10/Huling Kabanata
Punto ni Greta
"WALANG HIYA KA GRETA!" Pagpasok ko palang sa loob ng bahay, nang makita ako ni Ricky, sinuntok niya kagaad ako sa pisngi ng malakas. Dahilan para magdugo ang bibig ko. "Paano mo nagawa ang patayin ang anak natin?!"
"ANAK MO NGA BA SILA?! HINDI MO INAALALA NA MAY ANAK KA PALANG NAGHIHINTAY SA'YO! PURO PANG BABABAE MO ANG INAATUPAG MO!"
"GAGO KA PALA EH! PATI ANAK NATIN DINAMAY MO PA!"
"PAMILYA MO ANG DINAMAY MO KAYA NAGKAGULO-GULO DAHIL SA PANG BABABAE MO! MAY PAMILYA KA NA, NAGHANAP KA PA NG KABET!"
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Masyado ang magulo. Ayaw ko na. Suko na ako.
Umiiyak nalang habang nakaluhod na pinagmamasdan ni Ricky ang kanyang anak na si Berto at Dani na walang buhay.
Hindi ko naman talaga magagawang patayin sila dahil unang-una, anak ko sila. Anak namin sila ni Ricky. Pero dahil na rin sa galit at poot na ginawa ni Ricky, pati sila, nadamay ko rin.
"Ngayon Ricky, pumili ka. Ako, o ang kabet mong si Tilda." Seryoso ko nang tanong sa kanya. Gusto ko nang malaman para matapos na ang paghihirap. Para malaman ko kung maaayos pa ba o hindi ang pamilya namin.
Napatingin naman si Ricky sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.
"TANGA KA BA TALAGA GRETA?!" Sabi niya habang tumatayo na mula sa pagkakaluhod niya. "BAKIT IKAW PA ANG PIPILIIN KO KUNG IKAW MISMO ANG PUMATAY SA MGA ANAK KO?! MAKAKAYA KO PA BANG TUMIRA SA ISANG BAHAY NA KASAMA KO ANG TAONG MAMAMATAY TAO?!"
"Si Tilda, sa kanya ako sasama. Siya ang pipiliin ko."
"Halika." Sabi niya habang dinadala niya ako sa gitna ng dalawang anak kong wala ng buhay. Sinunod ko siya dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Aray!"
"Kulang pa 'yan!" Sabi niya at kumuha siya ng upuan. Pumasok siya sa kwarto at may dala-dalang tali paglabas. "Umupo ka." Sabi niya pero hindi ko pinakinggan.
"UMUPO KA SABI!!" *PAAAKKK!* At isang sampal sa pisngi ang tanggap ko galing sa kanya dahilan para mapa-upo ako sa silya. Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa likod ko at tinali sa may upuan.
Pagkatapos niya maitali ay lumabas na siya ng bahay at sinarado ang pinto.
"Sir, may krimen pong nangyari dito sa Baryo Agon. Sa bahay po ni Greta Venedict."
"I'm a.k.a Ricky sir. The witness of the incident."
'Yun lamang ang narinig ko. Napayuko na lamang ako at napapikit ng mata.
BINABASA MO ANG
GRETA [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Greta ay isang asawa na gagawin ang lahat para lang maging mapayapa at buo ang kanilang pamilya. Ngunit paano kung malaman niyang pinagtataksilan siya ng kaniyang asawa? Maging payapa at buo parin kaya sila?