1

10.1K 245 2
                                    

1

"Mga anak, nandito na ako!" Sigaw ni Ricky kahit na papasok palang siya ng kanilang bahay na gawa sa kahoy. Tama lang ang bahay para sa kanya, asawa at sa kanyang dalawang lalakeng anak.

Ganon din naman ang mga bahay ng mga kapitbahay nila, simpleng bahay lang para may matuluyan at matirhan. Hindi din naman kasi sila nakatira sa siyudad. Nakatira sila sa isang liblib na lugar na kung tawagin ay Baryo Agon. Ang mga hanap-buhay naman nila sa baryo na ito ay may mga kinalaman sa pagtatanim at pagsasaka.

"Itay!" Lumapit kaagad si Berto at Dani sa kanilang ama pagkapasok palang sa pintuan ng bahay nila.

"May pasalubong ako." Nakangiting sabi ng papa nilang si Ricky. Inangat nito at isang plastic bag na hawak niya. "Bumili ako ng baboy para adobohin natin. Alam ko nagsasawa na kayo sa pabalikbalik nating ulam." Sabi ni Ricky sa kanyang mga anak.

"Wow! Ang sarap ng pagkain natin ngayon! Salamat po itay!" Sabi ni Berto. Niyakap niya kaagad ang ama dahil sa saya. Pati din si Dani ay napa-yakap na rin sa kanilang ama.

"Kamusta naman kayo? Ilang araw din akong wala. Saan nga pala ang nanay niyo?" Tanong ni Ricky. Mahigit tatlong araw na nung umalis siya ng bahay nila. Dulot na rin ng may mga anak siya, kailangan niyang mag-doble at mas magsipag sa pagtrabaho para sa kinabuksan ng mga anak niya na nag-aaral sa elementarya.

"Nasa kwarto po. Nagpapahinga muna kasi pagod sa paglalaba. Ang dami kasing nagpalabada sa kanya itay eh, pera na din ang katumbas kaya tatanggapin na kaagad ni inay." Sabi ni Dani.

"Ah ganon ba." 'Yun na lamang ang nasabi niya habang nakatingin sa kwarto na walang pintuan, kurtina lamang ang nakakapaghiwalay sa sala at kwarto at para hindi makita ang kabuuan ng kwarto.

"Sige po itay, maglalaro po muna kami sa kapitbahay." Sabi ni Berto. Kahit wala pang sagot ang ama nilang si Ricky at patakbo na itong lumabas ng bahay.

"Mag-ingat kayo! Huwag magpapa-gabi! Umuwi kaagad!" Sigaw ni Ricky habang nakatingin sa dalawang anak niyang papunta sa mga batang naglalaro. At ng makita niyang masaya at nakangiting naglalaro ang mga anak niyang lalake at napangiti na lamang siya.

Nang matauhan siya, pumasok siya sa kwarto at nakita kaagad ang naka-duster na asawang si Greta. Mahimbing ang tulog nito at kitang-kita na pagod na pagod ito.

Lumapit siya sa asawa at hinalikan niya ang noo nito. Unti-unti namang napadilat si Greta ng makita niya ang asawa.

Bumangon kaagad siya at ngumiti.

"Ricky! Kailan ka lang dumating? Saan ang mga bata?" Tanong kaagad ni Greta.

"Ngayon lang ako dumating. Nasa labas ang mga bata, nakikipag-laro sa mga batang kapitbahay natin." Sagot naman ni Ricky. "Magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka mahal kong Greta. Sabi ng mga anak natin tinanggap mo daw ang mga nagpapalabada sa iyo kaya ka napagod." Sabi ni RIcky habang hinahaplos ang buhok ng kanyang asawa

"Oo eh. Kailangan din akong kumayod kasi malapit na ang pasukan nila Berto at Dani, ano ang ipapangbili natin ng mga kagamitan nila kung wala tayong pera."

"Sige na, naiintindihan ko. Tska nga pala, bumili nga pala ako baboy sa pamilihan para adodobohin natin." Sabi niya at pinakita ang hawak-hawak niyang plastic.

"Naku, pwede naman tayong mag-gulay nalang, sayang ang pera, kailangan natin mag-tipid at mag-ipon."

"Hayaan mo nalang Greta, minsan lang naman 'to. Minsan lang din kakakain ang ating mga anak ng adobong baboy." Pagsasabi ni Ricky "Ako na ang mag-luluto. Magpahinga ka lang muna jan. Tatawagin nalang kita at ang mga bata kung kakain na."

"Sige." At bumalik si Greta sa pag-higa sa kama na gawa sa kahoy at may nakalagay ng banig.

Si Ricky naman ay dumeretso sa kusina at nag-handa para sa pagluto niya ng adobo para sa pang-hapunan nila.

~~~

"Kain na tayo, mahal kong Greta." Sabi ni Ricky habang hinahalikan nanaman ang noo ni Greta. Ngunit ng hindi parin nagigising ang asawa niya na dulot ng mahimbing na tulog, hinalikan niya ang ilong nito, hanggang sa labi.

Hindi naman nasayang ang ginawa niya dahil nagising nga ang asawa.

"Tapos mo na bang lutuin ang ulam?" Tanong ni Greta.

"Opo, misis kong maganda." Naka-ngiting sabi ni Ricky habang hinawakan ang kanang kamay ni Greta at hinalikan.

"Sus bolero kahit kailan!" Sagot ni Greta ng nakangiti.

"Totoo naman ah." Sabi ni Ricky sa kanyang asawa. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa, hindi niya naman talaga maitatanggi na maganda ang asawa niya. Sa mukha palang, at ang kutis nito, mabibighani ka sa kagandahan, parang naka-gluta sa puti pero ang totoo, natural na balat ito ng kanyang asawa, hindi ito gumagamit ng kahit anong produktong pampaputi. At ang katawan nito, may kurba parin kahit na may dalawa na silang anak.

At ng hawakan ni Ricky ang kamay nito, kahit kagagaling lang nito sa pag-lalaba ng maraming labada, maganda at makinis parin ito.

"Hay ewan ko sa iyo Ricky, sige na, kumain na tayo, tawagin mo na rin ang mga anak natin." Sabi ni Greta at tumayo na at dumeretso sa kusina para ihanda ang mga pagkain, kanin pati narin plato at kutsara't tinidor.

Sumunod naman kaagad si Ricky na lumabas ng kwarto. Tatawagin niya na sana ang mga anak niya sa labas ng makita niyang malapit na ito pumasok ng bahay.

"Wow! Amoy na amoy ang adobong baboy nating ulam!" Sabi ni Dani ng makapasok sila ng bahay ni Berto. Napatingin sila sa hina-hawakan ng inay nilang kanin na ilalagay sa mesa. Iyon nalang kasi ang kulang sa hapag-kainan.

"O, pumasok muna kayo sa kwarto at magpalit ng damit. Basang-basa kayo ng pawis oh!" Sabi ng kanilang ama.

Sumunod naman sila Berto at Dani na pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit.

"Kumain na tayo." Sabi ng kanilang ama ng maka-upo na sila Berto at Dani sa upuan na gawa sa kahoy pati sa lamesa na gawa din sa kahoy. Nag-dasal muna sila bago kumain.

"Greta, ito nga pala oh. Pang-gastos niyo sa pang-araw-araw. Tipid muna tayo kasi wala pa akong pera." Sabi ni Ricky nang tapos na silang kumain at pinaglalagay na ni Greta ang mga pinggang pinag-kainan sa kusina para mahugasan. Pumasok din ang kanilang mga anak sa kwarto.

Nang mailapag na ni Greta ang mga pinggan sa lababo, tinignan niya kaagad ang hawak ni Ricky na pera. Kinuha niya ito.

"Hanggang kailan?" Tanong ni Greta

"Hanggang isang linggo." Sagot naman ni Ricky na napa-yuko.

"Isang linggo?! Limang daang piso?! Malapit na din ang pasukan nila Berto at Dani at kailangan ng mga gamit. Paano 'to magkakasaya?!" Medyo malakas na sabi ni Greta na dahilan para mapatingin si Ricky sa kanya. Pati din ang kanilang mga anak ay napatingin na din sa kanilang dalawa habang nasa kwarto parin.

"Paano 'to magkakasya?! Sagutin mo ako Ricky!" Malakas na sabi ni Greta habang pinapakita at nilalapit kay Ricky ang limang daang piso.

"ALAM MO NAMAN ANG SITWASYON DIBA? DAPAT INTINDIHIN MO!" Malakas na sagot ni Ricky.

Ilang segundo lang, pumunta kaagad sa labas si Ricky dahil baka masobrahan ang away nila at magkasagutan na naman.

GRETA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon