Chapter 26: The Hunting

122 4 0
                                    

Chapter 26: The Hunting

Nang dumating na ang alas dos ng hapon ay muli kaming naghanda para sa susunod naming gagawin. Ang animal hunting.

Tulad nang sa archery ay wala rin akong kaide-ideya kung paano ito gagawin. I've seen people on tv doing it before. Gumagamit sila ng mga crossbows o pana para mahuli ito. Although I don't know how they do it.

Lumabas na kami ni Lizette at nakitang nakahanda na rin ang iba naming mga kasama.

Hinanap ko si Damien pero hindi ko na siya nakita mula kanina.

Nag orient muna si Ms. Dianne sa amin. Dahil animal hunting ang gagawin ay pinapayagan kaming pumunta sa kakahuyan. Pero syempre kasama ang mga supervisors at hindi kami pwedeng lumayo ng kalahating milya.

Hindi ko maiwasang magtaka kung alam rin ba nila na may barrier na malapit lang rito? Siguro naman ay oo dahil matagal na nila itong ginagawa.

Pagkatapos magsalita ni Ms. Dianne ay pinasimula na niya kami. Nagsialisan na sila patungo sa kakahuyan. Sumunod naman ang mga supervisors na nakasuot ng kulay pula uniporme kaya madali lang silang makilala.

"Tara na, Celestia." hagad sa akin ni Lizette.

"Teka, hindi ba tayo bibigyan ng weapons? Like crossbows or spears?" taka kong tanong.

Napahinto naman si Lizette at sandaling napaisip bago ako inilingan. "I don't think so. Vampires like me doesn't need those. Kaya naming mag hunt gamit lang ang mga kamay namin."

Napatango ako. That makes sense. Siguradong kayang kaya nila iyon dahil malakas sila. Snapping an animal's neck is a piece of cake for them.

"Pero teka, come to think of it. Dapat rin naghanda sila ng mga kagamitan para sa mga katulad niyo. Siguradong mahihirapan ka, Celestia." dagdag niya. Tumango ako bilang pag sang ayon.

Sinamahan ako ni Lizette na maghanap kung may inilaan ba silang mga kagamitan sa paghuhunting para sa amin pero sampung minuto ang lumipas ay wala pa rin kaming nahanap. Itinabi na rin nila iyong mga pana at palaso na ginamit namin kanina.

How ironic. Ganoon parin naman pala ang trato nila sa mga katulad ko. They didn't even bother to think about us. Alam kong alam nila na hindi kaya ng mga katulad namin ang mag hunting na gamit lang ang kamay. Wala silang pakealam dahil simula't sapul ay mahina ang tingin nila sa amin.

"Let's go, Liz." tawag ko kay Lizette at nagsimula ng maglakad papasok ng kakahuyan.

"I'm sorry, Celestia. School is such an ass sometimes. Huwag kang mag-alala sasamahan nalang kita." aniya habang sinasabayan ako sa paglakad.

Hindi ako umimik. I should've used to it by now. Ganoon naman talaga ang trato nila sa mga katulad ko noong bago palang ako rito. Hindi na dapat ako nagtaka pa.

"Huwag na, Liz. Kaya ko naman ito. For sure there are things that are useful out there. Maghahanap nalang ako."

"Pero paano ka? You don't even know how to hunt." aniya.

"I will be fine. May mga supervisors naman sa paligid. At tsaka, you need to hunt on your own. They are monitoring us so they can determine our skill level for hunting. Ayaw kong mababa ang ibigay nila sayo dahil sa akin." paninigurado ko sa kaniya.

She's hesitant to leave me pero sinigurado ko sa kaniyang magiging okay lang ako. Kaya kalaunan ay napapayag ko rin siya.

"You sure?" tanong niya.

Tumango ako. "Yep. You should go now. Tatlong oras lang ang ibinigay nila sa atin. Do well, okay?"

Tumango rin siya at nauna na. Tumalon pa siya sa isang branch ng puno bago muling tumingin sa akin at kumaway. Kinawayan ko rin siya kaya nagsimula na siyang mag hunt habang sa nawala na siya sa aking paningin.

Silent Sinister ✔Where stories live. Discover now