Chapter 1
NAGISING si Anya na medyo masakit ang ulo.Nilapitan naman siya ng doktor at tiningnan ang kanyang mga mata.Sinundan ng mga mata ni Anya ang liwanag ng na iyon.
Sa ngayon,hindi alam ni Anya kung nasaan siya.Pero nu'ng mahagip niya ang doktor at nars na nasa likod na ito ay alam niya nang nasa hospital siya.
Uupo siya tinulungan naman siya ng nurse para umupo ito.
"Ano'ng nangyari sa'kin?"tanong ni Anya habang sapo ang kanyang ulo dahil sa sakit.
"Do you recall what happened to you earlier,Miss Anya?"tanong ng doktor,iling lang ang tugon ni Anya dito"Someone kidnapped you and they did something to you,like--like that"sa i ng doktor sabay turo sa braso ni Anya.
Naramdaman ni Anya ang sakit ng braso niya nung ginalaw niya ito.Dito rin ay naaalala niya ang mga huling pangyayari kanina.
"Can you call my son,please?"sabi ni Anya sa Doktor
"We already called your son,Miss Anya.In fact, he's on his way already"tugon ng doktor
"Thank you"
"Maiwan po muna namin kayo,Miss Anya.We need to do some rounds"paalam ng doktor,tumango naman si Anya.
Lumabas na ang doktor.Dahan-dahan namang umusod si Anya para sumandal sa unan niya pero natigil siya ng may bigla na lang nagbukas ng pintuan.
"Olive?"
Siya si Olive,ang pinaka close ni Anya sa lahat ng empleyado sa kanyang kompanya.Mapagkakatiwalaan kasi ito tapos madaldal pa kaya gustong-gusto ni Anya na makipag-usap dito.
"Ma'am,okay lang po ba kayo?"tanong ni Olive kay Anya,nanatili itong nakatayo sa pintuan.
"Okay ka lang ba?"pagbabalik ng tanong ni Anya kay Olive,nagtataka kasi siya kung bakit ito hingal-na-hingal.
"Ah-eh-o-opo!okay lang!"napakamot si Olive sa kanyang batok.
"Kasama mo ba si Gab?"
Well,close rin kasi si Olive sa anak ni Anya e,minsan nga pinagkakaisahan nila si Anya sa pangiinis at pang-aasar.
"Ah eh,wala po-hindi ko po siya kasama"ngumiti si Olive and Anya found it 'awkward'
"Ahm,okay.Gusto mong pumasok?"alok ni Anya,umiling naman si Olive.
"May kailangan po ba kayo?"tanong ni Olive,umiling si Anya saka ngumiti.
"Gab,anak?"naiyak si Anya ng makita ang kanyang anak sa likod ni Olive,akala niya kasi hindi na niya ito makikita ulit."Are you still mad at me?"tanong ni Anya sa anak.
Gab was eight meters apart from his Mom.
"Ako dapat nagtatanong niyan sa'yo Ma,galit ka pa ba sa'kin?napatawad mo na ba ako,kasi kung hindi,uuwi na lang ako para 'di na ako makadagdag sa sakit na nararamdaman mo"tugon ni Gab kay Anya,umiwas naman ng tingin si Anya sa kanyang anak.
"Oo na nga e, kailangan kitang patawarin,dahil hindi natin alam,baka isang araw o bukas, magising kang wala na ako sa mundong 'to"umiiyak nitong sabi saka pinunasan ang mga luha niyang kanina pa nagbabagsakan.
"Ma,ano ba pinagsasabi mo?"tanong ni Gab at nilapitan niya ang kanyang ina saka umupo sa tabi.
"Hindi pa ba halata?may gustong pumatay sa'kin,hindi ko alam kung ano ba atraso ko sa kanila o kung may nagawa ba akong masama,basta ang alam ko wala akong inaapakang tao,wala akong ina-aping tao!"taas-baba ang boses ni Anya habang sinasabi ito.
BINABASA MO ANG
'Til I Met You (Completed)
RomanceAs of July 2, 2023 #reginealcasid is no. 2 Highest Rank #allaboutlove no. 1(July 2) "All I know,i lived long because you came.You always here by my side and protecting me" A second collaboration; #TillIMetYou Started : September 20, 2022 Finished:Ju...