Chapter 31: Cousin
Naging busy ang school sa mga nagdaang araw dahil sa darating na Intrams. Tulad ng inaasahan ay walang naging maayos na klase. Everyone has their assigned work to do.
My headaches and dizziness kept visiting me. Pati narin ang pagkarandam ng matinding uhaw ay hindi ako nilubayan. I'm starting to question my condition. Hindi naman ako ganito dati, bakit ngayon ay tila nakakaramdam ako ng pagkahina?
It doesn't make any sense. Hindi pa ito nangyayari sa akin kahit na nasa mundo pa ako ng mga tao. Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko sa katawan ko. I need to know what is happening to my body. Hindi pwedeng ganito nalang lagi ang nararamdaman ko.
Nasabi ko na rin kay Tita Viena ito pero tuwing nauuhaw ako ay binibigyan niya lamang ako ng gamot. The medicine actually works but it doesn't last long. The pain and thirstiness just won't leave me.
Tulad nalang ngayon. Nakailang balik na ako sa cafetetia para bumili ng tubig. Bakas na nga sa mukha ng tindera ang pagtataka sa kung bakit balik ako ng balik rito.
"That's not gonna work for you."
Napalingon ako sa aking likuran nang marinig na naman ang boses ni Cirrus.
Simula kasi ng sabihin ko ang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ay palagi nalang siyang sumusulpot. Hindi na ako magugulat kung sinabi ni Tita iyon sa kaniya.
"Are you going to offer me that apple juice again?" bagot kong tanong.
Simula kasi ng malaman niya ang karamdaman ko ay palagi niya akong ino-offeran ng kulay pulang tubig. He said it was an apple juice. Sa una ay hindi ko tinanggap kasi baka ano pa ang inilagay niya roon pero kalaunan ay tinanggap ko rin ito. Hindi naman siya nagsisinungaling dahil normal na apple juice lang naman pala talaga siya.
"Here." aniya sabay lahad sa akin ng apple juice.
Tinanggap ko ito at kaagad na linagok. Hindi ko nga maintindihan kung bakit niya parin ito ino-offer sa akin eh sinabi ko naman sa kaniya na hindi naman ito gumagana.
"Ang pangit talaga ng lasa neto. Parang tubig lang naman." reklamo ko.
Pinapanood niya lang akong uminom. "Huwag ka nang magreklamo. Just drink it. I need to go. May meeting pa akong dadaluhan. Ubusin mo yan ha?"
Ngumuso ako. "Cirrus naman, hindi mo na nga ako kailangan dalhan nito palagi. Di naman rin siya gumagana at tsaka ang pait pait pa. Sigurado ka bang hindi pa expired to?"
"Tsk, puro ka reklamo. Lagot ka talaga sa akin kapag hindi mo naubos yan. I really need to go. Bibisitahin nalang kita sa booth niyo mamaya." aniya sabay talikod sa akin.
"How many times do I have to tell you that you don't have to visit me every single day—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang nagsimula na siyang naglakad at iniwan ako.
Bahala nga siya diyan. Kakausapin ko nalang si Tita Viena mamaya na huwag na akong bisitahin ni Cirrus palagi dahil nakaaagaw ng atensyon. Baka nagtataka na ang mga estudyante at kung ano pa ang isipin nila.
Wala na rin naman akong magawa kaya inubos ko nalang din iyong apple juice saka itinapon sa basurahan.
Habang pabalik sa booth namin ay naagaw ng pansin ko ang nagkukumuplang mga estudyante sa hallway. Naguusap ata sila at tila may hinahanap.
"Where did he go? Dito diba iyon siya dumaan?" tanong ng isa.
"Oo dito iyon."
Maya maya ay may panibagong grupo na namang dumating.
YOU ARE READING
Silent Sinister ✔
VampireAfter her mom died, Celestia Sinclair had no choice but to leave their home and move to her mother's younger sister's house, Aunt Viena's. In a secluded town, Casta Haema is something Celestia didn't expect. It doesn't even look like a town at all...