7

7.5K 188 3
                                    

7


Umagang-umaga, nakatingin na kaagad si Using sa labas ng kanilang bahay habang palakad-lakad ito at hindi mapakali.


"Pwede ba Using, umupo ka muna. Kanina ka pa palakad lakad jan. Ako ang nahihilo sa pag-tingin at sa mga pinag-gagawa mo e." Saway ni Frederito habang naka-upo ito sa upuan sa kanilang sala.


"Bakit naman ako kakalma Frederito? Ikaw. 'Diba alam mo naman talaga noon pa kung ano ang kinakatakot ko? Lalo na ngayon, kumakalat na ang chismis." Sabi pa ni Using habang hindi ito tumitigil sa pa-lakad-lakad sa loob ng bahay.


"Chismis lang 'yon Using. Huwag ka naman kaagad maniwala sa mga chismosa dito sa Agon."


"'Yun na nga Frederito. Paano kung totoo nga ang chismis na 'yon? Alalahanin mo Frederito,noong nakaraang linggo tayo pumunta doon. Paano kung si Greta na nga ang naka-alam na totoo naman talaga ang chismis? Sa tingin mo ba, hindi mangyayari ang kinakatakutan ko?"


Hindi naman umimik si Frederito.


"Frederito, pumunta nalang kaya tayo sa bahay nila Greta? Samahan mo ako." Pag-yayaya ni Using. Hinakawan na niya ang kamay ni Frederito at magpapasama na sana siya ng pinigilan siya ng asawa niya.


"Teka. Teka nga lang Using. Bakit ba pa-dalos-dalos ka? At ano naman ang gagawin mo 'don? Makiki-chismis at tatanungin na naman si Greta tungkol sa chismis?" Sabi ni Frederito.


"Ano ka ba naman Frederito. Syempre, pupunta lang tayo para malaman natin kung ano na ang nangyayari sa kanilang pamilya. Baka ano na ang nangyari kay Berto at Dani. Alam mo naman 'diba?" Sabi pa ni Greta.


"Kung sabagay. Nag-aalala din ako sa mga bata." Pag-sasang-ayon ni Frederito sa sinabi ni Using.


"Kaya nga samahan mo na ako! Tara na!" Sabi ni Using at hinila nga niya ang kamay ni Frederito para tumayo na ito at makapunta na sila kila Greta.


At ng tumayo nga si Frederito, lumabas kaagad sila ng bahay at sinarado ang pinto at umalis.


~~~


"Jusko! Anong nangyari sa inyo at bakit ganyan ang mukha niyo?!" Gulat na tanong ni Using nang pumasok sila ni Frederito sa bahay ng anak nilang si Greta, ang namumugtong mga mata kaagad ni Berto at Dani ang sumalubong sa kanila. "Pinapabayaan na ba kayo ng nanay Greta at papa Ricky niyo?" Tanong ni Using habang hinahawakan niya ang pisngi ni Berto at Dani.


Nangangayat na din ito. Ibang-iba ang katawan nito ng mga nakaraang araw kaysa ngayon na pagbisita nila.


"Sagutin niyo ang tanong ko mga apo. Saan ang mama at papa niyo?" Tanong ulit ni Using


Walang sinagot ang mga apo niya. Tanging iyak lang ang sinagot nila.


"Saan ba ang nanay niyo?" Naiiyak na din na tanong ni Using

GRETA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon