Chapter 2

1 0 0
                                    

Hope's pov.
Wala silang alam, maliban kay Kyla kung bakit sila nandito at kung bakit may biglaan akong dinner /surprise kay Zack. Actually 3 weeks na naming alam toh ni Kyla at siya ang unang nakapansin nito. Di lang namin sinabi ka kanila lalo na kay Zack for some reason.

"So bakit nga may biglaang dinner?" Tanong ulit ni Zack habang nagkatingin sakin, sinuklian ko siya ng ngiti.

"May sasabihin ako sayo, pero sana handa kana". Alam ko kasing hindi pa siya handa sa ganitong bagay.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong niya. Inabut naman sakin ni Kyla Ang isang maliit na box at binigay ko yun kay Zack.

"What's this?".

"Open it for you to know the answer". Tumingin si Zack kay Kyla with curious look. Dahan- dahan- niya namang binuksan ang box. Nagulat siya sa nakita niya sa loob, nabitawan niya ito at tumingin sakin na para bang kailangan niya ng paliwanag. Yumuko lang ako kasi alam ko naman na hindi pa siya handang maging Daddy.

Nagkatingin lang samin sila Mama at alam kung naguguluhan din sila sa nangyayari, bigla namang umalis si Zack at pumasok sa loob ng bahay. Doon na tumulo ang mga luha ko, mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tumakbo ako papunta sa guard's house.

"Kuya Ben asan po ang susi ng kotse ko". Binigay niya ito sakin, kita ko sa mata niya ang pag-aalala para sakin. Simula kasi ng magka-asawa ako, hindi na ako pinayagan ni Zack na magmamaneho ng kotse.

"Pwede po bang makisuyo ako sa pagbukas ng gate". Malapit lang ang guards house sa gate kaya madaling nabuksan ni kuya Ben ang gate. Habang palabas ang menamaneho kung kotse, kita ko sa side mirror na nasa may gate sila Mama habang nagkatingin sakin.

Di muna ako uuwi sa bahay kasi gusto kung mapag-isa. Di ko lang kasi matanggap na hanggang ngayon hindi pa rin handa si Zack na magka-anak kami. Akala ko okay lang sa kanya lalo na ngayong mas lumalago na ang kompanya. Nabigla lang siguro siya kaya ganoon.

Hinito ko muna ang sasakyan ko sa tabi ng daan.

"Ahhhhhhhhhhh!" Sigaw ko sa loob ng sasakyan habang pinupokpok ang manibela.

"Bakit hindi? Bakit hindi ka pa handa? Akala ko okay lang kasi mabubuhay naman natin siya at mabibigyan ng magandang buhay." Iyak lang ako ng iyak ang sakit sakit kasi.

Pagkatapos kung umiyak sa loob ng sasakyan lumabas ako at malamig na hangin agad ang yumakap sakin. Kita muna sa kintatayuan ko ngayon ang buong city.

Ganoon naba ako nasaktan at hindi ko namalayan na nasa mataas na parte na pala ako ng buong bayan sa lugar kung saan kami nagkita at nagkakilala ni Zack sa lugar na palagi naming pinupuntahan kapag masaya, malungkot o may problema kami. Dito kasi kami nagkakabati at dito kami sumasaya.

Umupo ako sa bench doon at yinakap ko ang aking sarili.

"Ano ang dahilan bakit ayaw mo pang magka-anak tayo?Alam mo bang matagal ko ng pangarap ito ang maging Isang buong pamilya na talaga tayo." Kinakausap ko lang ang sarili ko.

"Kasi marami pa akong pangarap na gusto kung maabot." Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Liningon ko ito at tama nga ako siya nga.

"Hindi ba pwedeng kasama kami ng anak mo sa pag abot ng pangarap mo? Hindi ba pwedeng nasa tabi mo kami?" Lumapit siya sakin at hinawakan ang mga kamay ko.

"Bakit hindi? Alam mo bang mas masaya nga kung dalawa na kayong nandiyan para sumuporta sakin." Pinahiran niya ang mga luha sa pisngi ko at hinalikan ang noo ko.

"Bakit ka kanina nag walk out?" Tumawa lang siya sakin. Kay sinamaan ko siya ng tingin.

"Okay, kaya ako nag walk out kanina kasi kukunin ko ang regalo ko sayo. This past few days kasi napapansin ko marami na ang nagbago sayo una sa pagkain, pananamit at ang pabago-bago mo ng mood. Alam mo bang kahit minsan wala ako sa bahay I have my ways to know about what's happening to you everyday."

"Asan na ang regalo ko?" May kinuha siya sa bulsa niya, isang maliit na box color black ito. Binigay niya sakin kaya tiningnan ko lang siya ng may pagtataka.

"Open it." Dahan- dahan ko namang binuksan ito. Nagulat ako kasi masyadong mahal ang kwentas na ito,ito kasi ang gusto kung bilhin nung nasa Paris, France kami for a vacation.

Kaya I promise to my self from that day na kapag nabuntis at nakaipon ako bibilhin ko yun. Hindi ko inaakala na bibilhin niya ito para sakin kasi wala naman siyang alam na gusto ko ito.

"How?" Ngumiti lang siya sakin at kinuha ang kwentas sakin. Pinunta siya sa likod ko at isinuot sakin ang kwentas.

"Noong pumunta tayo sa Paris at nakita kitang nakatitig, kaya sinundan ko ang tinitingnan mo at nakita ko yang necklace na yan kaya binili ko. Sinabi ko sa sarili ko na ibibigay ko yan sayo kapag nagka-anak na tayo. Kaya ngayon na ang panahon na yun.." hinalikan niya ako sa noo.

"Thank you very much hon you know what I'm still earning for this. But here you are you give this to me as a gift for my pregnancy. So thank you and I love you." Nakatingala lang ako sa kanya habang hawak ko ang mukha niya. Sobrang tangkad niya kasi kaysa sakin.

"Everything for my beautiful wife."
Yinakap niya lang ako ng sobrang higpit.

"Let's go home. It's getting late you need to rest." Tumango lang kayo sa kanya.

Mr. Mayor's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon