Pagka-uwi namin nandoon pa rin silang lahat. Nasa sala lang sila at nagkwe-kwentuhan.
"Buti naman at naka-uwi na kayo." Sinalubong agad ako ni Mama at hinalikan ang pisngi ko. Iginiya niya ako paupo sa couch kung saan sila.
"Congratulations to the both of you, finally may baby na rin kayo. Hindi na kayo manghihiram sa Amin." Natawa lang kami sa sinabi ni Francis.
"Mauna na kami sa inyo mga anak. Maaga pa kasi ang alis namin bukas." Paalam ng daddy ni Zack.
"Sge po daddy ingat po kayo pauwi." Umalis na rin ang parents ko sabay sa parents ni Zack kaya kaming magka-kaibigan na lang ang naiwan dito sa bahay.
"Di pa kayo uuwi?" Masungit na tanong ni Zack. Kahit kailan talaga super sungit nito kahit sa mga kaibigan niya.
"Hindi pa, diba may sasabihin ka pa samin." Sabi ni Frank
"Will talk about it some other time." Bakit parang may mali.
"Matutulog na ako." Paalam ko sa kanila
"Goodnight and sleep well hon." Hinalikan ako ni Zack sa noo. Umalis na ako sa harap nila, actually hindi pa talaga ako inaantok gusto ko lang malaman ang kung ano ang sasabihin hin Zack sa kanila.
Kanina kasi sa tono ng panananlita ni Zack parang may tinatagao sila sakin. At yun ang gusto kung alamin. Kaya nagtago ako sa likod ng isang malaking vase at rinig ko mula dito ang pinag-uusapan nila.
"Gustuhin ko mang tumakbo bilang isang Mayor ,pero alam niyo namang ayaw ni Hope. Kasi sobrang gulo daw ng mundo ng politika at ayokong bigyan siya ng problema ngayon lalo na at buntis siya." Ganoon niya ba ako ka mahal at pati ang pangarap niya na maging mayor ng lungsod na ito ay tatalikuran niya para sa akin.
"Diba ito ang pangarap mo ang maging isang mayor?" Tanong ni Jin.
"Handa ka bang talikoran ang pangarap mo para lang hindi mabigyan ng problema si Hope?" Sumilip ako at nakita kung nakatakip ang mga kamay niya sa mukha niya.
"Hindi ako tatakbo bilang mayor and that's final." Sumigaw na si Zack
"Tama sila tumakbo ka bilang Mayor kung yan ang gusto mo. Wag mung talikuran ang pangarap mo para lang sakin. Kasi diba sabi ko sayo gagawin ko ang lahat para lang sayo at susuportahan kita. Kaya go chase your dream to become a mayor together with me and with our unborn baby." Nagulat sila sa paglabas ko mula sa likod ng malaking vase malapit sa hagdan.
"Are you sure you want me to run as a Mayor?" Tumango ako sa kanya sabay ngiti.
"Ohh yun naman pala, kaya bukas na bukas magfile kana ng candidacy for mayor." Inakbayan siya ni Francis. Winaksi ni Zack ang kamay ni Francis at lumapit sakin para yakapin ako.
"Thank you, I'll make sure i will win."
"You better make sure." Tinarayan ko siya.
"Hope, bakit pala ayaw mo noon na pumasok si Zack sa politika. Gayung alam mo naman na may possibility na manalo siya." Actually hindi naman ganun ka lalalim ang dahilan kung bakit ayoko na pumasok sa politika si Zack.
"K-asi, k-asi ano, ano." Tanong ni Gwen.
"Kasi alam kung pag pumasok siya sa politika mawawalan siya ng oras sakin, at mabu-busy na siya sa mga kompanya namin at sa tungkulin niya bilang isang mayor." Kita kung nagulat sila sa sinabi ko. Totoo naman ahh na kaya ayokong pumasok si Zack sa politika kasi ayokong mawalan siya ng oras sakin.
Hinalikan ako ni Zack sa noo.
"Hindi mangyayaring mawalan ako ng oras o panahon para sayo at para sa anak natin." Ngumiti ako sa kanya.
"Ooh sge, Mauna na kami masyado ng late at baka magising na ang mga anak namin. At Hope magpahinga kana, alagaan mo ang asawa mo Zack." Paalala ni Kyla. Natawal lang ako sa kanya, para siyang nanay namin.
Hinatid muna sila sa labas ni Zack, gusto ko sanang sumama kaso hindi nila ako pinayagan kasi buntis daw ako, kaya sinunod ko na lang sila.
Sino ako para hindi sumunod sa kanila ehh may mga anak na ang mga yun kaya alam na nila kung ano ang pwede at hindi pwede sa buntis.
![](https://img.wattpad.com/cover/322206994-288-k461175.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Mayor's Wife
De TodoKung mahal mo ang isang tao dapat tanggap mo at matanggap mo ang mga pagkakamaling nagawa niya. Kasi sa pagmamahal wala namang perpekto, kahit ikaw nga nakakagawa ka ng mga pagkakamali. At sa isang relasyon naman diba hindi lang pagmamahal ang kaila...