4

6.9K 215 0
                                    

4

"Good morning mahal ko!" Bati ni Ricky ng umupo siya sa kahoy nilang higaan ng makita niya si Greta na nakatingin sa kanya ng seryoso. "Oh, bakit naman nakasimangot ka Greta? Ka-aga-aga eh nakasimangot ka na agad. Ngumiti ka naman jan!" Naka-ngiting sabi ni Ricky sa kanyang asawa na nakatingin parin sa kanya.

Mula sa seryosong mukha na binungad ni Greta kay Ricky ay mas lumala pa ito at kumunot ang noo niya habang nakatingin parin sa asawa niya.

"Kailan ka aalis at babalik sa trabaho mo?" Tanong ni Greta

"Grabe ka naman mahal, 'yan kaagad ang ibubungad mong tanong sa akin ngayong umaga?" Tanong ni Ricky na mula sa naka-ngiti ay sumeryoso na rin ang mukha. Tumayo na siya at lumabas ng kwarto kaysa magising pa nila ang anak nilang si Dani at Berto na natutulog.

"SAGUTIN MO ANG TANONG KO!!" Malakas at pagalit na sigaw ni Greta habang sinusundan niya ang asawa na lumabas ng kwarto nila.

Napatingin naman kaagad si Ricky sa may bintana ng bahay nila na kung saan makikita ang labas ng bahay. Halos lahat ng mga tao na dumadaan ay napapatingin sa kanilang direksyon.

"GRETA NAMAN!! ANO NA NAMAN ANG IKINAGAGALIT MO?!" Padabog na tanong ni Ricky

"P*TA NAMAN KASI! MAG-AALAS DIYES NA OH! BAGO KA PALANG NAGISING!! ANONG INIISIP MO, NA NAG-TA-TRABAHO KA SA OPISINA?! ABA! KUMAYOD KA NA DAHIL MAY DALAWANG ANAK KA AT PAMILYA KANG PINAPAKAIN!" Malakas na sagot na naman ni Greta.

Halos lahat na ng mga dumadaan sa harap ng bahay nila ay napapa-tingin sa kanila. Pati ang mga chismosa ay nag-uusap pa habang nakatingin sa kanila.

"T*NGNA!! HINDI MO BA NAIINTINDIHAN NA ILANG ARAW AKONG WALA DITO PARA LANG MAG-TRABAHO AT IKAW PA ANG MAGAGALIT NA ANG TAGAL KONG GUMISING?!! P*TA GRETA! PAGOD NA PAGOD PA NGA AKO AT PINIPILIT KONG NGUMITI KAHIT NA ANG SAKIT-SAKIT NG KATAWAN KO TAPOS 'YAN ANG IBUBUNGAD MO?!!!"

"Inay...Itay...huwag nap o kayong mag-away."

Napa-tingin si Greta at Ricky sa kwarto at nakita nila ang kanilang dalawang anak na umiiyak habang naka-tingin sa kanilang dalawa.

Tiningnan ni Ricky si Greta at nakita niya itong umiiyak.

"Huwag na kayong umiyak anak." Sabi ni Greta habang lumalapit siya sa kanyang dalawang anak. "Tahan na. Patawarin niyo kami ng itay niyo kung puro nalang kami away." Sabi ni Greta habang niyayakap ang dalawang anak niya at pilit na pinapatahan.

Pumasok si Ricky sa kwarto at may kinuha tska lumabas din.

"Aalis na ako...mag-ingat kayo. Mahal ko kayo." Sabi ni Ricky habang hawak-hawak niya ang kanyang bag.

Napa-titig ng maigi si Greta sa bag na hawak-hawak ng kanyang asawa.

"Siguraduhin mong pag-ta-trabaho talaga ang pinupuntahan mo Ricky. Hindi mo magugustuhan ang ugali ko kung malaman ko ang katotohanan." Sabi ni Greta sa kanyang isip habang nakatingin parin siya sa bag ng asawa niya habang nakayakap parin siya sa kanyang dalawang anak.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Ricky ng bahay at umalis.

~~~

"HONEY! MABUTI AT BUMALIK KA KAAGAD!" Mula sa bintana kung saan nakatingin at nakikinig si Greta ay kitang kita niya pag-halik sa labi ng asawa niyang si Ricky sa babaeng nag-ngangalang Tilda.

Kilala niya ito dahil naninirahan lang naman sila sa isang baryo.

Naningkit ang mga mata niya sa nakita.

"Oo naman, matitiis ko ba ang honey ko?" Masayang sabi ni Ricky.

"Tama nga ako, mabuti at sinundan kita." Sabi ni Greta habang nakatingin ng maigi at nakakunot ang noo sa asawa niyang makati na kasama ang malanding babae.

"O, ito oh, 5 thousand." Sabi ni Ricky sabay abot kay Tilda ng 5 thousand pesos.

Mas lalong kumunot ang noo ni Greta at uminit ang kanyang ulo ng makita niyang inabutan ng asawa niya si Tilda ng limang libong piso.

"SALAMAT RICKY!!! MAY PANG-SHOPPING AT PAMBILI NA AKO NG MGA MAKE-UP SA BAYAN!! I LOVE YOU RICKY!" Sabi ni Tilda at hinalikan na naman ulit sa labi si Ricky

"P*tang Ricky, mas malaki pa ang binigay sa malanding kabit, kaysa sa pamilya niyang mas kailangan ang pera para sa pang-araw-araw." Sabi ni Greta sa isip

"I love you too, Tilda."

"Tara na, pumasok na tayo sa kwarto...pagod ka sa trabaho 'diba?" Nakangiti at mapang-akit na pag-yaya ni Tilda kay Ricky

At sumunod naman si Ricky na pumasok na rin sa kwarto ng bahay ni Tilda.

"Humanda ka Ricky. Sinira mo na, ikaw ang umayos. Kung maaayos mo pa." Sabi ni Greta ng naka-ngiti at nag-lakad na papalayo sa bahay ng kabit ng asawa niya.

GRETA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon