Zack point of view
Nandito pa rin ako sa conference room kasi hindi pa tapos ang metting namin. Habang nakikinig ako hindi mawala sa isip ko si Hope. At masama ang kutob ko hindi ko alam kung bakit.
"That all thank you." Yun lang ang naabutan ko sa lahat ng hi sinabi ni Francis.
"Ok this metting is done, dismiss." Nagsilabasan naman ang lahat maliban sa mga kaibigan ko si Francis, Eusef, Shawn, at Jake.
" Bro are you okay? Kanina ka pa wala sa sarili." Tanong sakin ni Jake.
"Yes I'm okay, hindi lang maalis sa isip ko si Hope. Medyo masama rin ang kutob ko." Sagot ko naman.
"Bat dii mo tawagan." Suggest naman ni Shawn. Kaya tinawagan ko agad si Hope pero walang sumasagot.
"Walang sumasagot." Sabi ko. Binaba ko ang phone ko at napahilot na lang sa sintedo ko.
"Ano ka ba, wag kanang magalala Kay Hope. Masyado mo lang talagang mahal yung asawa mo kaya hindi mawala sa isip mo. At kaya ka nag-aalala kasi baka mapano siya lalo na ngayong maydala-dala na siyang bata sa sinapupunan niya." Sabi naman ni Eusef.
"Excuse me Sir Zack." Pumasok bigla ang secretary ko.
"Yes?" Kita ko namang hinihingal siya.
"Sir tumawag po sakin si miss Sheena at sabi po nasa hospital si ma'am Hope." Natigilan kami bigla sa sinabi niya."WHAT?" Sigaw ko ng matauhan ako sa pagkabigla.
"Zack puntahan na natin si Hope kailangan niya tayo ngayon kailangan tayo ng mag-ina mo." Sabi ni Francis.Tumayo agad kami at sabay-sabay na lumabas ng conference room. Lakad takbo ang ginawa namin para makarating agad sa opisina ko.
Gagamitin kasi namin ang private elevator para hindi kami matagalan sa pagbaba.
Pagkababa namin pumasok agad kami sa kanya-kanya naming sasakyan. Tinawagan ko naman si Sheena para tanungin kung saan dinala so Hope. Sinagot niya naman agad."Hello Sheena saang hospital dinala ang ate mo?" Tanong ko.
"Dito po sa de Lara hospital." Sagot niya. Alam kung galing pa lang siya sa pagiyak dahil sa boses niya.
"Okay I'll be there, tawagan mo na rin ang parents niyo para malaman nila ang nangyari kay Hope." Sabi ko
"Okay kuya, natawagan ko na po sila Mama actually po papunta na sila." Sagot niya.
"Okay bye." Pinatay ko agad ang tawag.
Ilang sandali pa nasa tapat na kami ng hospital. Bumaba agad ako sumunod naman ang mga kaibigan ko."Miss nasan si Hope Valdez?" Tanong ko sa isang nurse nakasalubong ko.
"Yung babae pong sinugod dito kanina dahil naaksidente? Nasa ER po siya ngayon kritikal ang kondisyon." Nanghina ako sa narinig ko.
"Thank you." Pasalamat ni Francis.
"Let's go their." Tumakbo agad ako papunta sa ER at nakita ko dun si Sheena at ang mga magulang namin. Nasa labas lang sila habang ang mama ni hope ay naka-upo at yakap-yakap ng asawa nito.
"Zack." Tawag sakin ni mommy. Hindi ko na napigilan ang umiyak kaya lumapit ako kay mommy at yinakap ito.
"Is she okay? Our baby?" Yumuko lang si mommy.
"Hindi pa namin alam ang lagay ni Hope, pero alam kung okay lang siya. Malakas kaya ang asawa at anak mo kaya lalaban sila." Pagpapalakas ni mommy ng loob ko.
Lumabas naman ang doktor sa ER. Kaya lumapit agad ako dito."I'm sorry to say but--." Sabi niya habang tinatanggal ang mask niya.
Umiling lang siya sa amin."Wala-." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya.
"THAT'S NOT TRUE." Sigaw ko, alam kung narinig yun ng lahat ng nasa hallway. Pero wala akong pake.
Tumakbo ako papunta ng parking lot at doon ko ibinuhos lahat ng sakit. Pumasok ako sa kotse at pinaharurot ito, Hindi ko alam kung saan ako pupunta ang tanging nasa isip ko lang ay si Hope.
I thought she will take care of herself and our baby that's what she promised to me. But why is this all happening.
Someone's point of view
" Babalik ako para sa kanya, aagawin ko siya sa babaeng yun. Wala akong pakialam kung ayaw na niya sakin, basta't aagawin ko siya kahit ano ang mangyari."
Baliw na kung baliw pero at least sa kanya lang ako baliw. Hahahaha hindi ako papayag na mapunta siya sa babaeng yun."Hoy babae may asawa na ang taong mahal mo at wala ka ng magagawa dun." Tiningnan ko lang siya ng masama.
"I don't care." Masungit na sabi ko.
"Bahala ka sa buhay mo, hindi kana nakikinig sakin." Umalis na siya sa harapan ko.
Hinawakan ko ng mahigpit ang papel na hawak ko, kung saan maroon ang larawan ng taong kinamumuhian ko.
"Papatayin kitang babae ka makuha ko lang ulit ang dating sakin na inagaw mo." Ngumisi lang ako ng mala demonyo.

BINABASA MO ANG
Mr. Mayor's Wife
LosoweKung mahal mo ang isang tao dapat tanggap mo at matanggap mo ang mga pagkakamaling nagawa niya. Kasi sa pagmamahal wala namang perpekto, kahit ikaw nga nakakagawa ka ng mga pagkakamali. At sa isang relasyon naman diba hindi lang pagmamahal ang kaila...