Hope pov.
Papunta ako ngayon sa opisina ng asawa ko, actually for almost five years na mag-asawa kami this is my first time that I will go to his office. Hindi kasi alam ng mga tao na may asawa at kasal na ang boss nila.Pupunta ako ngayon hindi bilang asawa, niya kundi bilang isang kaibigan. Ayaw kasi naming malaman ng mga tao na kasal kami, gusto kasi namin ng tahimik na buhay at hindi yun mangyayari kung alam Ng mga tao na kasal kami. Isa kasing sikat na businessman ang asawa ko. Habang ako isang engineer ng sariling kompanya naming mag-asawa.
"Ma'am andito na po tayo."
"Hintayin mo lang ako Kuya Ben ahh."
Uuwi rin kasi ako, pagkatapos kung ibigay to kay Zack.Nagtanung agad ako sa front desk kung saan ang opisina na Zack,
"16th floor miss, then turn left that's the office of Mr. Alcantara." Masungit na sabi ng babae. Hay bahala siya.
Pagdating ko sa harap ng opisina niya kumatok muna ako.
"Come in". Pinihit ko agad ang doornob. Di siya tumingin sakin kasi busy siya sa laptop niya."I brought lunch for you ." Natigilan siya sa sinabi ko at dahan-dahang tumingin sakin.
"What are you doing here?" Sabi niya sabay halik sa noo ko.
"Bakit bawal ba?" Tanong ko, inilapag ko dala kung paper bag sa center table niya.
"Bawal" Inirapan ko lang siya.
"Bakit sayo ba itong kompanya?" Tanong ko, tumingin naman siya ng seryoso sakin."Hindi"
"Ehh Hindi pala sayo toh, bakit hindi ako pwede dito?" Umupo ako sa swivel chair niya at pinaikot yun.
"Kasi dapat nasa bahay ka lang naghihintay sakin at ginagawa ang obligasyon mo sakin."Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya.
"Hoy Mr. Alcantara, bakit Hindi ko ba ginagawa ang obligasyon ko sayo bilang asawa mo?" Tumayo ako at tinuro siya.
" Easy Mrs. Alcantara, it was just a joke. Of course your doing your obligation to me as a wife." Lumapit siya sakin at yinakap ako patalikod."Mag lunch kana."
"Sabay nalang tayo" umiling ako.
"Hindi ako makakasabay sayo, kailangan ko na kasing umalis kasi may pupuntahan pa ako."
"Aalis kana?" Tanong niya.
"Ayy hindi, kasasabi ko pa nga lang." Sarkistong sabi ko, tiningnan niya naman ako ng seryoso.
Pagkatapos namin mag-usap umalis agad ako, may meeting pa kasi siya. Dumeritso agad ako sa bahay para maghanda sa surprise ko kay Zach mamaya. Bumili na ako kanina bago ako pumupunta sa opisina ni Zach ng mga kakailanganin ko dito, kaya wala na akong problema.
Tinawagan ko na rin ang mga magulang at kaibigan naming dalawa para magpatulong, hindi ko kasi kayang matapos toh agad kung wala akong katulong.Busy ako sa pagbe-bake ng cake ng biglang may nag doorbell, alam kung sila na toh. Lumabas agad ako para pagbuksan sila ng gate.
" Hi hija." Bati sakin ni mommy Janine ( Ina ni Zack) pagbukas ko ng gate, sabay halik sakin sa pisngi ko. Sumunod naman sila Mama at mga kaibigan ko."Pasok na Po tayo."
"Anong oras ba uuwi si Zack?" Tanong ni Mama.
"Siguro Po mga 7 Po Ang uwi niy yun ang sabi niya sakin kanina, may meeting pa kasi siya. At 6:30 yun matatapos, may dadaanan daw mo na siya bago siya umuwi."
Sinimulan na namin ang pag hahanda, ako, mama at si mommy ang nag luto. Habang ang iba naman ay busy sa pag-aayos ng mesa at pag-dedecorate dun sa garden."Ok na ang lahat anak, kami na ang maglilinis dito sa kusina ang gawin mo umakyat ka nalang at mag-ayos na, siguro ay padating na din yun si Zack kasi malapit ng mag seven o'clock." Utos sakin ni Mama. Na agad ko naman sinunod.
Pagdating ko sa kwarto namin humiga muna ako sa kama, medyo nakakapagod kasi. Pero iniisip ko na lang na ginagawa ko to para sa kanya.Naligo muna ako at inayos ang sarili ko bago sinuot ang royal blue above the knee sleeveless dress ko and paired it with my black flat sandal. I just apply a slight lipstick.
Pagkatapos ko sakto namang narinig ko na ang ugong ng sasakyan ni Zack kaya bumaba na ako, para ako mismo ang magbukas ng gate sa kanya"Buti at bumaba kana dumating na si Zack." Ngumiti muna ako Kay papa, bago lumabas para pagbuksan ng gate si Zack.
"Good evening hon". Bati niya sakin paglabas niya ng kotse sabay halik sa noo.
"Good evening too, pasok na tayo". Alok ko sa kanya habang busy siya sa pagtanggal ng coat niya.
"Bakit nandito ang kotse nila Shawn?". Nasa tapat kasi ng bahay namin ang kotse ng mga kaibigan namin, maliban lang yun kotse nila mommy at nila mama kasi susunduin nalang sila ng driver."Malalaman mo kung pumasok na tayo." Nauna na akong pumasok at ramdam ko namang sumunod siya at hinawakan niya ang bewang ko.
Pagpasok namin sa loob dumeritso na kami sa garden, sinalubong naman agad siya ng mommy niya."Good evening mom."Yinakap siya ng mommy niya, yumakap din siya kay mama at nagmano sa daddy niya at kay papa
"Evening Zack". Bati sa kanya ng mga kaibigan namin. Umupo kami at nagsimula ng kumain."Bakit may surprise dinner?" Tanong ni Zack habang busy sa paghimay ng crab.
"Because-." Naputol ang sasabihin ko ng biglang nabilaukan si kyla, inabutan agad siya ng tubig ni Francis.
"Ok ka lang?" Tanong ko kay Kyla.
"May naalala lang ako." Sagot niya.. tiningnan ko naman siya ng masama. Alam ko ang iniisip ng babaing tohh.

BINABASA MO ANG
Mr. Mayor's Wife
RandomKung mahal mo ang isang tao dapat tanggap mo at matanggap mo ang mga pagkakamaling nagawa niya. Kasi sa pagmamahal wala namang perpekto, kahit ikaw nga nakakagawa ka ng mga pagkakamali. At sa isang relasyon naman diba hindi lang pagmamahal ang kaila...