SYNOPSIS

1K 36 2
                                    

Detailed Plot in Tagalog:

Ang kwentong Water Snake: Legend of the deep ay iikot sa bidang tauhan na si Soju, siya ay 2000 years old demon sa lahi ng mga tubig ahas o water snake na nakatira sa pinaka kailaliman ng karagatan. Ang kanilang lahi ay bihira lamang kaya naman itinatago nila ang kanilang mga sarili upang maging ligtas sa lahat ng maaaring gumambala sa kanila. Ayon sa kasaysayan ng kanilang lahi, ang mga water snake ay madalas na hinuhuli ng mga pirata upang gawing gamot o kaya ay ibenta ang kanilang magagandang kaliskis sa malaking halaga. Iyon ang dahilan kaya't sila ay nanirahan sa lugar hindi sila maabot ninuman.

Ang isang espesyal na katangian ng mga water snake ay kakayahan nilang umibig ng tapat sa iisang tao. Ang kanilang mga puso ay espesyal dahil sa kanilang mahabang buhay ay iisang tao lamang ang kanilang mamahalin at hindi na titibok ang puso nila para sa ibang tao. Minsan lang magmahal ang mga tubig ahas ngunit ang kanilang pag ibig ay wagas at hindi mapapantayan. Ito rin ang dahilan kung bakit sila umaahon sa dagat upang manirahan sa lupa at hanapin ang taong pinakamamahal nila. Subalit, kung dumating ang araw na ang taong kanilang minamahal ay mamatay at o kaya ay magmahal ng iba ay mabibigo ang mga water snake at ang kanilang puso ay hihina ng hihina hanggang sa ito ang maging dahilan ng kanilang pagkamatay.

Ang bidang tauhan na si Soju ay umibig sa isang Demon Hunter na ang pangalan ay Yoga, iniligtas niya ang binata mula sa kamay ng mga sirena noong mahulog ito sa karagatan. Malulunod siya sa sobrang pagmamahal kaya magdedesisyon siyang umakyat sa lupa at hanapin si Yoga kahit na ang tiyansang makita ito ay maliit lamang. Sa kanyang pag akyat sa mortal na mundo ay makakasalamuha niya ang lahat ng klaseng tao kabilang na dito si Piyo ang pinakamahusay na Demon hunter sa buong lupain at ito ang magtatangkang humuli sa kanya. Sa makatuwid ang buhay ni Soju sa ibabaw ng lupa ay miserable at puno ng panganib. Pero ang lahat ng ito ay isusugal niya para lamang makita ang taong minamahal at makasama ito.

Makalipas ang ilang linggong paghahanap ay matatagpuan ni Soju si Yoga sa mga lupon ng Demon Hunter. Agad siyang makikilala ng binata at itatakas ito upang hindi mapahamak. Itatago ni Yoga si Soju sa malayong lugar at dito ay maninirahan sila ng tahimik. Ngunit ang ginawa ni Yoga na pagtatago sa isang demonyo ay malinaw na pagtataksil at paglabag sa kanilang batas. Kaya naman sa pangunguna ni Piyo at hahanapin nila si Yoga at Soju para patayin.

Sa kabilang banda ipagtatanggol rin ni Soju si Yoga laban sa mga demonyo na ginambala nito bilang isang hunter. Dahil dito ay lalabagin rin ni Soju batas ng kanilang lahi.

Dito magsisimula ang magulong labanan sa pagitan ng pag-ibig at paninindigan. Ano ang kaya nilang gawin upang labanan ang batas ng magkaibang mundo?

BRIEF SUMMARY OF THE PLOT IN ENGLISH:

The story Water Snake: Legend of the Deep will revolve around the protagonist Soju, a 2000 years old demon in the race of water snakes or water snakes that live in the deepest depths of the ocean. Their race is rare so they hide themselves to be safe from all who might disturb them. According to the history of their race, water snakes are often hunted by pirates to make medicine or to sell their beautiful scales for large sums. That is why they lived in a place where they could not be reached by anyone. A special characteristic of water snakes is their ability to fall in love faithfully with the same person. Their hearts are special because in their long life, they will love only one person and their hearts will no longer beat for another. Water snakes only love once but their love is pure and unmatched. This is also the reason why they go out to sea to live on land and find the person they love most. When the day comes when the person they love dies and or loves others the water snakes will fail and their hearts will weaken until it becomes the cause of their death. The protagonist Soju falls in love with a Demon Hunter whose name is Yoga. He will drown in so much love that he will decide to go up to earth and look for Yoga even if the chance of seeing it is small. When he ascends to the mortal world, he will meet all kinds of people, including Piyo, the best Demon hunter in the whole land, and he will try to catch him. Basically, Soju's life on earth is miserable and full of danger. But he will gamble all this just to see the person he loves and be with him.



Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon