Chapter 8

0 0 0
                                    


RosunBalmes love you

Hope's Point of View

Pagkatapos ng party ni Caitie umalis  agad kami ni Zack dahil nakikita at ramdam kung pagod siya. Kanina pa kasi siya hikab ng hikab. Habang nasa biyahe kami hawak lang ni Zack ang kamay ko habang nag mamaneho siya.

"I'm happy that  after 1 month I'm finally home. I'm with you again I'm free to hug and kiss you." Napangiti lang ako dahil sa sinabi niya.

"I'm more than happy because I'm not alone anymore." Hinalikan niya ang kamay ko at binalik agad ang  tingin sa daan.

Ilang minuto pa nasa tapat na kami ng bahay Namin, pinagbuksan naman kami ni kuya Ben ng gate. Nauna kasi siyang umuwi kanina dahil pinauna na siya ni Zack, alam niya daw kasi na pagod ito. Pinagbuksan ako ni Zack ng pinto ng kotse at inalalayan na makababa.

"Mauna kana sa kwarto natin iinom lang ako ng tubig." Hindi siya sumagot at nag patuloy lang sa pag akyat. Bumuntong hininga lang ako, pagod nga siya.

Pagpasok ko sa kwarto namin nakita ko si Zack na naka higa sa kama at naka bihis, mahimbing rin itong natutulog kaya pumasok na lang sa banyo at nagpalit ng pantulog.
Paglabas ko humiga na ako sa tabi ni Zack at inayos ang kumot.

Naramdaman niya atang nahiga ako kaya yinakap niya ako sa bewang.

"Good night hon, I love you." Hinalikan niya ako sa noo, kaya napa pikit lang ako.

"I love you too, good night." Yumakap rin ako sa kaniya.

Nagising ako dahil naramdaman kung may naka tingin sakin, pag mulat ko nga aking mga mata nakita ko si Zack na naka tukod ang Isang kamay sa unan at naka tingin sakin habang naka ngiti.

Yumakap lang ako sa kaniya dahil inaantok pa ako, hinalikan niya lang ako sa noo at hinaplos ang mukha ko.

"Hon bumangon kana 10:30, kailangan munang kumain." Umiling lang ako at mas siniksik ang katawan ko sa kaniya.

"Inaantok pa ako hon, mamaya na."

"Sge matulog ka lang muna, aalis na ako at papasok na sa opisina." Napa tingin ako bigla sa kaniya.

"Sabi mo kagabi nung nasa party tayo ni Caitie hindi ka papasok for 2 days dahil gusto mo akong makasama. Bago ka maging  busy sa election." Nag tatampong sabi ko. Lumapit naman ito sakin at pinaliwanag kung bakit kailangan niyang umalis at pumasok sa office.

" I hope you understand, para naman satin lahat ng ginagawa ko. Promise pag uwi ko mamaya may pupuntahan tayo, so mag bihis kana 3:00 pm pa lang dahil susunduin kita ng 3:30. Okay?" Tumango lang ako at yumakap sa kaniya.

"Maligo kana ako na mag hahanda ng damit at lunch mo." Tinulak ko pa siya papasok sa banyo.

Bumaba naman agad ako at nag handa ng breakfast namin, pagkatapos hinanda ko na rin ang baon niya for lunch.

"Ang bango naman ng
niluluto mo." Naramdaman ko naman na yumakap siya sakin mula sa likod habang nilagay  ko pa ang sinangag sa bowl.

"Let's eat." Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sakin at kinuha ang bowl sakin saka siya na ang nag lagay sa table. Pinaghila niya rin ako ng upuan saka ako pinaupo, umupo din siya sa tabi ko.

"Hon pupunta pala ako sa site ngayon para icheck ang lupa na tatayuan ng bagong project namin." Huminto muna siya sa pagsubo saka tumingin sakin na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

Mr. Mayor's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon