Synopsis

184 14 1
                                    

Synopsis

Animo'y ang babaeng tulad niya ay magmamahal sa isang hamak na lalakeng lolokohin pala siya?Pero,hindi rin naman tulad ng ibang naghihiwalay na sobrang daming drama.Si Anya Enriquez(Regine Velasquez) at Jerome Ventura(Piolo Pascual) talagang diniretso nila ang problema nila.

Nag one-on-one sila at inamin ni Jerome na may nahanap itong kapalit ng kanyang asawang si Anya.Hindi naman pinigilan ni Anya ito dahil alam niya sa sarili niya na marami siyang pagkukulang bilang asawa kay Jerome.No wonder kung bakit naghanap ng iba ang asawa niya.

Akalain mo ba naman kasi,kasal na sila for almost seven years tapos magkasama na sila simula bata.Tapos mauuwi lang sa wala?Hay naku.

Pero ganun pa man,naging maayos talaga ang paghihiwalay nila.Sa katunayan nga niyan ay magkakaibigan sila ngayon.'Yung tipong sa lahat ng bagay nagkakasundo sila,pati rin sa mga anak nila.

Hindi mo nga naisip 'no?Talagang nag-iwan si Jerome ng anak kay Anya na pwedeng makapagpaalala sa kanya.Pero hindi naman iyon naging problema ni Anya dahil sa katunayan ay nagpapasalamat siya kasi hindi lang isa ang iniwan ni Jerome kun'di dalawa.Pero sa totoo lang,isa pa rin ang naiwan kasi agad na binawian ng buhay ang isa sa araw mismo nu'ng pinanganak siya.

Iyon na yata ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ni Anya.

Sina Gabriel Enriquez Ventura at Calista Enriquez Ventura ang anak nina Jerome at Anya.Ai Gabriel lamang ang nabuhay.

Si Gab(Daniel Padilla) ay isang mabait na binata.He's 21, Engineering siya pero dahil sa nangyari sa ina niya ay gusto niya munang pumalit sa ina sa kompanya nila para masiguro ang kaligtasan nito.

Sa kabilang dako naman,si Alfredo Salvador (Ogie Alcasid) ay isang anak-mayaman din pero mas pinili niyang manirahan sa isang masulok na lugar.Marami siyang rason kung bakit mas pinili niya iyon.

Ito namang inaanak niya kunwari.Anak kasi ito ng kaibigan niyang halos 21 years nang hindi nagparamdam kaya si Alfredo na rin ang nagpalaki kay Jamilla Fajardo(Kathryn Bernardo)

Si Jam ay isang mabait na dalaga.Isa lang ang pangarap niya.Ang maging isang ganap na Doktor at pagkatapos nun pwede na siyang mag-asawa.

Hinahanap niya rin ang ina niya.Hindi kasi nakwento ng Tito Alfredo niya ang tungkol sa nanay ni Jam dahil hindi raw nagkwento ang ama nito sa kaibigan.

'Til I Met You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon