Episode 11: Puryoku

237 14 5
                                    

Episode 11: Puryoku

SOJU POV

"Ganon kabilis? Lubog lubog lang sa tubig tapos pag ahon nagpakalagayan na kayo agad ng loob? Aba, parang pelikula na may mabilis na daloy," ang hirit ni Ringo noong bumalik ito sa isla.

"Yung ginawa kong paghalik sa kanya habang nakalubog sa tubig ay para sa kanyang memorya, para maipaalala ko na yung taong nagligtas sa kanya ay ako," ang tugon ko naman.

"Tao? Sira, huwag mo nga gamitin ang salitang "tao" dahil alam mo naman kung ano tayo. Teka alam na ba niya na ikaw ay isang Gidlis?" tanong niya sa akin.

"Syempre ay hindi, hindi pa ako nababaliw para gawin iyon, ayokong iwasan niya ako," ang sagot ko naman.

"Tama lang diba, alalahanin mong isang demon hunter iyan. Nag jugjug na ba kayo?" tanong niya.

"Jugjug? Ano yun?" tanong ko rin.

"Edi nagtalik, ano natira ka na ba?" hirit ni Ringo.

"Sira, walang mangyayaring ganoon, umayos ka nga. Shhhh, parating na siya mula sa pangunguha ng kahoy," bulong ko naman.

"Kahoy? Para?" pagtataka niya.

"Para gawing balsa, pupunta siya doon sa isla ng Leren. Para makasama yung mga kaibigan niya na siguradong pinagluluksaan na siya ngayon."

"Balsa talaga? Bakit hindi mo na lang upakan niya at kapag nakatulog ay ihagis natin doon sa isla," bulong rin ni Ringo.

"Sira ka talaga. Nagdesisyon akong sumama sa kanya doon sa isla," dagdag ko pa.

"Sumama sa isla? Puro hunter doon gusto mong maamoy nila? Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo Soju, sobra sobra na ito ha. Kung gusto niya ng balsa ay may nakita akong abandunadong bangka doon sa kabilang isla. Kukunin ko iyon para may masakyan siya pero huwag kang sasama," ang sagot ni Ringo.

"Eh paano kung may mangyari sa kanya doon?" tanong ko na may halong pag aalala.

"Paano kung may mangyari sa kanya doon, nye nye nye," pang gagaya niya sa akin na ngingiwi ngiwi ang mukha.

"Asar naman to."

"Basta Soju ha, babalik agad ako dito at huwag umarte arte dyan," ang hirit niya sabay lundag sa tubig at saka lumangoy palayo.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay dumating naman si Yoga na may dalang maraming gamit na gagawing balsa. "Sa tingin mo ay sapat na ba ito para makagawa? Teka may kausap ka ba?" tanong niya sa akin.

"Ah e wala. Nga pala mayroong bangka yung kaibigan ko doon sa kabilang isla. Siguro iyon na lang ang gamitin mo. Pupunta dito iyon para magdala ng pagkain," ang wika ko habang nakangiti.

"Nga pala Soju, taga saan ka ba? Alam mo ba na delikado ang mag isa dito? Kung sabagay, lagi mo nga pala akong inililigtas. Salamat ha, kung wala ka ay baka matagal na akong namatay," ang wika niya sabay yakap sa akin.

"Wala iyon, ano.. taga ano ako.. ano, doon sa malayo. Isa akong maninisid ng perlas dagat. Iyon ang kabuhayan ko. Nagkataon naman na nakita kita kaya nagawa kitang iligtas," ang pagsisinungaling ko habang nauutal.

"Ganoon ba? Sa lahat ng maninisid ng perla ay ikaw ang pinakagawapo, pinaka maputi at pinakamakinis sa lahat. Para kang babae sa kutis mo alam mo ba iyon?" ang pagtataka niya habang pinagmamasdan ang aking katawan. Maya maya ay dinakot niya ang aking ari dahilan para mapaatras ako, "bastos naman ito!" ang asar kong tugon.

Natawa siya. "Sinigurado ko lang naman kung lalaki ka nga talaga. Kahit naman kasi may adams apple ka, kahit may muscle ka at malalim din ang boses mo ay masyado ka pa ring parang babae e. Sobrang gwapo mo, sobrang arrrrghhh. Basta! Tara na nga doon, masyadong malamig dito," ang pagyaya na lang niya sabay akbay sa akin.

Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon