2

7.8K 215 0
                                    

2

"Inay, saan po si itay?" Tanong ni Berto nang makalabas siya galing kwarto at habang tinigtignan ang buong bahay at ng mapansin na walang ang kanilang ama.

"Wala. Umalis, kaninang umaga lang. Kumain na kayo. May pupuntahan pa ako, maghahanap ng mag magpapa-labada." Sabi ni Greta habang palabas na siya ng bahay.

"Gulay ang ulam?"

Napalingon si Greta sa kanyang dalawang anak sa narinig.

"ANONG GUSTO NIYO?! ADOBONG BABOY NA NAMAN?! MGA ANAK TAMA LANG ANG PERA NA IBINIGAY NG AMA NIYO PARA SA PANG-ARAW-ARAW!!! KAYA KUNG ANO ANG MERON SA LAMESA, 'YUN NA! HUWAG KAYONG MAARTE!" Malakas at galit sa sabi ni Greta na dahilan para umiyak ang anak niyang si Berto at Dani. Lumabas nalang siya ng bahay at nag-hanap ng may magpapa-labada kaysa mapagalitan niya ang kanyang mga anak na walang kinalaman sa mga problema niya sa pera at sa asawa.

~~~

"Alam niyo ba yung kumakalat na chismis dito sa atin?" Napalingon si Greta sa mga nasa eded 40's na mga babae. Tatlo sila at nag-chi-chismis-an sa gilid ng kalsada kahit ang aga-aga pa.

"Tignan mo nga naman o. Ang aga aga, chismis kaagad ang inaatupag." Sabi ni Greta sa kanyang isipan.

Pero kaysa atupagin niya iyong mga chismis na pinag-uusapan ng tatlo, inisip niya nalang kung paano magkakaroon ng pera at makapag-hanap ng magpapa-labada

"Kilala niyo ba yung si Ricky?" Pa-lakad na nasa si Greta ng marinig na sinabi ang panglan ng kanyang asawa ng mga nag-chichismis

"Sinong Ricky?" Tanong namang nung isang babae.

"Yung si Ricky, yung asawa ni Greta!" Sagot naman ng isang babae "May nag-sasabi at may nakakita daw, may ibang kinakasamang babae! At ang mas malala pa, nakatira lang din ang ibang babae niya sa baryo natin! Ang kati-kati naman talaga! Hindi pa nakontento sa isa!" Dagdag pa niya.

"At saan mo naman 'yan nalaman mare?"

"Aba siyempre, ang dami ko kayang kaibigan at halos doon na daw matulog yung asawa ni Greta! Pansin ko nga, minsan nalang umuuwi ang asawa niya mga ilang araw, kaya pala ganon kasi may iba na palang babae si Ricky!" Naningkit ang mga mata ni Greta at dahil na din sa init ng ulo mula palang sa bahay nila nang magalit siya, ngayon din ay mas lalong uminit ang ulo niya kaya mabilis siyang lumapit sa tatlong babaeng nag-ch-chismis at pinag-tuturo niya ito isa-isa.

"Alam niyo, ang aga-aga, pag-ch-chismis na kaagad ang inaatupag niyo! Jusko! Bago kayo mag-chismis, mag-hanap muna kayo ng pwedeng gawin para magka-pera at may pang-gastos kayo sa pang-araw-araw! Ang aga-aga nag-ch-chismis na sa gilid pa ng daanan!" Pagalit na sabi ni Greta sa tatlong babae

"Eh ano naman ang pake-alam mo?! Galit ka lang dahil hindi mo matanggap na may iba na ang asawa mo! Mabuti nga 'yan sa'yo! Yung napili mo kasing asawa, makati!" Sabi ng isang babae habang naka-pamewang

"Nahiya naman ako sa'yo! Makati asawa ko? Eh ikay?! Ano ang makati sa'yo?! Yang dila mo na chismis ang inaatupag! Ang sarap putulin!" Sabi ni Greta habang pinag-titignan ang tatlo

"Halika na nga, baka ano pa ang magawa ko dito sa babaeng 'to!" Sabi nung isang babae

"Mabuti pa nga! Dahil kung hindi, hindi pa ako nakakalayo sa bahay ko at pwede ako bumalik at kumuha ng hatsa para tumahimik na kayo!"

At nagsi-lakad na nga ang mga tatlong chismosang babae, pero minsan, lumilingon parin sa kanya.

"Mga chismosa. Mabuti pa mag-hanap na lang ng labada kaysa maniwala dun sa mga chismosa na 'yun." 'Yun nalang ang nasabi ni Greta sa isipan niya habang naglalakad.

~~~

"Nanay Using, Tatay Frederito! Bakit po kayo naparito?" Masayang bati ni Greta nang maka-pasok siya sa bahay niya habang may hawak-hawak siyang isang malaking supot na may lamang mga damit. "Mano po." Sabi niya at nag-mano nga siya sa mama at papa niya.

"Greta, masyadong marami ang mga damit sa supot na iyan. Ano ba ang gagawin mo jan at saan ba 'yan galing?" Tanong ng mama niyang si Using habang tinuturo ang hawak niyang malaking supot na halata sa mukha niya na nabibigatan siya dahil sa dami ng damit na nasa loob nito.

"Ahh, tuma-tanggap na kasi ang ng gustong magpa-laba. Sa hirap ng buhay, kailangan kong kumayod para na rin sa dagdag pangangailangan sa pang-araw-araw." Sabi niya habang nag-lalakad papunta sa likod na bahagi ng bahay niya kung saan nandoon ang gripo pati na rin ang palangana.

Sinundan naman siya ng mama at papa niya.

"ANO?! Masyadong yang marami!" Medyo biglang sabi ni Using

"Mas marami, mas malaki ang kita." Sabi pa ni Greta habang inilalagay na niya ang mga labada sa palangana at itinatapat ito sa gripong naka-bukas.

"Hindi pa ba sapat ang pera na binibigay sa'yo ni Ricky? Hindi pa ba ito sapat para sa'yo at sa mga anak mo?" Tanong ni Frederito, ang kanyang ama.

"Tatay, alam mo naman ang sitwasyon 'diba? 'diba hindi naman siya nag-ta-trabaho sa opisina na magkaka-sweldo ng malaking pera?" Sagot pa ni Greta

"May naririnig nga pala kaming mga chismis dito sa baryo, mag-ingat ka sa asawa mo."

"Ano ba inay?! Pati ba naman ikaw ay makikinig sa chismis na 'yun?!" Malakas na sabi ni Greta habang nakatingin siya sa nanay niya habang nag-sisimula na siya sa pag-lalaba.

"Sinasabi ko lang anak." Sabi ni Using.

Umiling-iling nalang si Greta habang patuloy siya sa pag-lalaba.

Si Using at Frederito naman ay napa-buntong hininga na lamang.

"Sige na anak, binibisita ka lang namin dito. Yung mga anak mo nga pala, nasa labas, naglalaro. Aalis na kami." Sabi ni Using

Hindi umimik si Greta kaya umalis nalang si Frederito at Using na naka-tingin sa isa't-isa.

GRETA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon