Episode 17: Misyon ng Kabiguan
SOJU POV
Unti unting gumapang ang malamig na temperatura sa lupa hanggang sa tuluyan itong magyelo. Sa pagkakataong ito ay ramdam na ramdam na ang kakaibang lamig sa buong bayan. "Nais ko lamang ipaalam sa inyo na dalawang libong taon na ang itinagal ko sa mundong ito. Hindi ito ang unang pagkakataon na pumatay ako sa kapwa ko demonyo," ang wika ko sa kanila.
"Bakit hindi natin subukan?" ang panghahamon ng demon fox na si Elias.
"Tama nga naman, dapat ay subukan ninyo," ang pagsang-ayon at dito ay lumundag ang isang kalaban sa aking likuran kaya naman tumubo ang matulis na yelo sa aking paligid at itinuhog ko ang katawan nito. Isang iyak ng lobo ang narinig sa makapal na hamog.
Wala akong makita ngunit ang pakiramdam ko ay lubhang malakas. Sa pagkakataong ito ay dalawa pang demon fox ang sumugod sa akin sa magkaibang direksyon. Dito ay ikinumpas ko ang aking kamay ay umangat mula sa lupa ang matutulis na piraso ng mga yelo na bumaon sa katawan ng mga ito.
Nanatili ako sa aking kinatatayuan at nakikiramdam lang, ang akala ko ay anim lamang ang mga kalaban sa aking paligid, nagkakamali pala ako dahil marami sila at hindi ko mabilang. Malaking sagabal ang makapal na hamog na kumalat na sa buong isla dahilan para wala ng makita ang iba pa.
"Natahimik ka yata ginoo? Ang akala mo ba ay susugod ako dito na sampung kapanalig lang ang aking dalawa? Nagkakamali ka dahil maraming marami kami!" ang sigaw ni Elias at dito ay lumundag sa aking direksyon ang mas maraming mga demon fox.
"Ganoon ba? Alam mo ba kung ano ang pinakaiba nating dalawa?" tanong ko sa kanya.
"Ano iyon?" ang tanong niya sa akin.
"Iyon ay ang ating edad. Sa kasaysayan, ang pinakamatandang demonyo ang pinaka makapangyarihan sa lahat!" ang sagot ko sa kanya sabay suntok sa lupa. Nagliwanag ang buong paligid at dito ay umangat ang mga matutulis na piraso ng yelo sa lupa ang ilan dito ay nagliparan rin na animo mga patalim.
"Maaaring hindi ko kayo nakikita, ngunit ang aking pakiramdaman ay hindi pumapalya! Kaya't kung sa tingin niyo ay magiging sagabal ang makapal na amog na inyong ginawa," ang dagdag ko pa at dito ay huminga ako ng malalim at pinagyelo ang hamog hanggang sa mabawasan ang kapal nito.
At habang tumatagal ay lumalaki ang tipak ng mga yelo na lumilipad sa paligid dahilan para maramdaman kong umatras at dumistansiya ang mga kalaban.
Ipinakita sa senaryo na nagpatuloy ang paglipad ng mga matutulis na yelo sa buong paligid hanggang sa mabawasan ang bilang ng hukbong dala ni Elias. Sumagi rin sa kanilang isipan na tila nagkamali sila ng Gidlis na binangga dahil si Soju ay talagang malakas at imposibleng makalapit sila dito. "Elias, anong klaseng Gidlis ang hinamon mo? Pinahamak mo ang kalahati ng ating lahi!" ang wika ng kanyang kasamahan sabay takbo palayo sa bakod.
Noong mga sandaling iyon ay si Elias na lamang ang natira sa loob ng hamog kaya naman nagdesisyon siyang huwag na lang magsalita at tumakas para sa kanyang buhay. Nagsimula siyang tumakbo ngunit napahinto siya dahil sa kanyang paligid ay lumabas ang isang dambuhalang imahe ng ahas na umiilaw ang mga mata. Hindi niya makita ng malinaw ang anyo ng higanteng ito, bagamat positibong ito ay isang demon snake.
"Saan ka pupunta Elias?" tanong ng ahas sa kanya.
"Nagbibiro lang naman ako, laro laro lang naman ito," ang natatakot na sagot nito na nanimo asong nabahag ang buntot.
"Nagbibiro? Pwes ako ay hindi nagbibiro!" ang sagot at ahas at mabilis na nilingkis niya ang katawan ng kalaban at saka kinain ng buo. Tila naging mabilis ang labanan, unti unting nawala ang hamon at ang lahat ay naging malinaw na. Upang mapaghalataan ay humawak ng patalim si Soju at humiga ito sa lupa na kunwari ay nawalan ng malay. Sana ay sapat na ito upang hindi siya mabuko.
BINABASA MO ANG
Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEP
FantasíaAng kwentong Water Snake: Legend of the deep ay iikot sa bidang tauhan na si Soju, siya ay 2000 years old demon sa lahi ng mga tubig ahas o water snake na nakatira sa pinaka kailaliman ng karagatan. Ang kanilang lahi ay bihira lamang kaya naman itin...