Chapter 11: Prejudice

154 7 0
                                    

Chapter 11: Prejudice

Halos mag dadalawang buwan na akong nagtratrabaho sa bakery pero mukhang ganoon parin ang trato ng mga tao sa akin. It's obvious that they still don't accept me working here. Damang dama ko parin ang mga mapanghusga nilang mga titig sa akin.

Hindi tulad noon na hindi ako komportable sa kanilang mga titig ngayon naman ay sanay na sanay na ako. Ni hindi na nga ako kailangang tulungan pa ni Lizette. Hindi naman sa lumalaban ako pero sadyang hindi ko nalang sila pinapansin.

Nasa counter ako at kasama si Loren. Si Lizette at Aya naman ay nasa kusina at tumutulong magmasa kay Tita Christine.

Nag-ring ang cellpone ni Loren. Nagulat pa nga siya dahil malakas itong nag ring. Nagpunas muna siya ng kamay bago kinuha ang kaniyang cellpone na nasa bulsa ng kaniyang apron. Bumaling siya sa akin.

"Ikaw muna dito, Celestia. Tumatawag si Mama baka may kailangan." paalam niya. Kaagad akong tumango bago pumunta sa kaniyang pwesto. Siya kasi ang naka-assign sa cashier.

Lumabas na muna ng bakery si Loren para sagutin ang tawag. Sinundan ko siya ng tingin.

Madaming mga customers ngayon dahil weekend kaya dagsaan sila ngayon dito sa bakery. May isang hindi katandaang babae ang pumasok. Base sa kaniyang tindig ay sopistikada ito. May suot na sunglasses at isang kulay itim na dress na naka black gloves pa hanggang siko. Agaw pansin rin ang napakapula niyang lipstick.

Inilapag niya ang hawak hawak na transparent na umbrella at isinandal ito sa wall malapit sa entrance bago naglakad papuntang counter kung nasaan ako. Nang makitang ako lang mag-isa ay tinanggal niya ang kaniyang suot suot na glasses at tinaasan ako ng kilay.

"Where's the cashier?" mataray niyang tanong sa akin.

Umayos ako ng tayo at nginitian siya. "May urgent call lang po. Babalik rin iyon mamaya. Ako nalang po muna ang kukuha ng order niyo—"

Pinutol niya ako. "No. Hindi ka naman pala naka assign sa cashier para kunin ang order ko."

Napangiwi ako pero hindi ko inalis ang aking ngiti. "Marunong naman po ako—"

"Why is there a human working here anyways. Diba dapat hanggang katulong lang kayo?" putol niya.

Nawala ang ngiti sa aking mukha. I was offended pero hindi ko siya sasagutin. This is not the first time I was discrimated. I know how to deal with people like them. Sa halos dalawang buwan ko nang nagtratrabaho rito ay kabisadong kabisado ko na ang ugali ng mga tulad nila.

Hindi ko sineryoso ang kaniyang sinabi. "May I get your order, Ma'am? Marami pa po kasing nakapila." ani ko sabay pakita sa kaniya na marami nang nakapila dahil kanina pa siya nakatayo.

Muli niya akong tinaasan ng kilay. "Abat inuutusan mo ako? Ako ang magsasabi kung kailan ko gustong umorder." medyo tumaas ang tono ng kaniyang pananalita.

Muli kong ibinalik ang ngiti sa aking mukha. Tiis lang, Celestia. Sanay na akong makaenwentro ng ganitong mga klaseng tao.

"May I just get your order—" hindi na niya ako pinatapos ng muli siyang nagsalita.

"Didn't I just said na huwag mo akong utasan! You disgusting human!" kung kanina ay medyo tumaas ang kaniyang boses ngayon naman ay sumigaw na talaga siya. Mabilis na lumipat sa amin ang tingin ng mga tao.

Napapikit ako dahil sa lakas ng kaniyang sigaw. This is the first time I encountered someone who really loathe our kind. Wala siyang pakealam kung pinagtitinginan na kami.

Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Ayaw kong magkaroon ng gulo dito sa bakery ni Tita Christine.

"Calm down, Ma'am. Please don't make a scene." itinaas ko ang dalawa kong palad sensyas na kumalma muna siya.

Silent Sinister ✔Where stories live. Discover now