Chapter Four

121 17 3
                                    

Chapter 4

NAKATAYO ngayon si Anya sa bandang pintuan habang pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan at pinakikiramdaman ang malamig na ihip ng hangin.

May tumigil naman na motor 'di kalayuan sa kawayang gate ng bahay ni Alfredo.

"Ma'am,pwede po ba akong pumasok para hindi na po kayo pumunta dito?"tanong ng lalake kay Anya habang nakasilong ito sa sarili niyang payong

"Hindi ko naman bahay 'to pero nababasa ka na diyan kaya dumiretso ka muna dito.Bukas naman 'yan"tugon ni Anya.

Naglakad ang lalake hawak ang isang medyo may kalakihang kahon.

Nasa harapan na ngayon ni Anya ang lalake"Magandang gabi po, Ma'am"

"Good evening"

"Ah, delivery rider po ako at pinadaan lang po ito sa akin ng kaibigan ko.Andiyan po ba si Mister Salvador, Alfredo?"

"Yeah, he's here.Ano ang kailangan mo sa kanya?"tanong ni Anya kahit na kita niya na na balikbayan ang dala nitong box at alam niya na ang sadya nito.

"From balikbayan po, Ma'am.Kayo po ba ang asawa niya?"

"No"nanlaki ang mata ni Anya at umayos ito ng tayo.

"Ahh,sige po.Pwede pong pa pirma dito?"inabot ito ng rider pero tinignan lang ito ni Anya.

"I'll just call him na lang,pasok ka and sit.Don't touch anything hindi natin 'to bahay"sabi ni Anya at agad tinalikuran ang rider.

Hindi alam ni Anya ang pasikot-sikot ng bahay na ito kaya sinundan na lang niya kung saan dumaan ang dalawa kanina.

Napatigil si Anya dahil pakiramdam niya ay naliligaw siya.Napalingon siya sa isang kwarto na nakabukas.Dito ay nakita niya rin ang isang larawang kupas na nakasabit sa dingding.

Napaka familiar y'ong figure face nung babaeng katabi ni Alfredo.Her blonde hair,her skin,her height;Anya thought

Then she just realized after that,na it was Laura,her friend.

Mag-ano sila?They look so happy;Tanong ni Anya sa kanyang utak.

"Ma'am?"

Napaatras si Anya ng marinig niya ito at ng dumampi ang isang palad sa balikat niya.

"Pasensya na po, Ma'am.Nagulat ko po ba kayo?"nag-aalalang tanong ng dalaga.

"Ah-ahh--a slight"nautal na tugon ni Anya saka ngumiti ito sa dalaga.

"Pasensya na po"paumanhin ng dalaga na ikinatango ni Anya"Ano po ba ang ginagawa niyo dito?kakain po ba kayo?"

"Ah,no.May naghahanap kasi kay Alfredo"nakangiti nitong tugon.

"Kay Tito po, Ma'am?"

"Oo e,pakitawag na lang siya ah.Balik na ako duon"pakisuyo ni Anya.

Tumango naman si Jam dito.Habang naglalakad si Anya ay hindi niya maiwasang isipin na siguro kapag itong si Jam ang makapangasawa ng anak niyang si Gab ay tiyak na matutuwa siya.

-

Bumalik ng sala si Anya.Naupo itong kinandong ang bag niya sa kanyang hita upang hanapin ang cellphone niya.Gusto niya kasing tawagan ang anak dahil baka may signal na.

Hindi rin naman nagtagal ay nandito na si Alfredo kasama si Jam.

"Magandang gabi po,Sir"bati ng rider na pinapasok ni Anya kanina.

Ikinatigil naman ito sa ginagawa ni Anya at tinuon ang pansin sa dalawa.

"Balikbayan box po galing kay Misis Minnie Alquin"

'Til I Met You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon