Chapter 6

0 0 0
                                    

Francis point of view

"Tita sundan lang po namin si Zack." Tumango lang ang mommy ni Zack sa amin.

"Alam ko kung saan siya makikita." Sumunod lang kami kay Eusef.

"Sa hagdan na lang tayo dumaan papunta sa parking lot, alam kung nandoon si Zack." Gaya ng sinabi niya gumamit na lang kami ng hagdan kasi puno ang elevator.

"Zack!!! Bro!!!" Sigaw ko ng makita ko siyang sinusuntok ang kotse niya. Lumapit naman agad kami sa kanya para pigilan pero tinulak niya lang kami.

"Alam mo bang hindi magugustuhan ni Hope ang kalagayan mo ngayon? Alam mo bang mas kailangan ka nila ngayon? Kaya kung ako sayo aayusin ko ang sarili ko at magpapakatatag para sa mag-ina ko." Napatigil siya dahil sa mga sinabi ko.

"Naintindihan ka namin Zack kasi kaibigan din namin si Hope. Kaya kung gusto mo ilabas lahat ng sakit sa amin gawin mo." Pagod siyang lumingon sa amin.

"Bakit si Hope at ang baby pa namin?" Nasasaktan kami dahil sa nakikita namin ngayon ang kalagayan ni Zack. Kwenento din namin sa kanya na mali ang pagkakaintindi niya sa sinabi ng doktor kanina.

"Alam kung malakas si Hope kaya lalaban siya para sayo, sa anak niyo at para sa aming lahat." Yinakap namin siya.

"Thank you brother's for always being there for me." Pasasalamat niya sa amin.

"No worries bro just be strong for Hope and for your baby." Mahabang katahimikan muna ang namagitan sa aming lahat bago napagdesisyunan naming pumunta na sa emergency room.

Pagdating namin dun wala na ang parents nila Zack at Hope.

"Baka linipat na sa private room si Hope." Nagtanung muna kami sa isang nurse, ang sabi linipat na daw ng room si Hope. Tinanong na rin namin ang room number.

"Okay lang ba ang baby namin?" Nagulat kami sa tanong ni Zack. Nagkatinginan muna kami at wala ni isa ang sumagot.

Nasa tapat na kami ng room ni Hope, binuksan naman ni Jacob ang pinto.

"Zack is here." Tumayo ang mommy ni Zack at yinakap ito ng mahigpit. Nakita ko naman ang mama ni Hope na nasa tabi lang nito habang hawak ang kamay ni Hope.

Nakikita ko sa kanila na pinipigilan lang nila maiyak.

"Zack wala na ang baby niyo." Doon na tuluyang umiyak sila, kahit nga ako hindi ko napigilan ang mga luha ko.

"Mom?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zack. Umiling lang sa kanya ang mommy niya.

Bigla na lang napaluhod si Zack habang yakap pa rin ang mommy niya. This is the first time na nakita ko si Zack sa ganitong kalagayan. Oo dati umiiyak siya sa amin kapag nag-aaway sila ni Hope pero hindi umabot sa ganitong sitwasyon.

Lumapit din si Tito at ang parents ni Hope para yakapin siya.

"I know what's the felling bro." Sabi ko sa sarili ko. Tinapik naman ni Jacob ang balikat ko,

"Labas muna tayo." Aya niya samin. Nagpaalam muna kami kay Tito.

"Hindi ko alam kung makakaya kaya ni Hope kapag nalaman niya ang pagkawala ng baby nila ni Zack. Alam naman natin na sa ating magka-kaibigan sila lang ang wala pang anak at alam naman natin kung gaano nila kagusto ang magka-anak sila." Sabi ni Frank. Nandito kami sa garden ng hospital naguusap-usap.

"Alam kung matatanggap din nilang dalawa ang lahat ng ito basta nasa tabi lang nila tayo." Sabi naman ni Eusef.

"Lalo na at kakandidato si Zack bilang Mayor." Dagdag ko pa.

Hope's point of view

Nagising ako at alam kung nasa hospital na ako. Dahan-dahan kung binuksan ang mga mata ko at nakita ko si Zack na nasa tabi ko lang hawak ang kamay ko habang natutulog.

"Hon, hon." Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos ito.

"Hon your awake! may masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? ." Nagulat siya ng makita niya akong nakadilat na. Hinalikan niya naman ang noo at kamay ko. Habang tanong ng tanong.

"Hon I'm okay, pero ang anak natin?" Nakita ko naman ang isang butil ng luha na pumatak galing sa mga mata niya. And by that alam ko na.

" Our baby is gone." Napaiyak na rin ako.
"Galit ka ba sakin? Galit ka ba dahil sakin nawala ang baby natin?" Tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pagiyak.

"No no no I'm not angry , so please stop crying." Hinawakan niya ang mukha tapos pinahid ang mga luha sa pisngi ko. Hinalikan niya rin ako sa labi.

"Baby pa siya masyado at hindi pa nga niya tayo nakikita kinuha na siya agad satin. But I know she is happy now with Jesus." Yinakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

"How did you know that our baby is a girl?" Natatawa niyang tanong.

"I can feel it when she was still in my tummy." Napaiyak na naman ako.

"Stop crying, she will not be happy seeing us crying especially you. Alam natin na mas sasaya siya sa kabilang buhay."

"At siguro kaya hindi niya pa kayo binibigyan ng anak kasi hindi pa kayo handa, marami pa kayong gustong gawin at higit sa lahat hindi pa oras para kayo ay magka- anak na." Napatingin kami sa kapapasok lang na si mama ko.

"Your mama is right, for the meantime let's accept our lost with our baby." Sabi naman ng mommy ni Zack.

1 month later

Nasa puntod ako ngayon ng anak namin ni Zack. Umupo ako sa damuhan at tinanggal ang mga dahon sa ibabaw ng lapida niya. Sinindihan ko ang kandila at inayos ang bulaklak na dala ko.

"It's been 1 month, simula ng mawala ka samin. But I'm thankful na nandiyan ang daddy, Lolo's, Lola's at mga Tita at Tito mo para sakin. Alam mo pinapakita ko lang sa kanila na okay na ako pero ang totoo palihim pa rin akong umiiyak dahil sa sakit ng pagkawala mo. Lalo na kung nakakakita ako ng mga baby o kaya mga mommy's na buntis, naalala kita baby ko. Sana nandito ka parin sa tiyan ko dala-dala kita ng siyam na buwan. Pero wala ehh maaga kang kinuha sa amin ni Jesus. Sana masaya ka diyan, sana lagi mo kaming babantayan lalo na ang daddy sa panga-ngampanya niya. Tandaan mo na mahal na mahal ka namin lalo na ng daddy mo kahit wala kana. Nasa isip at puso ka lang namin palagi. I love you very much. Ask Jesus if he can give you now a little sister para hindi na malungkot si mommy dito." Hinalikan ko muna ang puntod niya bago ako umalis.

Tinawagan ko naman si Zack para kamustahin siya sa Japan.

"Hello hon, kumusta ka diyan? Kumain kana ba? May metting ka ba ngayon?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"I miss you hon."

"I miss you more, kelan ang uwi mo?"

"Maybe next week."

"Next week ehhh sabi mo sakin the following day uuwi kana."

"Marami kasing dapat pang ayusin dito sa kompanya."

"Galing pa lang ako sa puntod ni baby. Alam mo sinabi ko sa kanya kung pwede ba siyang humingi Kay Jesus ng little baby sister para hindi na ako malungkot. Sana pagbigyan siya ng diyos at pagbigyan din ako." Kwento ko sa kanya.

" Don't worry pay balik ko yun ang kailangan nating trabahuin." Natawa lang ako dahil sa sinabi niya.

"Wag mo munang isipin yan dahil pag uwi mo marami ka pang dapat gawin for the election, at bilisan mo na diyan Ng makauwi kana rin sakin."Pinalungkot ko ang boses ko. Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya.

"Promise uuwi na ako."

" Promise mo yan ahh, bye hon."

"Bye, alagaan mo ang sarili mo. I'll hang up." Binaba ko na ang tawag.

Masaya akong nagmamaneho ngayon papunta kila Francis, birthday kasi ngayon ng panganay nilang anak. Bumili na ako ng gift, nagpabili na rin si Zack. At dahil wala si Zack ngayon ako na lang ang magbibigay nito.

Mr. Mayor's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon