5
"Inay, gabi na, uuwi ba is tatay ngayon?" Malungkot na tanong ni Berto habang nakatingin kay Greta at sa labas ng bahay.
Napatigil naman si Greta sa pag-kakatingin niya ng maigi sa hawak niya at napatingin siya sa kanyang anak na si Berto.
"Hanggang ngayon ba umaasa ka parin na uuwi araw-araw sa bahay na ito ang tatay niyo?" Sabi niya habang nakatingin siya kay Berto at kay Dani na naka-upo sa upuan sa sala na gawa sa kahoy habang nakatingn din sa labas.
"Bakit hindi naman inay? 'Diba dati naman, umuuwi araw-araw dito si tatay?" Tanong ni Berto habang umiiyak na. Pati din si Dani ay umiiyak na habang nakatingin kay Greta.
"T*NG!NA. Bakit pa kayo umaasa na babalik ang tatay niyo at uuwi?!" Malakas na boses na naman ang pinakawalan niya kahit na ang kausap niya ay mga bata at anak lang niya. Mas lalong umiyak ang mga anak niya dahil sa bigla-biglang pag-taas ng boses ni Greta.
"Una, may trabaho ang tatay niyo at malalaki na kayo kaya kailangan niyang kumayod para naman may maibigay at may maipakain siya! Pangalawa..." Tumutulo na din ang mga luha niya. "May kabit ang tatay niyo. Kaya asahan niyong may kahati na kayo ng atensyon." 'Yun nalang ang nasabi niya at umupo nalang sa lamesa kung saan sila kumakain at tumahimik nalang habang umiiyak. Naka-tingin parin siya sa hinahawakan niya habang umiiyak.
"Mga anak! Nandito na ako!" Napaitingin kaagad si Greta sa ingay na nag-mumula sa labas ng kanilang bahay.
Ang asawa niyang si Ricky. Pinunasan niya kaagad ang luha niya at kumunot kaagad ang kanyang noo habang nakatingin sa papasok sa bahay na si Ricky.
Galit ang nararamdaman niya ng makita niya ang asawa. At sa tingin niya ay hindi na ito mag-babago at galit na ang mamumuo sa tuwing makikita niya ang asawa.
Napahigpit siya ng kapit sa hinahawakan niya habang nakatingin kay Ricky ng makapasok na ito ng bahay.
"Oh! Bakit kayo umiiyak?!" Biglang tanong ni Ricky sa dalawang anak niya na nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy na nasa sala. Nakatingin din ang mga anak ni Greta sa kanilang tatay.
Napatingin kaagad si Ricky sa asawa niyang si Greta na nakatingin din sa kanya habang naka-upo ito sa upuan kung saan sila kumakain mag-pamilya.
"Greta, ano na naman ba ang ginawa mo sa anak natin ha?!" Galit na tanong ni Ricky habang palapit siya sa asawa niya.
BINABASA MO ANG
GRETA [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Greta ay isang asawa na gagawin ang lahat para lang maging mapayapa at buo ang kanilang pamilya. Ngunit paano kung malaman niyang pinagtataksilan siya ng kaniyang asawa? Maging payapa at buo parin kaya sila?