9
"Namatay ang anak ko dahil sa inyo. Humanda ka Tilda at Ricky." Nanlilisik ang mga mata ni Greta habang naglalakad siya sa labas nang may dalang kutsilyo. Wala siyang suot na tsinelas, ang buhok niya ang magulo na naman. Ngunit ang mukha at damit niya ay hindi parin nadudumihan.
Walang tao sa daan. Alas-singko palang ng umaga kaya walang nakakakita sa kanyang ibang tao.
Nang makarating siya sa bahay ni Tilda, napatigil siya sa harap ng pintuan ng bahay. Inilagay niya ang kutsilyo sa likod niya at isinuksok niya ito sa parang sinturon sa beywang ng bestida niya.
*tok tok tok* Malakas na katok niya sa pintuan.
Ngunit walang nagbukas ng pinto kaya mas nilakasan niya ang pagkatok. Ilang saglit lang, may nagbukas ng pinto at bumungad sa kanya ang asawa niyang si Ricky na walang suot na damit. Tanging tuwalya lang ang suot niya sa ibabang bahagi ng katawan.
"Magandang umaga, Ricky." Naka-ngiting bati ni Greta kay Ricky
.
Napakunot naman ng noo si Ricky.
"Anong ginawa mo dito?!"
"Hindi ba pwedeng binibisita lang kita?" Nang-aakit habang naka-ngiting sabi ni Greta. "Pero...parang ang saya-saya mo sa piling ng kabet mo ah? Tila nakalimutan mo nang may pamilya ka pala." Hinawakan ni Greta ang pisngi ni Ricky pero umiwas din kaagad si Ricky.
"Huwag ka mag-alala, wala ka nang pamilya, Ricky." Dahan-dahang sabi ni Greta habang nakangiti.
"PUTA KA GRETA! ANONG GINAWA MO SA MGA ANAK KO?!"
"Ewan ko. Ikaw nalang kaya ang pumunta sa bahay para malaman mo kung anong nangyari. 'Diba wala ka namang pake sa mga anak mo? Eh 'di wala na din silang pake sa'yo. Hindi mo iniisip ang anak mo eh, kaya para wala ka nang po-problemahin, ginawa ko na ang pwede kong gawin para magsama na kayo ni Tilda. Para wala nang sagabal at pagmamahalan niyo." Nakangiting sabi ni Greta.
"KUNG MAY NANGYARING MASAMA SA MGA ANAK KO, MAPAPATAY TALAGA KITA GRETA!"
Ilang saglit lang, tinanggal kaagad ni Ricky ang tuwalya sa baba niya dahil may suot naman pala siyang short at nagmamadali at tumatakbong pumunta si Ricky sa bahay ni Greta.
"Kahit kailan ka talaga Ricky, ang tanga-tanga mo." Mahinang sabi ni Greta habang nakangiting pinagmamasdan niya si Ricky na tumatakbo papunta sa bahay niya. "Ngayon, dahil sa katangahan mo, pati si Tilda, pinasali mo."
Pinipilit na hindi tumawa si Greta habang papasok siya sa bahay ni Tilda. Sinarado niya ang pintuan ng bahay at hinanap niya ang kwarto kung saan nandoon si Tilda.
"Tilda...magandang umaga." Nakangiting bati ni Greta habang sinasarado niya ang pintuan ng kwarto kung saan natutulog si Tilda.
BINABASA MO ANG
GRETA [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Greta ay isang asawa na gagawin ang lahat para lang maging mapayapa at buo ang kanilang pamilya. Ngunit paano kung malaman niyang pinagtataksilan siya ng kaniyang asawa? Maging payapa at buo parin kaya sila?