6
Kinabukasan, umagang-umaga, bumungad kaagad kila Berto at Dani ang kanilang ina na naka-upo sa upuan na nasa sala habang nakatingnin sa labas ng bahay.
May hawak-hawak itong isang bote na may laman na kulay brown na likido.
Gulong-gulo ang mga buhok nito na parang nakipag-sabunutan.
"Inay." Sabi ni Berto
Napa-lingon naman kaagad sa gawi nila ang kanilang inang si Greta.
Namumugto ang mga mata nito. Malaki ang eyebags at halatang-halata na wala itong tulog.
"Inay, natulog po ba kayo kagabi? Para kasing mag-damag kaayong umiinom niyang alak." Sabi ni Dani habang papalapit sa kanilang ina.
"Pabayaan niyo na ako anak." Sabi ni Greta at tinungga na naman ang boteng hawak niya.
Wala nang nagawa si Dani at Berto kaya lumayo na sila sa kanilang ina dahil baka uminit na naman ang ulo nito at magalit na naman.
Pumunta sila sa lamesa para kumain ng almusal ngunit bigo sila dahil wala silang nakitang ni isang kubyertos na nakalagay doon. Ang nakita lang nila ay apat na bote na walang laman.
~~~
"Inay, kanina pa po tayo hindi kumakain. Gutom na gutom na po kami." Sabi ni Berto habang naka-hawak siya sa tiyan niya. Ganun din ang nasa isip ni Dani, gutom na din siya at napa-hawak din siya sa tiyan niya habang naka-upo sila ni Berto sa upuan na hapag-kainan.
Pasado alas syete na ng gabi at kaninang umaga pa sila hindi kumakain. Pinag-mamasadan lang nila ang kanilang ina simula kaninang umaga na walang ginawa kundi uminom ng uminom ng alak. Kaya ng hindi na nila matiis ay si Berto na ang nag-lakas loob na mag-salita.
"Kayo lang ba ang nagugutom? Pati din naman ako e." Sabi ni Greta habang nakatingin sa kanila.
"E bakit hindi pa po tayo kumakain, gutom din naman po pala kayo e." Sagot ni Berto
"Berto, yung pananalita mo." Pabulong na sabi ni Dani dahil na-bigla siya sa sinasagot ng kapit niya sa kanilang ina.
"Sorry kuya. Pero tama naman eh, pare-pareho naman pala tauyong gutom, bakit hindi pa tayo kumakain?" Pabulong din na sagot ni Berto kay Dani
Napa-kamot nalang ng ulo si Dani dahil may punto din naman ang kapatid niya.
"Wala pa ang itay niyo. Hanggang hindi umuuwi ang tatay niyo, walang kakain." Sagot ni Greta habang nakatingin parin sa labas ng bahay nila.
Uminit naman kaagad ang ulo ni Dani dahil sa sinagot ng nanay niya.
"Ano?! Nasisiraan na ba ng ulo si nanay?" Tanong ni Dani sa sarili habang nakatingin siya sa kanyang ina habang nakakunot din ang noo.
"Inay, hindi naman siguro uuwi si tatay ngayon e. Nakalimutan mo na bang nag-away kayo kagabi? Sa tingin mo po ba inay na uuwi si tatay ngayon pagka-tapos ng nangyari kagabi? At kung hindi siya uuwi ngayong gabi, hindi din tayo kakain ngayon? Aba inay, mamamatay tayo sa gutom niyan!" Sab ini Dani na pilit kina-kalma ang gusto niyang sabihin sa nanay niya.
Sa kanilang dalawa kasi ni Berto, siya ang mas matanda ng dalawang taon. Kaya siya ang panganay na anak nila Ricky at Greta.
Napa-tingin naman ulit si Greta sa dalawa niyang anak.
"Sa tingin niyo mga anak ko...
Maganda sigurong mamatay nalang tayo noh? 'Yun siguro ang magandang solusyon sa walang kwenta niyong ama na ikakamatay natin dahil sa paghihintay sa kanya." Sabi ni Greta habang naka-ngiti. Nakaka-lokong ngiti habang nakatingin sa kanila
Hindi makapaniwala si Dani at Berto sa narinig nila mula sa kanilang ina. Napa-tingin nalang sila sa isa't-isa.
"Inay, ikaw pa ba 'yan? Hindi kasi ikaw ang nanay Greta na nakilala namin noon. At tska, anong pinag-sasabi mong maganda siguro na mamatay nalang tayo?" Sabi ni Dani
"Maganda naman talagang mamatay nalang tayo. Wala din namang pake sa atin ang tatay niyo e." At sumeryoso na naman ito mula sa nakakalokong ngiti.
"Hindi. Hindi. Nag-sasalita lang ng nganon si inay dahil sa daming nainom niyang alak. Sana 'yon nga ang dahilan." Sabi ni Dani sa isipan habang nakatingin siya ng maigi sa nanay niyang si Greta.
BINABASA MO ANG
GRETA [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Greta ay isang asawa na gagawin ang lahat para lang maging mapayapa at buo ang kanilang pamilya. Ngunit paano kung malaman niyang pinagtataksilan siya ng kaniyang asawa? Maging payapa at buo parin kaya sila?