Wakas

6.5K 144 11
                                    

Wakas

Punto ni Greta

"Bilisan mo! Baka may makakita sa'yo!" Takbo kami ng takbo kahit nasa gitna kami ng gubat. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa pumayag ako sa gusto niya.

Flashback...

Nasusunog na ang dingding sa kwarto ko at sa sahig, ngunit ang bintana nalang ang hindi pa nilalamon ng apoy.

Lalaslasan ko na sana ang pulso ko pero...

"GRETA! Tumakas ka na! sumama ka sa akin!" Isang tao na may dalang isang taong manika ang hinihila ako mula sa bintana.

"B-bakit ka nandito?!"

"Huwag ka nang mag-tanong pa! wala ng oras!"

"Hayaan mo na ako! Kasalanan ko ang lahat ng nangyari kaya ako na ang tatapos ng lahat ng ito! Bakit ka ba bumalik?!"

"Hindi! Huwag mong akuin ang lahat! Hindi mo kasalanan ang lahat! Hindi ka makakaganti kung hahayaan mo ang sarili mo ngayon mamatay! Huwag ka nang magtanong pa dahil wala nang oras!"

Napatingin ako sa paligid na nasusunog at ang sa taong kaharap ko.

"Tutulungan mo ba ako?"

"Bakit hindi? Tara na!"

Mabilis akong lumabas mula kwarto papuntang labas ng bahay gamit ang bintana. Tinulungan niya akong makalabas. At ng makalabas na ako ay hinagis niya ang mala-tao sa laking babaeng manika sa loob ng kwarto.

...Flasback Ends

Kaya ngayon, nakatakas ako sa papalapit na impyerno sa akin. Dahil sa taong kasama ko.

Handa niya akong tulungan. Handa siyang makipag-sabwatan.

"Greta Venedict, ano bang plano mo?" Tanong niya habang patuloy kami sa pag-takbo.

"Gumanti sa mga hindi pa nagagantihan."

WAKAS

GRETA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon