mag decorate ng kani-kanilang mga booth.

Habang naglalakad ay bigla akong nakatanggap ng text mula kay Damien. Sumimsim muna ako sa iniinom kong milkshake bago ito buksan.

From: Damien

I'm almost done with my work. Did you already eat?

Huminto ako sa paglalakad para makapag type ng reply sa kaniya.

To: Damien

Yep. Kagagaling ko lang sa cafeteria.

Muli akong naglakad. Damien and I has been exchanging texts for the past few days now. We've confessed to each other pero hindi ko pa alam kung ano ang status naming dalawa. Wala naman siyang sinasabi kaya hindi na rin ako nagtanong. This is fine. Ayos lang sa akin kung ano ang meron sa aming dalawa.

Although, I'm still worried about our relationship though. Siya ang tipo ng lalaki na walang pakealam sa iniisip ng iba. He doesn't even care about his reputation as the alpha of the town. Ginagawa niya lang kung ano ang gusto niyang gawin.

I tried to keep our secret as low as possible. Hindi pwedeng may makaalam sa relasyon namimg dalawa. The first of that is I'm not yet ready. Second is that I don't want his people to doubt his position as the alpha.

Nang makarating sa aming silid ay ganoon parin ang kaganapan. Busy ang mga kaklase ko sa pagaayos ng aming photo booth na siyang napili nila. Wala pa rin si Lizette kaya siguradong bored na bored na iyon.

Dahil wala na man rin akong gagawin ay tinulungan ko nalang rin silang i-set up ang booth sa field. Pagkadating roon ay marami na ring mga section ang nag-aayos sa kani kanilang mga booths. Everyone seems so busy at iyon din ang ginawa namin.

My whole afternoon went just like that. Buong hapon ay tumulong lamang ako sa pagaayos. Bumibisita ang mga student council kasama si Cirrus sa field para i-check kung ano na ang kalagayan ng mga booths namin.

Palinga-linga si Cirrus sa akin paminsan minsan at alam kong gusto niya na akong kausapin pero hindi niya nagagawa dahil busy siya sa kaniyang mga myembro. That's what you get if you're the student council president.

Nang matapos kaming magayos ay nagbuhat na ako ng isang box na naglalaman ng mga gamit na hindi na namin kakailanganin pabalik sa classroom.

Habang naglalakad ay bigla akong nakaramdam ng hilo. Ibinaba ko muna ang dala dalang kahon at panandaliang nagpahinga.

This is strange. I've carried boxes heavier than this way back when I was still in our world. I never get tired easily pero bakit parang nakakaramdam ako ng pagod ngayon.

Hindi ko ito pinagtuunan ng pansin kasi baka dahil kanina pa ako nagtratrabaho. Muli kong kinuha ang kahon at nagpatuloy sa pagakyat ng hagdan patungo sa aming silid.

Dahil doon ay mas lalo lamang akong nahilo. Bakit ba kasi nasa third floor ang classroom namin at hindi pa kami pinapagamit ng elevator. Paano naman ang mga katulad kong mahihina ang katawan?

Silent Sinister ✔Where stories live. Discover now