Chapter Two

103 17 1
                                    

Chapter 2

INUTUSAN ni Anya si Sarah na sabihan si Alfredo na sa labas na siya hintayin nito dahil mag-re-retouch lang ito sa banyo.Kanina pa kasi ito baka bantay sa kanya.

Tinawagan kasi siya ni Jerome kasi magkakaroon ng party.Double celebration ito, birthday party ng anak niyang si Mica at birthday rin ni Jerome.

Hindi naman ito mahindian ni Anya kasi baka kung ano pa ang isipin ni Jerome.Baka isipin niya na hindi pa rin nakaka-move-on si Anya.

Naiinip na si Alfredo sa paghihintay sa amo niya.

Hay mga babae nga naman,dalaga kung kumilos;Alfredo thought

"Mabait po ba talaga si Ma'am Regine?"bigla nitong tanong sa guard.

"Naku!Sobrang bait,napaka generous niyang tao"

"Hmm,halata naman talaga"napabuntonghininga si Alfredo"nakita mo na ba asawa niya?"tanong nito ulit.

"Ex-husband ba kamo?"

"Oo nga pala"sabay kamot nito sa kanyang ulo at ngumiti

"Oo naman,hatid sundo kasi niya si Ma'am nu'ng mag-asawa pa sila kaya kilala ko si Sir Jerome."

"Bakit daw sila naghiwalay?"curious na tanong ni Alfredo sa guwardiya

"Naku,labas ako sa mga usapan na 'yan.Privacy na kasi 'yan ni Ma'am Regine kaya 'di kami nakikialam sa buhay mag-asawa nila dati pero isa lang ang alam ko,sweet sila at bagay na bagay"mahabang litanya ng guard

"Gaano ka sweet--ang ibig kong sabihin paano sila nagiging sweet,sa ano'ng paraan?"

"Goodluck kiss, mahigpit na yakap bago sila maghiwalay ng trabaho at 'yung mga tinginan din nila sa kanilang mga mata,parang nag-uusap sila sa mata minsan dito kung may party"sabi ng Guard while reminiscing those time na mag-asawa pa ang dalawa.

"Sweet nga"

walang pag-asa,sayang!; Alfredo thought

"Type mo 'no?"

"'di ah"tumalikod ito saka nakaramdam ng kung anong kilig.

"Sus!palusot pa 'to e,walang lalakeng hindi nagkakagusto kay Ma'am"muling nilingon ni Alfredo ang guard.

"You mean, marami-rami na rin ang nagkagusto sa kanya?"

"Halos lahat ng investors at kaalyado niya sa kompanyang ito"

"Mukhang ginagamit niya ang ganda niya upang makapang-akit ng mga investors ah"

"Naku!Talino ang ginagamit ni Ma'am duon,'di niya ginagamit ang ganda niya para lang sa mga investors..."Nilapit ng guard ang labi niya sa tenga ni Alfredo"Ang pa-panget kasi"bulong ng guard na ikinatawa naman ni Alfredo.

"Oras ng trabaho pero nagtatawanan kayo?"

Sabay na lumingon ang dalawa sa boses na kanilang narinig.

"It's a prank!"sigaw ni Sarah

"Ikaw talaga,Sarah.Ginulat mo kami ah"sabi ng guard.

"Ano ba akala niyo sa akin,si Ma'am Anya?saka ano ka ba Kuya Bobet hindi naman marunong magalit si Ma'am o 'di kaya mag taray,the fact that napakabait niyang tao"sabi ni Sarah

"Nasaan na si Miss Anya?"tanong ni Alfredo

"Nasa banyo pa siya,may pupuntahan daw kayo"

"Saan daw?"

"Magpapasama raw siya sa'yo sa bahay ni Sir Jerome"sabi ni Sarah at nilagay niya sa bag niya ang booklet niya for schedules.

"Ano raw gagawin namin duon?"tanong naman ni Alfredo

'Til I Met You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon