Chapter 4

0 0 0
                                        

Kanina lang nag file na ng  candidacy si Zack sinamahan siya ng mga kaibigan niya. Hindi ako nakasama kasi tanghali na ako nagising, sabi nila natural lang daw yun sa buntis ang tanghali na magising.
Kaya tanghali na din ako nakapasok sa trabaho, hindi nga sana ako gustong papasukin pa ni Zack sa trabaho, pero I insisted na papasok pa rin ako 3 weeks pa lang naman ang baby namin, so kaya ko pang magtrabaho.

"Ma'am Hope, pupunta po tayo ngayon sa site, para I check na ang buong building before the turn over ." Sabi sakin ng secretary ko.

"Ok, wait lang ." Kinuha ko muna ang bag at ang safety helmet ko. Paglabas ko dumeritso agad kami ng elevator. Tahimik lang kami sa loob, hanggang sa nakababa kami sa parking lot.

"Shenna, nagtanong muna ba ang mga in charge para sa turn over ceremony sa Monday?" Tanong ko s kanya.

"Yes ma'am actually po, tumawag ang may-ari ng building na hindi daw po siya makakapunta sa turn over ceremony kasi may out of the country po siyang kailangan puntahan. Pero wag daw po tayo mag alala kasi kahit wala po siya  may representative po siya." Sabi niya, Shenna is my secretary, mas bata siya sakin ng apat taon, twenty five siya ako naman twenty nine.

Dapat kasi part time job niya lang dapat ito kasi gusto niya lang noon na magkaroon ng work experience habang maghihintay siya ng result ng board exam  pero habang tumatagal mas napapamahal na siya sa trabaho niya sakin as a secretary. Kaya hindi na siya nagresign sa trabaho niya sakin. At tinuring ko na rin siyang kapatid. Kasi noong wala pa akong asawa, pero actually hanggang ngayon sa bahay  pa rin siya nila Mama nakatira, hindi bilang isang katulong o ano. Kundi isang anak.

My parents decided to adopt her, kasi nag-iisa na lang siya simula ng mamatay ang mga magulang niya. I think she was 20 years old that time.

"Okay thank you. BTW kumusta kana little sister?" Natawa naman siya sa tanong ko.

"I'm okay ate, thank you po sa lahat lahat." Ngumiti ako sa kanya.

"Ano ka ba, ako nga dapat magpasalamat sayo kasi dumating ka sa buhay namin at nagkaroon ako ng kapatid at bagong anak sila mama." Sabi ko.

"Andito na po tayo ate." Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse at tama nga nandito na kami. Bumaba naman agad ako.

"Ang ganda." Yun lang ang nasabi ko pagkakita ko sa kabuohan ng building. My dream building.

"Kaya nga sigurado akong babae ang may ari nito." Tumingin ako bigla sa kanya.

"Iba kasi ang dating sakin, kung titingnan niyo po ang masters office mamamangha po kayo ." Sabi niya.

"Tingnan nga natin." Pumasok na kami sa loob, medyo maayos na pero maalikabok pa rin dahil hindi pa nalilinisan Ng maayos.

"Ate suotin mo muna ito." Inabot niya sakin ang Isang mask. Sinuot ko iyon.
Ringggggg ringggggg, tunog yun ng cellphone ni Shenna, kaya she excuse herself for a while to answer the phone and distance from me.

Habag may katawag siya naglibot-libot lang muna ako. Pumunta ako doon sa  mga kawayang pinagtagpi-tagpi na ginagamit nila hagdan  sa pagpipintura sa mataas na parte mg gusali.

"Naku ma'am wag po kayo diyan, baka madaganan po kayo. Hindi kasi yan matibay ang pagkagawa kaya hindi namin ginagamit." Sita sakin ng isang trabahador.

"Hindi naman po siguro, ang mabuti po dito ay tawagin niyo po ang ibang trabahador para iba giba na ito baka Kasi may maaksidente pa." Tumango muna siya sakin bago umalis.

"Sge po ma'am tawagin ko po muna."

"Salamat po."

Sakto namang may tumawag sa cellphone ko kaya sinagot ko muna ito.
"Hello who's this?" Tahimik lang ang kabilang linya.

"I need to end this if your not gonna talk, I have important things to do." Ibababa ko na sana ang tawag ng may nagsalita sa kabilang linya

"I miss you." The voice is familiar, pagkitingin ko sa caller si Zack pala.

"I miss you too."

"We're are you bakit ang ingay ng paligid mo?" Tumingin muna ako sa paligid ko.

"Nasa bagong gawang building ako, yung malaking project namin na kwenento ko sayo." Paliwanag ko.

"Take care of yourself their, wala ako diyan para bantayan ka. Always wear your safety helmet and a mask." Paalala niya sakin.

"Thank you and don't worry I will always take care of myself and because  the safety of our baby is important."

I'll need to hang up this call I'm in a middle of the meeting, I just excuse myself to check you and our baby. I love you and I miss you." Sweet niya naman.

"Okay, I love you too and I miss you more." Pinatay ko na ang tawag, Kasi kahit sabihin na niya na kailangan na niyang e-end ang tawag hindi niya pinapatay bagkos ako ang gusto niyang mag end ng tawag. Nakagawian na niya ito simula mag boyfriend and girlfriend pa lang kami hanggang sa naging mag-asawa na kami. That's how sweet Zack is.

Hinubad ko muna ang  safety helmet ko at pinatung muna sa mga kawayan kanina. Inayos ko ri ang buhok ko at kinuha na Ang helmet ko. Sumabit ang helmet ko sa isang kawayan sanhi ng pag galaw nito.

"Ma'am umalis Po kayo diyan!!!" Sigaw ng  mga trabahador. Aalis na sana ako ng nahulogan ako ng isang malaking kawayan tapos nagsunod-sunod na.
"Ate!!!!!!!!" Narinig ko ang sigaw ni Shenna bago ako mawalan ng malay.

Mr. Mayor's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon