3

6.9K 206 0
                                    

3

Makalipas ang isang linggo, pinilit ni Greta na hindi pansinin ang mga chismis tungkol sa mga pinag-gagawa ni Ricky kahit na may kakaiba na siyang nararamdaman tuwing lumalabas siya ng bahay para mag-hanap ng magpapalabada dahil halos lahat ng mga tao at mga chismosang nasa kalye ay nakatingin sa kanya.

"Greta! Berto! Dani!" Sigaw ni Ricky habang papasok siya ng bahay.

Mabilis naman ang lakad ni Greta papunta sa pintuan ng bahay nila para salubungin si Ricky na isang linggo ding wala sa kanilang piling.

"Ricky! Mabuti at umuwi ka na." Masaya at nakangiting sabi ni Greta sa kanyang asawa ng maka-pasok ito sa loob ng bahay nila. Niyakap niya ito ng mahigpit kaya napa-yakap na din si Ricky.

"Na-miss mo ba ako Greta?" Tanong ni Ricky ng tinanggal na nila ang pagkakayakap nila.

"Aba siyempre naman! Isang linggo kang nawala, sino ba namang asawa ang hindi ma-mi-miss ang asawa niyang grabe ang pag-kayod sa trabaho." Sabi pa ni Greta

"Ito nga pala Greta oh. 800 pesos, para sa isa't-kalahating linggo niyo na pang-sustento. Patawarin mo ako kung maliit lang ang maibibigay ko." Sabi ni Ricky habang inaabot niya sa asawa niyang ang walong daang piso ng seryoso habang naka-tingin parin siya kay Greta.

"Naku...ok lang Ricky. Nagpapa-salamat nga ako dahil nagbibigay ka parin ng ganyang kalaking pera. Kung iniisip mo na magagalit ako kagaya nung nakaraang linggo, patawarin mo ako dahil sa nangyari Ricky, problemado lang talaga ako dahil sa bata na kailangan mabilhan ng mga gamit. Pero ngayon, nagpapa-labada na din naman ako, nakaka-ipon na din naman ako." Naka-ngiting sabi ni Greta.

Medyo nabigla si Ricky sa sinabi ng kanyang asawa pero ngumiti nalang din siya at binalewala nalang din niya ito.

"Saan nga pala ang mga bata Greta?" Pag-iiba ni Ricky

"Ahh...nasa loob na sila ng kwarto, natutulog na sila. Kumain ka na ba Ricky? May tirang ulam at kanin, pwede ka kumain." Tanong ni Greta

"Kumain na din ako. Matutulog na rin ako dahil masyado akong pagod." Sabi ni Ricky at pumasok na siya sa iisang kwarto nila sa loob ng bahay.

Sinarado na din ni Greta ang pintuan ng bahay nila at tinakpan ang mga ulan at kanin. Sumunod na din siya na pumasok sa kwarto.

Pag-pasok niya sa kwarto, bumungad sa kanya ang natutulog na mga anak niya at ang naka-pang-tulog na na damit at mahimbing na natutulog niyang asawa.

"Bakit niyayakap ni Ricky ang bag niya?" Tanong ni Greta habang nakatingin sa asawang niyayakap ang bag niya.

Hihiga na sana siya sa tabi ng asawa niya pero ng makita niya ang asawang yakap-yakap ang bag ay parang may pagdududa sa isip niya na dahilan para kuhain niya ito at tignan kung ano ang laman.

Nang mag-tagumpay nga siya sa pag-kuha ng bag ng asawa niya habang hindi nagigising ay binuksan niya kaagad ang bag at tinignan kung ano ang laman.

"Mga gamit na damit lang naman pala." Sabi ni Greta ng makita ang laman ng bag.

Kinapkap niya ang pinaka-ilalim ng bag, may na kuha siyang kakaiba, hinablot niya kaagad ito palabas ng bag.

"Tilda?" Tanong niya habang nakatingin sa isang necklace na may naka-lagay na Tilda "Sinong Tilda?" Tanong niya ulit sa isipan

Naka-kunot ang noo niyang napatingin sa asawa niyang natutulog.

Kinapkap niya ulit ang bag ng asawa niya at may nahablot na naman siya.

"Puta, kanino 'to?!" Pagalit pero mahinang tanong ni Greta ng makita niya ang nahablot niya.

Isa itong panty na kakaiba ang design na alam niyang hindi ito sa kanya.

GRETA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon