Chapter 27: Bonfire

127 5 0
                                    

Chapter 27: Bonfire

Gabi na at nag aayos na ang iba para sa gagawing bonfire mamayang alas otso ng gabi. May kaniya kaniyang ginagawa ang lahat. Some are preparing the woods, and some are arranging the seats that we're going to use.

Bukas na ang uwi namin kaya ginagawa na ng iba ang dapat nilang gawin. Nasa cabin kami ngayon ni Lizette at naghahanda na rin. Sinusuklay ko ang basa ko pang buhok ngayon dahil kagagaling ko lang sa pag ligo.

Nang nasiyahan na ako sa aking ayos ay nag aya na ako kay Lizette na lumabas na. Pero mukhang wala pang balak na lumabas itong kaibigan ko dahil mukhang sasali ata ng pageant.

"Ayos na ayos ah. May event ba?" biro ko.

Lumingon siya sa akin pero ibinalik rin ang tingin sa salamin sabay apply ng kaniyang lipstick. "Duh, bonfire ngayon kaya kailangan kong mag ayos."

Sumandal ako sa maliit na pabilog na lamesa bago humalukipkip. "Exactly. Isang oras lang naman tayo roon. Teka, don't tell me you like someone kaya ayos na ayos?"

Hindi siya sumagot. After that, she let out a small giggle. Doon palang ay alam ko ng tama ako.

"Again? Ilang crush na ba ito ngayong buwan, Liz?" hindi na ako nagulat sa aking tanong.

She let out a sigh. "Grabe ka naman, Celestia. It's normal! You're pretty, sigurado akong maraming nagkakagusto sayo. Try to entertain them sometimes para hindi ka magmukhang sawi sa pag-ibig."

Kaagad akong umiling sa sinabi niya. "No thanks. Hindi ko naman sila gusto. If I entertain them, that just means that I'm giving them false hope."

Tumaas ang kilay niya. "I mean you're not wrong. It's just for experience lang naman. We're still young, Celestia. Try to enjoy things sometimes. Masyado kang seryoso. Maliban nalang kung may iba kang gusto."

Tumingin siya sa akin pero hindi ako nakasagot. What does she mean by that?

Hindi ko alam kung bakit mukha kaagd ni Damien ang lumabas sa isipan ko. Surely, it isn't like that right? Talagang palagi lang siyang sumusulpot kaya siya lagi ang naiisip ko. I don't know what his intentions to me but I'm sure that he's just doing it for fun.

Right. Baka sigurong bored na bored na siya sa buhay niya kaya ako ang napili niyang guluhin. It's not that deep.

"Wala. It's just that I'm not into those stuffs." sagot ko.

Nagkibit balikat lang si Lizette at nagpatuloy sa ginagawa. "Whatever, Celestia. Masyado kang in denial eh halata naman. By the way, mauna ka na. Matatagalan pa ako. Just reserve a seat for me."

Tumango ako sa kaniyang sinabi at nagpaalam ng mauuna. Pagkalabas ng cabin ay marami ng estudyante ang nakatumpok malapit sa bonfire. Nakatayo pa ang iba at hinihintay nalang na umapoy ito.

Nagdiretso na ako roon. Nakatayo lang din ako roon at naghintay. Some of them are talking to their friends. Medyo awkward nga dahil ako lang mag isa ang nakatayo dito. I don't have any friends except Lizette. Although, I don't really mind that. One friend is enough.

Dumating na nga si Ms. Dianne kasama ang mga supervisors. Nakita ko rin si Damien na tahimik lamang na nakatayo roon. Ms. Dianne is telling something to him pero tumango lamang siya. Pagkatapos ay ang mga supervisors naman ang kinausap niya.

May dala dalang mga tinder and kindling woods ang mga supervisors. Naglakad sila papalapit sa nakatumpok ng mga firwood at inilagay ito roon. Maya maya ay may isang lumapit na supervisor na may hawak na lighter. Sinabihan niya munang umatras kami kaya iyon ang ginawa namin. Ng medyo malayo na kami ay doon niya palang ito sinindihan.

Silent Sinister ✔Where stories live. Discover now