Chapter 23: Dare

90 2 0
                                    

Chapter 23: Dare

"Truth or Dare?" tanong ni Lizette sa babaeng natapatan ng bote.

Ngumiti ang babae bago sumagot. "Well since everyone kept saying truth. Dare naman ang pipiliin ko."

Napa "ohh" ang lahat sa sinabi niya. Simula kasi nang nag umpisa ang laro ay puro truth ang pinipili nilang lahat. Siya palang ang kauna unang pumili ng Dare.

Hindi ko naman sila masisisi. Truth is the safest option in the game.

"Iyan ang gusto ko!" aniya ni Lizette. Excited dahil siya ang unang magdadare sa aming lahat.

Nakaupo lang ang babaeng pumili ng dare at hinihintay kung ano ang ipapagawa sa kaniya ni Lizette.

"Ayus ayusin mo Lizette ha! Kilala kita!" aniya na siyang napatawa naman kami.

"I know I know. Let me think." aniya sabay lagay ng kaniyang kamay sakaniyang baba na tila nag-iisip.

"Aha! Umikot ka ng sampung beses. Hindi ka dapat matumba kungdi talo ka!"

Napanganga ang babae sa ipapagawang dare sa kaniya. Tinaasan siya ng kilay ni Lizette na mukhang nag hahamon pa.

"You did it on purpose! Alam mo namang mahiluhin ako!" reklamo niya pero tinawanan lang siya ni Lizette.

"Come on, Carrie. Sampung ikot lang naman." aniya.

Tumingin iyong Carrie sa babaeng maigsi ang buhok na tila naghihingi ng tulong pero mukhang hindi siya nito tutulungan.

"Sige na, Carrie. Don't be a killjoy. Do you prefer to do twenty squats then?" tanong nito.

Walang nagawa iyong Carrie kungdi ang tumayo. Everyone was cheering her.

"Alright! Alright!"

Tulad ng sinabi ni Lizette ay ginawa nga niya ito. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kaniyang magkabilang tenga at pumikit. Maya maya ay nagsimula na siyang umikot.

Tinabihan siya ni Lizette baka sakaling matumba siya.

The first five turns were okay. Walang senyales na matutumba siya. Pero sa ikapitong ikot ay muntikan na siyang matumba. Mabuti nalang ay nakayanan niya pang tumayo.

"I can't! I can't do it!" reklamo niya. Nakalahad na ang mga kamay ni Lizette baka sakaling tuluyan siyang tumuba.

"Three more, Carrie. You can do it!" hikayat ni Lizette sa kaniya.

Naging mahina ang pag ikot niya pero kalaunan ay nagawa niya naman ito. Tinulungan siya ni Lizette at iyong babaeng maigsi ang buhok na umupo dahil halatang nahihilo parin ito.

Nang naging maayos na siya ay masama niyang tinignan si Lizette.

"I knew it! Ikaw talaga!" singhal niya pero tinawanan lang siya ni Lizette pero nag sorry naman kalaunan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay naging maayos naman ang laro. Hindi na nasundang ang dare ni Carrie. Everyone was disappointed pero pinagpatuloy parin nila ang laro.

Ten minutes had pass ay saakin muli tumapat ang bote. Nabaling muli ang tingin nila sa akin.

"Truth or Dare?" tanong nang bagong babae na natapatan ng kabilang bahagi ng bote.

At dahil sa akin na naman tumapat ang bote ay pipiliin ko kung ano ang naisipan kong dikitan.

"Truth." sagot ko.

Everyone groaned in unison. Well, di ko sila masisisi dahil pang limang truth na ito simula nung dare kay Carrie. I know they are dying to hear another dare coming from a participant.

Silent Sinister ✔Where stories live. Discover now