Chapter 10
Habang malaya kung natatanaw ang babaeng unang minahal ng asawa ko hindi ko mapigilang mamangha sa taglay nitong kagandahan na minsan ng kinahumalingan ng asawa ko.Napa iwas naman agad ako ng tingin nang dumako ang paningin niya sa direksyon ko. Di ko alam sa sarili ko kung bakit kailangan ko pang iwasan siya. Wala naman akong ginawang masama sa kaniya at wala siyang ginawa sakin.
Napatingin muli ako sa kinauupuan niya kanina at wala na siya doon kaya napa buntong hininga na lang ako bago tumayo at linisan ang lugar na iyon. Habang naglalakad ako hindi ko alam kung saan ako pupunta basta’t ang alam ko lang hindi ko pa gustong umuwi.
Nag search ako sa internet kung mayroon bang hotel dito kung saan pwede akong mag stay kahit ngayong gabi lang. Luckily may nahanap ako kailangan ko nga lang mag lakad papunta doon. May condo naman ako, kaya lang di ako matutulog doon kasi alam ko pupuntahan ako ni Zack.Habang naglalakad ko papunta sa nasabing hotel di ko maiwang mamangha sa lawak ng park na ito. Kahit dapit hapon na marami pa ring tao dito. Ilang sandali pa mula dito sa kinatatayuan ko tanawa ko na ang isang hotel, hindi siya gaano kalakihang hotel hanggang sixth floor lang ito, ngunit kahit nasa malayo ka tanaw mo pa rin kung gaano ito kalawak.
Di ko namalayan nasa tapat na pala ako nito, pinagbuksan naman ako ng pinto ng guard saka bumati nginitian ko lang ito bago pumasok.
Pagkatapos kung mag check in someone guides me ro my hotel room. Nag lalakad kami ng biglang nag ring a phone ko at pag tingin ko si Zack ang caller kaya pinatay ko agad ito. Because I know once I answer his call malalaman niya kung nasaan ako dahil sa tracking device in my phone.
“This is your hotel room Mrs. Alcantara hope you enjoy your stay here at Hotel Gracia.” Pinagbuksan ako ng isang staff kaya pumasok ako sa loob upang makita ang buohan ng room.
“Thank you, pwede niyo na po akong iwan.” Ngumiti lang ito bago ako iwan. Timakbo naman agad ako papunta sa kama gusto ko lang ngayon mahiga at sandaling kalimutan ang nangyari ngayong araw. Tinginan ko naman ang phone ko na walang tigil sa pag ring kaya sinagot ko na lamang ito.
“Hello, Hon asan ka? Akala ko umuwi kana pero bakit hanggang ngayon wala ka pa rin? Hon naririnig mo ba ako?”
Nahihimigan ko sa kaniyang boses na para bang pagod siya.
“Hindi muna ako uuwi.” Narinig ko lang ang malalalim na pag buntong hininga niya sa kabilang linya.
“Kung tungkol ito sa nangyari kanina I’m sorry, di ko sinasadyang masigawan ka at makapagsalita ng ganoon. Kaya please unuwi kana para mapag-usapan natin ito sa bahay.”
“Magpalamig lang muna tayong dalawa ng ulo, saka na lang tayo mag-usap.” Binaba ko agad ang tawag saka linagay ang phone ko sa bed side table. Nakatingin lang ako sa puting kisame nag-iisip sa mga nangyari kanina lang at sa nakita ko kanina sa park.
Ang naalala ko lang kasi sa kwento ni Zack sakin noon naghiwalay sila ni Kristal dahil sa kinailangan daw ni Zack umuwi ng Pilipinas at dahil ayaw ni Kristal sa long distance relationship kaya tinapos nila kung ano man ang meron sa kanilang dalawa, yun lang ang na kwento sakin ni Zack the rest is history.
Pero alam kung may mas malalim na dahilan kung bakit silang dalawa nag hiwalay. Lalo na nung nabasa ko ang letter na naka ipit sa isang libro sa opisina ni Zack sa bahay.

BINABASA MO ANG
Mr. Mayor's Wife
De TodoKung mahal mo ang isang tao dapat tanggap mo at matanggap mo ang mga pagkakamaling nagawa niya. Kasi sa pagmamahal wala namang perpekto, kahit ikaw nga nakakagawa ka ng mga pagkakamali. At sa isang relasyon naman diba hindi lang pagmamahal ang kaila...