Chapter 20: Quarrel

118 3 0
                                    

Chapter 20: Quarrel

Nasa kalagitnaan kami ngayon ng byahe. No one dares to talk. Tahimik lamang kami at wala ni isa ang nagsalita. Na siyang gusto ko dahil wala naman rin kaming pag-uusapan pa.

I still wonder about their family though. Base sa mga nababasa ko sa libro, ang pamilya nila ang namumuno sa bayang ito ilang daang taon na ang lumilipas. That just means that their family is indeed very powerful. There's no doubt in that.

At sa ilang daang taon na lumipas na iyon ay wala pa ni isa sa kanila ang lumabag ng batas. Their family sticks to their traditions ang beliefs. Base sa aking nabasa noong nasa library ako ay mahigpit ang kung sino man ang nakakatanda sa kanila sa mga batas sa palasyo. Not only inside the palace but throughout the whole town. Alam iyon ng lahat nang mga nakatira rito.

Although Damien seems to be that type of guy who loves breaking the rules, I doubt that he will disobey their family's tradition. Hindi ko pa man nakikita ang kaniyang ama na siyang dating alpha ay alam ko nang nakakatakot ito. Based on the books, no one would dare to disagree with a alpha's decisions.

Hindi ko mapigilang mapalingon kay Damien. Right, he's the current alpha of this town. Got the position a year ago when he turned eighteen. At a young age, there's probably a mountain of paperworks waiting for him in the palace. Probably one of the reasons why he hated it there.

I've got nothing to worry about. Ano man itong mga nararamdaman ko ay mawawala rin. Damien is slowly walking into my life without me noticing. The barriers I made when I promised myself the day I met him to not crossed path with him again are now slowly crashing down.

I am well aware. Aware on how my heart beats so fast whenever he's close to me. Aware on how attractive he is for only doing the smallest things. I'm aware of it all. And I'm afraid I might fall.

Umiling ako. Hindi pwede. Kung ano man itong nararamdaman ko ay sisiguraduhin kong maalis rin ito sa aking sistema. I don't have time for these stupid feelings. It's probably because my mind is occupied by Damien that I'm now starting to imagine things.

Whatever it is, I need to stop it. Hindi pwedeng tumagal pa ito. Dahil sa oras na lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya ay hindi ko na alam kung paano ko sasaluin ang sarili ko. I am probably just his pastime. Bored na bored na ata siya sa palasyo at ako ang napili niyang paglaruan. Right, it's the best way to think like that.

Nawala ako sa aking isipan ng umalingawngaw ang cellphone ni Damien. Kinuha niya ito sa kaniyang bulsa at kaagad na inaccept ang tawag ng hindi man lang ito nililingon.

"Hello?" bungad niya. Nang marinig kung sino ang tumawag ay kaagad na nagsalubong ang kaniyang kilay. "How many times are you going to tell me about this, Cirrus? I already told you, I'm going back. No need to call me so many fucking times." halata sa kaniyang boses ang pagkairita.

"Is that Cirrus?" lumingon si Damien sa akin ng binulungan ko siya. He nodded.

"Give me an hour, alright? I will fucking go home. Tell mom to stop being so impatient." mula sa katamtamang takbo ng kotse ay binilisan ito ni Damien.

"Hey." tawag ko kay Damien. "Can I talk to Cirrus?" sinenyasan ko siya.

His brows furrowed. He was hesitant at first but he still hand me his phone that was still on call. Tinanggap ko ito at inilagay sa aking tenga upang kausapin si Cirrus.

"Cirrus..." tawag ko.

"Celestia?" halata sa kaniyang boses ang pagtataka. "Why are you with Damien?"

Tumikhim ako at sumilip kay Damien na halatang nakikinig sa amin.

Silent Sinister ✔Where stories live. Discover now