8

8K 186 26
                                    

8


Pasado ala-sais na ng gabi ng dumating ng bahay si Greta.


Nabigla naman si Berto at Dani dahil ibang-iba ang aura ng nanay nila. Wala na itong dalang kadena dahil bago ito pumasok ng bahay ay inilagay na nito ang kanyang hawak-hawak na kadena sa labas ng kanilang bahay. Kahit madumi parin ang damit na suot nito at magulo parin ang buhok, pumasok siya sa kanilang bahay ng naka-ngiti habang tumitingin siya sa kanyang dalawang anak.


May dala siyang dalawang supot ng plastik. Inilagay niya sa cabinet ng kusina ang isang supot at pagkatapos ay nagluto. Habang si Berto at Dani naman ay nag-bigla sa pag-iiba ng ugali at aura ng kanilang nanay. Napatingin nalang silang dalawa sa kanilang ina habang kumakanta ito habang nag-luluto.


"Ili-ili, tulog anay...


 Wala diri, imong nanay."


"Kuya, ayan na naman si nanay. Nagiging mabait na naman. Baka pagka-tapos niyan, magiging pabaya at mainitin na naman ang ulo." Pabulong na sabi ni Berto kay Dani habang naka-tingin parin sila sa kanilang ina.


"Ano ka ba Berto. Baka naman nagbabago na si nanay. Pwede naman natin siya bigyan ng pagkakataon para tugunan ang mga pagkukulang niya sa atin noon e."


Natahimik at walang nasagot si Berto kaya napa-tingin nalang siya sa kanilang ina.


"Kadto tienda bakal papay,


Ili-ili, tulog anay."


"Kuya, ano ba yang kinakanta ni nanay, parang nakakatakot." Sabi ni Berto.


"Ano ka ba, hindi 'yan nakakatakot na kanta. Pampatulog ng bata ang kantang 'yan."


Ilang minuto lang ang nakaka-lipas, nag-handa na kaagad ng plato, kutsara't-tinidor si Greta at inilagay ito sa lamesa. Inilagay niya na rin sa lamesa ang ulam at kanin.


"Mga anak, kain na tayo." Malapad na ngiting pag-aalok ni Greta.


Dahan-dahan namang napa-tayo si Berto at Dani sa mula sa upuan sa sala na inupuan nila papunta sa hapag-kainan habang naka-tingin sa kanilang ina.


Nang makarating sila at maka-upo sa hapag-kainan, si Greta na mismo ang nag-bigay ng kanin at ulam sa kaniyang anak.


"Kumain lang kayo ng kumain mga anak. Marami pang ulam sa kaldero." Sabi ni Greta habang naka-ngiting pinagmamasadan ang anak niyang kumakain at sarap na sarap sa niluto niyang ulam.


"Ang sarap naman ang ulam inay!" Sabi pa ni Berto habang nakangiting nakatingin din siya sa kanyang ina.

GRETA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon