Nandito ako sa restaurant ng hotel dahil gutom na talaga ako at gabi na rin kaya andito ako para maghapunan.
“Good evening ma’am here is your order enjoy your meal.” Nginitian ko lang ang waiter saka nag simulang kumain.
Habang kumakain hindi ko maiwasang tumingin sa paligid dahil maraming tao ngayon pero sobra ang pagka bigla ko sa nakita. Nasa entrance ng restaurant si Zack kasama ang Ex niya na si Kristal masaya pa silang tingnan.Bigla akong nawalan ng gana kaya hiningi ko agad ang bill saka tumayo. Napatingin naman sakin angibang kumakain dito pati na rin ang mga taong kinaiinisan kong ngayon.
Nung nasa tapat na nila ako nginitian ko lang ang mga ito bago lampasan. There’s a part of me na nasasaktan dahil kasama ng asawa ko ang ex niya at ang saya pa nilang tingnan habang hindi kami okay.Pero binalewala ko lang yun, nakakapagod ngayong araw kaya gusto ko na lang matulog ng mahimbing.
Hinihintay ko na lang bumukas ang elevator ng bigla na lang may yumakap sakin. Amoy pa lang alam ko na kaya bakit pa ako mag tatanong.
“Let’s go home.” Hinawi ko naman ang mga kamay niya bago humarap.
“Umuwi ka mag-isa bahala ka sa buhay mo.” Panggagaya ko sa sinabi niya kanina. Kaya nakita ko kung paano siya natawa.
“Hope halika na gabi na at kailangan mo nang magpahinga.”
“ Kaya nga umuwi kana para makapag pahinga na ako, or much better if umuwi ka na lang dun sa ex mo tutal masaya ka naman mukha ngang nage-enjoy kayong dalawa magkasama.” Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata niya.
“Paano ako uuwi kung andito pa ang asawa ko at isa pa yung nakita mo kanina nag kataon lang na nagkasabay kami ni Kristal pagpasok nagbiro lang siya kaya ako natawa.” Sakto namang bumukas ang elevator kaya nakaisip ako ng plano para maligaw siya.
“Sasama ako sayo pauwi kung ikukuha mo ako ng malamig na tubig doon oh.” Tinuro ko ang water dispenser malapit sa amin. Kaya dali dali itong pumunta doon kaya sumakay agad ako ng elevator.
“HOPE!!” narinig ko pa ang siagw niya bago sumara ang elevator. Wag kang mamilit ng taong ayaw pa umuwi.
Pagdating ko sa room ko tinapon ko lang sa kung saan ang bag ako bago tumalon sa kama. Sobrang inaantok na talaga ako. Malapit na sana akong makatulog bg biglang may kumakatok sa pinto ng hotel room ko. Kaya tamad akong tumayo at binuksan ang pinto.
“Tinakasan mo pa ako kanina, pwes ngayon wala ka ng kawala sakin.” Dali-dali niya naman ako binuhat pa labas ng room.
“Anu ba Zack ibaba mo ako!!!” Di ako binaba kaya pinalo ko ang dibdib niyo.
“Sabing ibaba mo ako ehh ano ba???!!” naglili-likot na ako para mabitawan niya ako.
“Hope pag di ka tumigil baka mahulog ka.” Tumigil na lang ako.
“Alam mo bat ayaw ko pang umalis, dahil sayang ang bayad ko at isa pa naiwan ko pa ang bag ko sa room. Kaya ibaba mo na ako.” Dahan dahan niya naman akong binaba. Kaya inayos ko ang damit ko bago siya tinalikuran. Naramdaman ko naman na sumunod siya.
“Dito na lang tayo matulog ngayon para hindi naman masayang ang pera mo.” Natatawa niyang sabi kaya tinarayan ko lang ito.
“ Bahala ka.” Huniga agad ako sa kama at pinikit ang mga mata ko ng hindi na ako nag abalang tanggalin ang high heels ko. Naramdaman ko na lang ang isang kamay ni Zack sa binti ko at pagmulat ko tinatanggal naniya ang heels ko. Napangiti na lang ako dahil sa ginawa niya.At ng matapos siya umupo naman siya sa gilid ko at hinubad ang coat niya at sapatos bago humiga sa tabi ko at yinakap ako.
“ Wag kang aangal.” Hindi ko alam kung isang statement ba yun o babala. Pero hinayaan ko na lang siya, basta matutulog ako.
Pag gising ko ng umaga wala na si Zack sa tabi ko kaya bumangon na lang din ako hinanap ko siya sa buong room wala siya at nagulat ako sa nakita ko sa CR basag ang salamin at magulo ang ibang gamit. Nagtaka naman ako kaya kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si Zack, ngunit walang sumasagot.
“How could you do this to me Hon.” Isang text message ang natanggap ko galing kay Zack.
![](https://img.wattpad.com/cover/322206994-288-k461175.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Mayor's Wife
РазноеKung mahal mo ang isang tao dapat tanggap mo at matanggap mo ang mga pagkakamaling nagawa niya. Kasi sa pagmamahal wala namang perpekto, kahit ikaw nga nakakagawa ka ng mga pagkakamali. At sa isang relasyon naman diba hindi lang pagmamahal ang kaila...